Chapter 31 - Enchanted

3594 Words
“What about this? Bagay ‘to sayo!” hinawi ni Aina ang panglimang damit na kanina pa itinatapat ni Andra sakaniya.   Kasalukuyan silang nasa boutique ng kanilang pamilya. Annika is currently fitting and choosing what to wear on her upcoming pageant tomorrow night. Kasama nila ang buong barkada maliban kay Milliecent. Si Brandon, Aina, Andra at Thiago lamang ang naroon para samahan siya.   Ang dalawang lalake ay bagot na bagot dahil sa kanina pa sila pumipili pero hanggang ngayon ay wala pading nagugustuhan si Annika. Nasa couch lamang ang dalawa at nagbabasa ng magazine.  Si Aina at Andra naman ay naglilibot-libot at naghahanap din ng damit na pwedeng mabili.   Aina is wearing a cute floral yellow dress matched with her white strappy sandals. Her hair is on side with a white clip on it. She’s holding her sling bag while scanning each dress racks same as Andra.     “Sigurado ka bang hindi ka sasali?” pinanliitan ni Aina ng tingin ang makulit na kaibigan.   Umiiling bago ibinalik ni Andra ang paningin sa mga damit.   “Why? Sayang! We need some fresh faces as Ms. Alberta!” giit ng kaibigan.   “Shh! Wag ka ngang maingay, Andra! Ate might hear you!” saway ni Aina sa kaibigan. Andra just rolled her eyes.   “Fine! Pero sayang kasi…” sambit nito sabay hawi pa ng mga damit.   “Hindi yun sayang… Si ate naman yun eh. At saka hindi ba sabi ko naman sayo? Wala akong hilig sa ganyan.” Aina smiled at Andra.   “Okay fine! Suko na ako! But can we at least dress up for that night, please?” Andra made a puppy eye to her friend.   “Please?” Aina sighed.   “Okay! Pero simple lang ha? Ayaw ko ng masyadong bongga.”   “Yes!” binaliwala ni Andra ang paalala ng kaibigan at nagpatuloy sa paghahahanap ng damit.   Napailing na lamang si Aina.   Maya-maya pa ay lumabas na mula sa dressing room si Annika. She look so stunning on her black long sleeve lacey maxi dress showing some skin on her back. She made a slow turn as she shows her whole look with the group.   “Wow! Ang ganda mo ate.” Kumento ni Aina.   Lumapit naman si Brandon sa kasintahan at hinawakan ang mga kamay nito.   “What do you think?” Annika asked and flaunt her look to her boyfriend.   “Parang ayaw na kitang pasalihin.” Seryosong sabi ni Brandon habang mapungay ang mga mata na nakatitig sa kasintahan.   “Silly! Ano nga? Is this fine? Or should I choose something more revealing?” sambit ni Annika sabay ikot muli at eksamina pa sa suot niyang gown.   “That is so fine, sweety! That is one of the limited edition gowns that we have.” Sabat naman ni Raffy ang kanilang designer.   “He’s right. And besides, any dress more revealing than this? I don’t think I will still allow you to join.” Seryosong sabi ni Brandon. Annika just rolled her eyes to him.   “Fine! Ito na ang kukunin ko.” Sambit ni Annika na nakangiti sabay ikot.   Aina smiled sweetly as she stares at her sister happy aura. Ayan lang naman ang kasiyahan niya, ang makitang masaya ang ate niya. Kaya naman ganun na lang ang pagtanggi niya sa bawat alok sakaniya na sumali din sa pageant. She don’t want to compete with her sister. Kahit saan.   Nahagip ng tingin niya si Thiago na nakaupo lang sa couch. Kunot noo niya itong tinignan dahil naabutan niyang nakatitig lamang ito sakaniya habang nakadikwatro at nakapalumbaba, nilalaro ang ibabang labi. Akala niya ay iiwas ng tingin ito pero hindi, walang pakundangan siya nitong tinitigan hanggang siya na halos ang naiilang at nag-iwas ng tingin.   Her heart keeps on acting weird. It keeps on hammering whenever she sees Thiago. Damn. Ito ang kahinaan niya, ang pagdiskubre ng totoong nararamdaman, Pero ano nga ba ang dahilan? Nakakatakot naman malaman. Ani niya sakaniyang isipan.   “Salamat sa pagdalaw.” Naglapag ng mainit na tsokolate si Millie sa maliit na lamesa nila. Dinalaw siya ni Aina sakanilang bahay matapos ng klase.   “Wala yun. Sana kasya na kay baby ang mga yan.” Ngiti ni Aina tumutukoy sa mga paper bag na dala niya. Nagpabili sya kina manang ng mga damit pang sanggol para kay Mela o Milena. Ang anak ni Millie.   “Naku, nag-abala ka pa. Nakakahiya.” Mahinhin na sabi ni Millie bago nilingon ang natutulog na anak sa crib.   “Walang anuman. Punta ka bukas ng gabi ha? Pageant ni ate.” Anyanya ni AIna.   Milliecent just smiled at her. Nag-abala pa talaga si Aina para alukin siyang pumunta bilang suporta sa kapatid niya. Makikita talaga ang malasakit at pagmamahal ni AIna para sakaniyang ate kahit puro pagsusungit ang isinusukli nito.   “Kailangan ba ng magarang damit?” malumanay na tanong ni Millie bago sumimsim sakaniyang tasa.   “Hmm. Hindi naman. Pero kung gusto mo marami naman ako sa bahay pwede kitang pahiramin.” Umiling-iling naman ni Millie.   “Naku, hindi na. Sobra na… Meron pa naman ako diyan.” Hinawakan ni Millie ang kamay ni Aina.   “Salamat, Aina.” Aina smiled at her too.   “Walang anuman.”   Nagpaalam na si Aina kay Millie. Hindi na siya nagpahatid sa labas dahill walang kasama ang baby niya. She was walking while typing on her phone to contact their driver when someone behind the tree suddenly showed up.   “Oh my!” sapo ni Aina ang kaniyang dibdib dahil sa labis na kaba.   From the tall tree planted in front of Millie’s backyard. Thiago showed himself to Aina not minding the girl’s shocked reaction. Aina’s eyes widened as he saw him. Anong ginagawa niya dito?   “Thiago?” gulantang niyang tanong.   “Who else? Tara na, it’s getting dark.” Takang-taka pa din ang mukha ni Aina.   Bahagyang natigilan si AIna sa ikinilos ni Thiago. Pinagmasdan niya lamang ang binata na naglakad palapit sakaniyang dalang itim na raptor. Akala niya ay sasakay na ito pero halos mapalundag siya nang nilingon niya nito.   “What? Walang susunod sayo. I told your mom and dad I am the one who’ll send you home.” Masungit nitong sabi bago tuluyang sumakay.   Napanganga man siya sa sinabing iyon ni Thiago ay wala na siyang nagawa kung hindi sumunod. Dahan-dahan siyang sumakay sa kotse at awtomatiko na niyang ikinabit ang seatbelt gaya ng lagi nitong pinagagawa sakaniya.   “How is she?” nilingon ni Aina si Thiago habang minamaubra ang sasakyan. Nang lilingunin na siya nito ay saka naman siya ang umiwas.   “A-ayos lang. I just gave Melina some clothes.” Sumandal na laman si Aina sa backrest ng sasakyan at saka tumingin sa labas.   Hindi naman na nagsalita si Thiago kaya hindi na din siya umimik. Having a straight conversation with him is really suffocating. Para bang malalagutan siya ng hininga kapag nakikipagtitigan o nakikipag-usap sakaniya.   Ilang kilometro bago sila makarating sa mansyon ay sumagi sa isip niya kung manonood ba si Thiago sa pageant ng ate niya. It’s not like she badly wants him to be there but… she wants the whole group to give support for her sister.   Sa gitna ng byahe ay panaka-naka niyang nililingon ang seryosong si Thiago na nagmamaneho. Paano niya ba sasabihin na gusto niyang imbitahin si Thiago sa pageant ng kapatid niya bukas? Sasama naman siguro siya kahit naroon si Millie dahil nakita niya naman na parang okay na sila. A part of her ached thinking of that.   “Uh… Ehum…” she cleared her throat.   “Bukas ng gabi yung pageant ni Ate. Baka… uhm… gusto mong manood? Me, Brandon and Andra would be there. Even… Millie… You can stay after class or umuwi muna tapos bumalik na lang. Para lang maraming susuporta.” Dahil sa nahihiya ay yumuko nalang si Aina at nilaro ang mga kamay.   “Do you really want me to go?” mariing napapikit si Aina. Bakit ganun yung boses niya? Sobrang lamyos. Sobrang layo sa nakasanayan niyang masungit.   “Kung… kung hindi ka busy—“   “I repeat. Do you want me to go and watch?” sa pagkakataong ito ay nilingon niya na si Thiago. Matapang na sinalubong  ang mga tingin nito.   Nilingon niya ang harapan at nagulat na lamang siya dahil nasa mansyon na pala sila. Kaya pala malakas ang loob niya na makipagtitigan.   “Y-yes.” Nauutal at halos pabulong na sabi ni Aina.   “Then I will be there. Sige na pumasok ka na.” Thiago tapped the top of her head. Napalunok na lamang si AIna at hindi nakapagsalita bago lumabas ng sasakyan.   Pagkapasok sa mansyon ay dali-dali siyang tumakbo paakyat ng grand staircase. Marahas niyang sinara ang kaniyang kwarto at tumakbo tungo sakaniyang veranda. Hawak ang kaniyang dibdib na halos kumawala sa pagkakatibok, marahan niyang hinawi ang kaniyang puting kurtina upang silipin kung umalis na si Thiago.   At sakto naman na pagsilip niya ay siya palang pag-andar ng raptor ni Thiago. Sinara niya na ang kurtina at tumalon sakaniyang kama.   “Anong nangyayari sakin?” halos mangiyak-ngiyak niyang tanong sa sarili.   “Brrr!” itinakip niya ang hawak na unan sakaniyang mukha.   She remembered feeling this way back then when she was starting to grow feelings for Theo. Eh bakit nararamdaman niya ito ngayon? No.. No Aina! You can’t have a crush in him! You hate him to death right? Siya ang may kasalanan kung bakit kinailangan ni Theo umalis at makipagkumpetensya.   Kung hindi siya umalis at hindi niya itinago sayo ang sakit nya edi sana ay kasama mo pa siya o nakasama mo man lang siya sa huling sandali. Tama! Having a feelings on him is such a big sin! Tama… Tama… She convinced herself before drifting to sleep.   Kinaumagahan ay abala ang lahat dahil sa pageant na gaganapin. Mauuna nang pumasok sa school si Aina dahil mamayang gabi pa tutungo sa school ang ate niya. She is all dressed wearing the Alberta school uniform. She was humming her favorite song while taking their grand staircase when she heard a soft laughter from the living area.   Sino naman kaya ang kausap ng kaniyang mga magulang ng ganitong kaaga? Nasa huli na nga ang pag-sisisi. When she looked into their living room she saw Thiago happily talking with her parents.   “Th-iago?” napalingon sakaniya lahat nang magsalita siya.   “Oh! Eto na pala siya… Aina, Thiago is here to send you to school. Our driver sent your ate to the spa for her pageant later.” Paliwanag ni Senyora Anthelma.   “I will give the opening speech for tonight’s pageant. So we will see each other there probably.” Ani Mayor Virgilio.   Takang-taka man ay tumango na lamang si Aina bilang pagsang-ayon.   Eh ano naman ngayon kung wala na kaming driver? Siya na ba ang driver namin? Bulong niya habang naglalakad sila palapit sa dalang raptor ni Thiago. Napatalon naman siya sa gulat nang lingunin siya nito.   “I am not. Pero gusto kitang ihatid at sunduin. May masama ba dun?” diretsang sabi ni Thiago.   “Bakit? The last time I checked we both hate each other Thiago. You wanted me to stay away from you neither.”   Marahang lumapit si Thiago sakaniya dahilan kaya napaatras naman siya.   “I am really bad at being curious, Aina. Really bad.” Sambit nito bago ngumisi at umikot na papasok sakaniyang kotse.   Tahimik lang sila buong byahe papasok. Halos mapatalon siya sakaniyang upuan nang nilapag muli ni Thiago sakaniyang mga hita ang iphone nito.   “Play some music. Iyong gusto mo ulit.” Sambit nito   Aina pouted but he followed Thiago anyway. She open Thiago’s Spotify app and looked for her current favorite song. While scanning, her heart keeps on hammering again. Para bang may musika siyang gustong iparinig kay Thiago ngayon. Iyong bagay sa nararamdaman niya. Aina what the hell is wrong with you? This is all wrong!   “Hmm… I have a current favorite song right now, pero baka hindi mo magustuhan. Medyo girly.” Nahihiyang sabi ni Aina. She can’t believe she’s having a conversation with this guy.   “No, go ahead. Anything you like.”   Aina breathe in. Kumalma ka Aina. Si Thiago lang yan. The guy you despise. Really? Ganun ba ngayon?   She’s about to select the song when a girl’s name popped on the screen.   Amanda calling.   “M-may tumatawag.” Binalik ni Aina ang cellphone. Tinanggap naman ito ni Thiago at tinapat sa tenga kahit nagmamaneho.   Hindi alam ni Aina kung bakit may iba siyang nararamdaman. There’s a combination of bitterness and coldness within her.   “Hello, Mandy?” malamyos na sabi ni Thiago.   “Yes, I’m on my way… Yes, I am excited too… Yeah, meet me at the same spot. Sure baby.” Panghuli nitong panalita bago pinatay ang tawag.   “Here.” Lahad ni Thiago ng kaniyang cellphone pero sa di namalayang dahilan ay hinawi niya ng malakas ang kamay nito.   “Huwag na.” nagtataka naman siyang binalingan ni Thiago.   “Why?” marahang tanong nito sakaniya.   “Wag na. Nandito na tayo oh.” Sambit ni Aina bago mabilisang bumaba ng sasakyan.   Mabilis siyang naglakad sa open field ng Alberta. Akala niya hindi siya maabutan ni Thiago pero nagkakamali siya. Just like the usual thing that he does, a rough hand grabbed her wrist and made him face her.   “What is it?” napaiwas ng tingin si Aina.   “No-nothing.” Bulong nito.   Halos makuryente naman siya nang biglang lumapit si Thiago at hinawakan ang kaniyang siko. May mga ilang estudyante ang lumilingon sakanila pero hindi man lang natinag ang binata, Aina is very aware with the looks of the students and their whispering. Mabilis niyang hinaklit ang kaniyang palapulsuan pero mabilis din itong binawi ni Thiago.   “Let me go. Pinagtitinginan na tayo.” Hindi man lang natinag ang binata.   “No, tell me what’s bothering you first.” Mariing kumbinsi ni Thiago.   Napakagat na lamang sa ibabang labi si Aina. Paano niya ipapaliwanang ang bawat kirot sakaniyang dibdib kung siya mismo ay hindi niya alam ang dahilan?   “Aina! Kuya!” sabay silang napalingon sa boses na tumawag.   At halos yakapin niya si Andra at Millie nang makita niya ang dalawa sa di kalayuan. Thank God! She’s safe. Mabilis niyang hinila ang kaniyang kamay at tumakbo tungo sa mga kaibigan.   Nang makalapit ay tumingin muna si Andra sa kuya niya bago nagbalik ng tingin sa kaibigan.   “Anong pinag-uusapan niyo ni Kuya?” kuryosong tanong ni Andra.   Tumingin muna si Millie kay Aina tapos sa likuran kung nasaan si Thiago tapos ay ngumiti bago nagbalik ng tingin ulit kay Aina.   “Hayaan mo na, Andra. Tara na, balik na tayo sa gym tumulong tayo sa pag-gawa ng banner para kay Annika.” Sagip ni Millie sakaniya.   Millie is aware with the looks on Thiago’s face. Hindi naman siya nagtataka ni hindi na din nasasaktan. Actually, she is very happy kung sakaling matutuloy ang nasa isipan niya.   “Oo nga! Tara! Hehe…” sambit ni Aina sabay kaladkad sa dalawang kaibigan.   Annika is busy preparing from her gowns, hair and make-up and everything. She’s now claiming that whatever happens she has to win the crown to prove to her parents that she’s good at this.   “How do I look, Brandon? Okay na ba yung ganito? Or mas daring na shade ng lipstick ang gamitin ko?” natatarantang tanong niya sa kasintahan.   “Babe… Calm down, kay? You are undeniably gorgeous. You will win this.” Brandon assuring her girlfriend and then she kissed her forehead.   Sa gym naman ay abala ang mga block mates ni Annika kabilang si Aina at Andra sa paggawa ng mga palamuti para sa banner na gagamitin mamayang gabi, Halos hindi na magkamayaw ang lahat.   “Aina! Balita ko gawa ng pinakasikat na designer ang gown na susuotin mamaya ni Annika ha?” tanong ng isang kamag-aral ni Annika.   “Eh, oo. Family designer talaga namin yun.” Ngiti ni Aina.   “Grabe, ang yaman niyo talaga.” Nginitian na lamang niya ang babae.   “Aina, may pads ka? Meron na ata ako.” Sabay bulong ni Andra sakaniya.   “Hmm… Meron. Teka kunin ko sa locker.”   “Yun, sige salamat ha.”   Mabilis na tumakbo si Aina tungo sa locker. Hinalughog niya ang  kaniyang bag para hanapin ang extra pads na dala niya kapag emergency. Sa kalagitnaang pag-uusap ay biglang may mga nagsalita kaya napahinto siya.   “Grabe noh? Bakit kaya may mga babaeng tatahi-tahimik, pero nasa loob naman ang kulo!” natigilan siya sa paghahanap ng marinig ang usapan ng mga babae sakaniyang tabi. Isinawalang bahala niya lamang ito at nagpatuloy sa paghahanap.   “Tama! Iyong bang hindi makuntento sa isa. Noong una, si Theo. Sunod ay si Lance, ngayon naman ay si Thiago?”   “Yuck!” isinara niya na ang kaniyang locker at tinignan ang mga babae.   Tatlo pala sila. Hindi niya kilala ang mga ito. Hindi niya pa kailanman nakakasalamuha pero kung makapaghusga ay ganoon na lamang.   “Hindi yan totoo.” Mahina niyang sabi.   “Hindi totoo? Eh ano yung nakita namin kanina? Kung maghawakan kayo ni Thiago eh ganun na lamang?” pinameywangan pa sya ng isang babae.   “And the past weeks? Palagi kang kasama ni Lance sa gym hindi ba? Nanonood ka ng mga laro niya?” segunda ng isa.   “Namatay lang si Theo ay lumabas na yang kalandian mo!” sigaw ng isang babae.   Parang pana kung tumama ang mga salita ng mga ito sakaniya. Nangilid ang kaniyang luha at mahigpit na ang pagkakahawak sa pads na nasa palad niya.   “Hindi totoo yan!” humakbang siya ng isang beses pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Gusto niyang manakit! Pero hindi siya kailanman pinalaki para manakit. Tinaasan lamang siya ng kilay ng mga ito.   “Tss! Mas masahol ka pa pala sa ate mo eh. Ang ate mo, si Brandon lang ang boyfriend, eh ikaw? Kung sino-sino! Tara na nga! Sayang lang ang oras natin sa malandi na yan!” pagkatalikod ng tatlong babae ay siyang pagbuhos ng kaniyang mga luha.   Hindi niya inaasahan na bawat kilos niya pala ay nakamasid ang mga tao sa paligid niya.   Hindi na siya bumalik sa gym. Kinuha na lamang ang kaniyang bag at saka nagtipa ng mensahe para kay Andra. Sinabi niya na hindi na muna siya makakabalik dahil sumakit ang kaniyang tiyan. Magkita na lamang sila mamayang gabi para sa pageant. Isinakbit niya na ang bag sa balikat at nagmamadaling lumabas. Balak na niyang umuwi. Pinapahid ang luha sakaniyang mata ay dumiretso siya sa open parking sa b****a ng Alberta para antayin ang kanilang driver.   Nag-angat siya ng tingin ngunit nakita niya ang taong ayaw niya muna sanang makita---si Thiago.   Nakasandal ito sa itim na raptor at nakapamulsa. Ang kaniyang uniporme ay nakabukas na ang unang tatlong butones. Kita ang sando mula sa loob. Tatalikod na sana siya para umiwas ngunit huli na dahil mabilis na nag-angat ng tingin sakaniya si Thiago. Huminga na lamang siya nang malalim at pinahid ang natirang basa sa mukha dulot ng luha. Habang naglalakad ay palinga-linga si Aina sa mga estudyante sa paligid. Baka marami na namang nagmamasid.   “Hey!” rinig niyang sigaw ni Thiago nang taliwas ang pinuntahan niya kung saan ang kinalalagian nito.   Patay malisya siya nitong tinignan.   “Susunduin ako ng driver.”   “Who told you? Kausap ko ang driver niyo. Ang sabi ko ay ako ang maghahatid sayo pauwi. Get in.” minuwestra niya ang sasakyan pero hindi gumalaw si Aina sa kinatatayuan.   “Ayoko nga! Bakit mo ba yan ginagawa? Dahil ba kay Theo? Okay na ako! Wag mo nang gawin yan kung nakukunsensya ka sa mga nangyari! Okay na! Kaya pwede ba? Mula ngayon ay wag mo nang gagawin ‘to?” Aina shouted at the top of her lungs.   Hindi man lang kumibo si Thiago. Bagkus ay tumuwid siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa raptor at marahang lumapit kay Aina.   “I said give me a chance to make up to you, right?” kuyom ang kamao ni Aina habang nakayuko.   Hindi niya magawang tignan pabalik ang binata.   “Hu-huwag na…” halos pabulong na sabi ni Aina.   “Then why? At least give me a god damn reason why!” mariing tanong naman nito.   Kinagat ni Aina ang pang-ibabang labi. Paano niya sasabihin ang tunay na dahilan? “M-may m-mga t-taong… nagbibigay malisya sa pagiging madalas  nating magkasama… Sabi nila… Matapos daw kay Theo… ikaw naman… Ikaw naman daw ang gusto ko.” She heard Thiago sighed.   “Is it true?” nag-angat siya ng tingin sa binata. The wind blew his black hair. His brown eyes, same with Theo’s intently looking at her.   “Is it true then? That you like me?” Thiago repeated.   “Hi-hindi! Syempre hindi! I super hate you right? You… You are far from the guy I l-like!” depensang sabi ni Aina.   Ngumisi lamang si Thiago sakaniya.   “Then let’s go. I will send you home.” Thiago just tapped her head and then turned his back.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD