Chapter 11 - Only Hope

2617 Words
♪ I give you my destiny I'm giving you all of me I want your symphony Singing in all that I am At the top of my lungs I'm giving it my all  ♪ Nagbalik si Aina sa loob ng CR para ayusin ang kaniyang sarili. Inayos niya ang pagkakasuot ng polo na ibinigay ni Thiago at saka hinagod ang buhok. Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti. Hindi niya inaasahan na mangyayari yun. Kaya medyo natagalan siya bago makarecover. "Kaya ko 'to..." she said to herself then stormed out of the comfort room. Natapos na si Jazzmine sakaniyang pagkanta. Maayos ang nagging pagtatanghal niya dahil patango-tango ang mga hurado at nakangiti nang matapos siya. Pababa na siya ng entablado  at labis ang pagkagulat nang makita si Aina na papasok ng auditorium. She frozed for a moment because she didn't expect that Aina would be able to make it. Tinahak ni Aina ang pasilyo ng auditorium. Sinalubong naman siya ni Andra na nag-aalala. "Bakit ngayon ka lang? Akala ko ay hindi ka na sisipot eh!" bulong nito habang nakaangkla kay Aina. "May nangyari lang..." nakangiting sagot ni Andra. Maya-maya pa ay napalingon sila sa b****a ng auditorium at nakita ang tumatakbong si Theo. Nakasuot ito ng jersey shirt ng Alberta University habang nakasakbit sa balikat ang gym bag. "Buti umabot ako.." humahangos niyang sabi nang makalapit kay Aina. Pero kunot noo niya namang binalingan si Aina nang mapansin ang polo na suot nito. "Bakit ganyan ang suot mo?" seryoso niyang tanong. Nataranta naman si Aina at hindi alam kung paano sasabihin kay Theo ang nangyari kanina, "Next! Alaina Valderama! On the stage please..." napalingon sila ng tawagin siya sa harapan. "Mamaya na yan, Kuya! Go Aina!" Andra cheered. Hinawakan naman ni Theo ang mukha ni Aina at pinaharap sakaniya. "Don't be nervous, okay? Kapag kinabahan ka... Tumingin ka lang sakin.." nakahinga naman ng maluwag si Aina sa sinabing iyon ni Theo. Tumango lamang siya at natigilan ng hinalikan siya ni Theo sa noo. "Good luck..." Theo whispered. Sa likuran naman ay hilera ng upuan kung nasaan sina Thiago,Millicent,Brandon at Annika. Lumakad na si Aina patungo sa harapan. Kung nakakatusok lang ang paningin ay malamang duguan na siya dahil sa pagtitig ni Jazzmine sakaniya. Paano niya nagawang makarating? Mahigpit ang bilin niya sa tatlong babae na wag hahayaang makasipot ito. "Good afternoon, Everyone.." sambit niya ng nilebel ang sarili sa mikropono. "You may start, Miss. Valderama..." saad ng kanilang adviser at ilang music teachers. Nagpalakpakan naman sina Millicent sakanilang pwesto. Si Theo ay sumisigaw pa kaya natatawa ang grupo. "Whoooo! Mahal ko yan!" sigaw niya. Napangiti na lamang si Aina. Bakit siya mahihiya kung itong si Theo nga ay hindi? Natatawa siya sakaniyang isipan. Tumunog ang intro ng kanta at saka niya sinimulan ang pagharana sa mga tao. She closed her eyes and feel the music. " ♪ There's a song that's inside of my soul... ♪ " simula pa lang ng pagkanta niya ay nakuha niya na ang loob ng mga hurado dahil sa husay nito. Iminulat niya ang kaniyang mata at ibinigay ang buong atensyon kay Theo na nakangiti sakaniya. At doon pa lang, nawala na ang kaba niya. She sang Only Hope by Mandy Moore. Almost all of the people we're amazed by her singing voice. Ang mga guro ay tulala sakaniya dahil sa mala-anghel na melodiya ng kaniyang pagkanta. Ipinatawag na sa entablado si Jazzmine para sa pag-anunsyo ng mananalo. Taas noo pa siya at confident na siya ang makukuha para sa role. Bakit hindi? Maganda siya at mahusay. "Okay... We really had a hard time choosing for the lead role.. but don't worry the other one that would not be able to get the lead, we still have the Ursula role." saad ng kanilang adviser. (Ursula - Ursula is a villainous who tricks a princess named into trading her voice for a pair of human legs) "So.. The one who's going to be Ariel is..." "Alaina Valderama! Congratulations! No worries, Jazz. You still have Ursula for your role." nakangiting balita nito. Tuwang-tuwa sina Andra. Nagsigawan at tumalon pa ang mga ito dahil sa kasiyahan. Inis na inis naman si Jazzmine at hindi makapaniwala sa narinig. Magaling siya ngunit masiyadong pilit at sobra ang ibinibigay niyang emosyon. Sa galit ay nagmartsa na ito pababa sa stage at iniwan mag-isa ang hindi makapaniwalang si Aina. Tumakbo si Theo paakyat ng entablado at sinalubong si Aina ng isang mahigpit na yakap. Natatawa naman si Aina na niyakap rin siya pabalik. Binuhat niya pa ito at pinaikot-ikot habang magkayakap sila. Nang maghiwalay ay mahinang hinampas ni Aina ang balikat ni Theo. "Sabi ko sayo diba? Congrats!" masayang sabi ni Theo at niyakap muli si Aina ng mabilisan. "Salamat ha... Sa tiwala mo sakin..." nakangiting sabi ni Aina. Maya-maya pa ay tumatakbo na rin paakyat ng stage sina Andra. "Ang galing mo!" sambit ni Andra. "Oo nga, Aina. Ikaw ha! Hindi mo sinabi may ganun ka palang talent!" biro ni Millicent. Nakangiti naman si Annika, Brandon at Thiago sa likod at masaya rin sa pagkakakuha ni Aina sa role. "Wait, why are you wearing a guy's polo uniform? Is that yours Theo?" tanong ni Annika. Natigilan naman si Aina sa tanong ng kaniyang ate. Hindi niya iyon inaasahan kaya hindi siya makatingin sa mata ng mga ito at makakibo. "Oo nga, kanina ko pa yan napansin. Kanino yan?" seryosong tanong ni Theo. Knowing Theo is really a territorial guy, Aina is scared of his reaction. "Sakin." napalingon sila sa likuran kung saan lumakad papalapit si Thiago. "Kuya?" takang-taka naman na tanong ni Theo. Natigilan si Aina. Ayaw niya na sanang kumalat pa ang nangyari kanina. Ayaw niyang magkaroon ng kaaway sa school kaya palihim niya na lang pinatawad ang mga kaibigan ni Jazzmine. Pero paano niya pipigilan si Thiago na sabihin ang totoo? Magpapapigil ba ito? "I saw her earlier before the audition.." nanlaki ang mata ni Aina ng magsalita ito. "Thiago!" tawag niya rito pero parang wala namang narinig ang lalake. "Nakita ko sila sa may locker area. Pinagtutulungan siya ng tatlong babae. Isa-isang pinilas yung damit niya kaya pinasuot ko muna yan sakaniya." he said coolly. "What?" Andra,Annika and Millie exclaimed. "Hayaan niyo na.. Hindi na yun issue rito.." Aina said trying to calm her friends. "Bullshit!" nagulat sila ng biglang tumalikod si Theo at tumakbo, "Theo!" Aina shouted pero hindi niya ito nilingon. Naunang tumakbo si Aina tapos ay sumunod na rin ang mga kaibigan niya. Saan siya pupunta? Sasaktan niya ba si Jazzmine? Knowing Theo is capable for doing that she is really panicking. Kahit naman ganoon ang ginawa sakaniya ay ayaw niya ang may sakitang nagaganap. Huminto siya sa harap ng kanilang classroom at naabutang nasa loob si Theo. Nanlaki ang kaniyang mata ng maabutang nakayuko si Jazzmine habang nakatayo sa harap nito. Mabuti na lamang ay walang sino mang guro ang dumaraan kung hindi ay malalagot si Theo sa pagsulpot nito. "Theo!" tawag ni Aina rito at nagmamadaling nilapitan sila. Hinawakan niya ang braso nito para pigilan. "Pasalamat ka babae ka! Kung may iba ka pang ginawa kay Aina baka ano na nagawa ko sayo!" gigil na sabi ni Theo. Si Jazzmine naman ay nayuko lamang. Nagulat naman sila ng may humawi sakanilang gitna. It was Annika. Tinabig niya ang katawan ni Theo para mabigyan siya nito ng daan palapit. "Ako, Babae ako..." she said coolly. Napaangat naman ng tingin si Jazz. "I didn't mean it! Ayan kasing kapatid mo papapel! Ako dapat ang lead role kung hindi siya sumingit eh!" mangiyak-ngiyak niyang sabi. Tinaliman lang siya ng tingin ni Annika at humakbang papalapit. "Hindi mo ako kaya, kaya yung kapatid ko ang pinagdiskitahan mo?" nakangising sabi ni Annika. In one swift move she slapped Jazz on her right cheek. Napanganga naman ang buong klase sa ginawa niya. Maging ang magkakaibigan ay nagulat. Alam naman nilang maldita talaga si Annika pero hindi nila naisip na ganito ang gagawin niya. "Siguro dati, ikaw nga ang magaling. Kaya nga ikaw ang nakukuha hindi ba? Partida pa I am not joining since I am really not into music. Ngayon kasi, hindi na ikaw. I am a Valderama. We are a Valderama kaya hindi na katakataka kung mas aangat kami kumpara sa iba. Now, If you are that desperate lumaban ka ng patas. This is my final warning, Jazzmine." mariing sabi niya habang nilalaro ang I.D nito. Hawak ang pisngi ay panay ang pagluha nito. Tinalikuran na sila ni Annika para lumabas. Sumunod sakaniya si Brandon. Ganoon na rin ang ginawa nila Theo. Hinawakan niya ito sa palapulsuan at hinila paalis sa classroom. "Bakit hindi mo sinabi sakin?" inis na sabi ni Theo ng masolo niya si Aina sa may library. "Ssshh... Huwag kang maingay... Sige ka pagagalitan tayo nung librarian. " Aina said smiling like this is just a joke to her. "I am damn serious here! Paano kung napano ka?" iritableng sabi ni Theo habang hilot ang sentido nito. "Pero wala naman nangyari eh." "Tsk! Eh paano nga kung meron? I told you! Tatawagan mo ako kapag kailangan mo ako dahil kahit nasaan pa man ako pupuntahan kita!" pigil nito sa pagtaas ng boses niya. Ngumiti na lamang ulit si Aina at biglang tinakpan ang bibig ni Theo. Nasa may bandang sulok sila ng library bihira na ang magawi sa bandang ito dahil medyo madilim. Tanging ilaw na lang galing sa labas ang nagbibigay liwanag. Huminga ng malalim si Aina bago tinanggal ang kamay sa bibig ni Theo. She smiled seeing him being snob and irritated. Bumuntong hininga siya at humawak sa magkabilang balikat ni Theo at tumingkayad. Nanlaki ang mata ni Theo ng nilapit ni Aina ang kaniyang mukha sakaniya at ginawaran siya ng halik. It was just a 5 seconds peck of kiss yet it meant a lifetime happiness to him. Nang mahiwalay sa isa't-isa ay parehas namumula ang dalawa. Hindi makatingin ng diretso sakaniya si Aina. Nakangiti lamang ito at nilalaro ang kamay. Si Theo naman ay nananatiling nakatulala at hindi makapaniwala. "Ah-eh.. Mauuna na ako-" akmang tatakas siya pero nahuli ni Theo ang kaniyang kamay. "Wait... Ba-bakit mo ako hinalikan?" "Ayaw mo?" "Syempre gusto! Pero ibig sabihin ba nito..." "Oo! Gusto rin kita Theo. Sinasagot na kita... Teka? Hindi ka naman pala nanliligaw-" Aina giggled when Theo pulled and gently pinned her on the wall. A playful smile formed on his lips. "Then I'll court you everyday... I don't know how to do that but that'll be just easy..." nilagay niya ang takas na buhok ni AIna sa likuran ng tenga nito. "Wala ng bawian ha." Theo planted a quick kiss on her lips again. "Ikaw ha!" hampas ni AIna sa dibdib nito sabay takbo paalis. Leaving Theo smiling like an idiot. Nakangiti rin si Aina habang naglalakad patungo sa parking kung saan naghihintay na ang kaniyang driver. Hindi niya maiwasang hindi kiligin. Hindi siya nagsisisi na sinagot niya na si Theo dahil alam niya kung gaano siya pinangangalagaan nito. At isa pa, hindi niya rin kayang mawalay ito sa tabi niya. The way Theo treats her as if she's a precious stone that meant to be kept and protected is a solid proof how much he loves her. Pabalik na sana si Aina sa parking area kung nasaan naghihintay na ang kanilang driver. Napadaan siya sa isang abandonadong music room. Hindi na ito sinasara dahil wala naman ng mga gamit rito bukod sa mga lumang instrumento. Nilipat na ang music room ng Alberta University dahil nirenovate ito at medyo malayo ito sa building ng mga estudyante. Hindi na dinala roon ang mga lumang gamit, wala namang nagtatangkang kumuha roon. At dahil kilala talagang kuryoso si Aina. Pinihit niya ang pinto at pumasok roon. Luma na ang paligid ng silid. May mga kumpol ng upuan sa likuran. Naging tambakan na lang pala iyon. Yari sa salamin na maalikabok  ang harapan nito. Kaya kita ang kaniyang repleksiyon. She saw a dusty piano organ, guitar and violin. May mga iilang gamit rin at posters na related sa music. Nillibot niya ang kaniyang paningin. She felt warmth in this place. It feels like home to her. Bakit ang dali lang abandonahin ng tao kapag luma na? Bakit hindi na lang nila ayusin para mapakinabangan ulit. Sambit niya sakaniyang isipan. Nagtungo siya sa grand piano at pinagpag ang silya sa harapan nito. She opened the case and blew the dust on top of it. She felt the piano keys on her hands first. Then closed her eyes and started playing the intro of the song she sand earlier at the audition. "♪ So I lay my head back down And I lift my hands and pray To be only yours I pray To be only yours I know now you're my only hope ♪" Naputol ang kaniyang pagtugtog at pagkanta ng biglang nagbukas ang pinto. Nanlaki ang kaniyang mata ng makita kung sino ito. "Th-Thiago?" sambit niya sa hindi makapaniwalang tono. Si Thiago naman ay hindi lang kumibo. Nakapamulsa lang ito at nagkibit balikat. "Anong ginagawa mo.. dito?" takang-taka si Aina. Hindi niya naman alam kung mahilig rin ba sa musika si Thiago? Anong ginagawa niya sa lugar na ganito? "Madalas ako rito. Kapag tinatamad akong pumasok sa isang klase. Nandito ako." sabi ni Thiago bago naglakad sa bandang dulo ng silid. Yumuko ito at may kinuhang isang paso. Kunot noo siyang sinusundan ng tingin ni Aina. Lumapit sakaniya si Aina habang hawak ang paso na may bulaklak na nakatanim. Maliit lang ito pero maganda ang pagbukadkad. "Ano yan?" "Begonia." "Sa-sayo yan?" "Nakita ko lang dito. Pero dinidiligan ko. Sayang eh." ngumisi lamang si Thiago bago binuksan ang pinto at umupo sa b****a nito. May kinuha itong mineral water sa tabi at binuksan ito para diligan ang bulaklak. Dahan-dahang lumapit si Aina at umupo rin sa tabi ni Thiago. "Mahilig ka sa bulaklak?" tanong niya. Mabilis namang umiling ito sakaniya. "Not really.. Sayang lang... Kung malalanta..." napatingin si Aina sa seryosong mukha ni Thiago habang binubuhusan unti-unti ng tubig ang halaman. "Do you know what this flower symbolizes?" biglang tanong ni Thiago. Umiling lamang si Aina. "Kapag raw nagbigay ka ng ganitong bulaklak sa isang tao.. Parang binabalaan mo siya na may hindi magandang mangyayari sakaniya sa hinaharap.. Kaya siguro iniwan na lang ng may-ari dito." bahagyapang tumawa si Thiago. "It's still pretty though... Kahit hindi maganda ang ibig sabihin." sambit ni Thiago bago tinakpan ang bote ng tubig at tinabi, "Ganun naman talaga di ba?" Aina said out of the blue while looking at the pink begonia with it's small petals. "There's no perfection in this world. We have to be realistic here. Minsan we expect that if it's beautiful outside it should be too on the inside. But no. It's not. It will never be. We have to accept the fact that everything in this world has it's own scars, but it doesn't mean it can't be loved." Aina said. Bahagyang ngumiti si Thiago. Tumingin na lang sakaniya at ginulo ang kaniyang buhok bago tumayo. Nilagay muli ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. "Ikaw na muna bahala sa kaniya." Thiago said pertaining to the flower then slowly walk away. Aina stared at the Begonia. She really can't believe that this flower represents sadness and can serves as a warning for a person. Hindi siya naniniwala. Nasa tao pa rin yun. She picked up the pot and walked towards the piano. She placed the flower on the top of it. Napangiti siya. Kanina pagpasok niya puro kalumaan ang silid. Ngayon tinitigan niya muli ang kabuuan habang nasa ibabaw ng piano ang bulaklak, nagkaroon na ng kulay ang kwarto. She slowly closed the door and made sure that she'll come back here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD