Chapter 30 - Never gonna leave this bed

4176 Words
Kung yelo lamang si Aina ay matagal na siyang natunaw. Napalunok na lamang na siya habang pilit ikinakalma ang sarili. Alam niyang lasing si Thiago pero ang mga salitang lumabas sa mga bibig nito ay tila totoo. Ang pagsusumamo at pakiusap niya na layuan siya nito. Hindi niya maiwasang mairita dahil sa mga sinabi niya. Stay away from him? Bakit kailan ba ako lumapit sakaniya? Anito sakaniyang isipan.   Nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata ngunit kinagat niya na lamang ang kaniyang ibabang labi para mapigilan ang nagbabadyang mga luha. He is not worth the tears! Kumbinsi niya sakaniyang sarili.   Bumalik siya sa kwarto ni Andra at nahiga na sa kama. Hindi niya na ginising pa ang kaibigan na mahimbing ang tulog sakaniyang beanie bag. Ang liwanag ng buwan mula sa labas at tunog ng aircon lamang ang nagsisilbing ingay sa kwarto. Tinakluban na ni Aina ang kaniyang sarili ng makapal at malambot na comforter upang maghanda sa pagtulog.   Pumikit siya ng mariin at halos sabunutan ang sarili dahil pilit niya mang kalimutan ay dinadalaw talaga siya ng eksena mula sa kusina kanina. Alam niya na lasing lamang ang binata pero alam niya din na seryoso ito sa nais niyang mangyari. Ano bang ginagawa ko sakaniya at nahihirapan siya? Dahil ba naaalala niya sa akin si Theo? Wala akong ibang maisip na dahilan dahil ganun din naman ako sakaniya. Kapag tinitignan ko siya ay nakikita ko ang pagkakahawig nila pero hindi ko naman siya pinalalayo! Inis niyang sabi sa sarili.   Kung ganun ay sige! Hindi ko na siya kakausapin o lalapitan kahit kailan kung iyon ang gusto niya! Dagdag pa niya at saka hinila ng antok.   Kinaumagahan ay sabay si Andra at Aina pumasok pero wala si Thiago. Ang sabi ng kanilang kasambahay ay maaga raw itong umalis dahil may basketball practice daw ito.   “Nakakainis si Kuya! Ibang babae na naman daw ang dinala sa bahay kagabi! Mula nung naghiwalay sila ni Millie ay ganiyan na siya!” reklamo nito. Hindi na lamang kumibo si Aina. She was aware. Kaya pala lasing na lasing ito ay dahil may kasama siyang babae.   Kaysa isipin ang nangyari kagabi ay mas minabuti na lamang ni Aina na gugulin ang sarili sa pag-aaral. Kahit walang guro ay subsob ang kaniyang sarili sa laptop. Research, seatwork at homework ay ginagawa niya na din malibang lang.   “Huy! Bruha ka! Ano? Puro ka nalang aral! Dapat sinasamantala mo ang ganitong pagkakataon na wala tayong teacher!” biro ni Andra sa kaibigan sabay angat ng kaniyang cellphone at umamba ng selfie.   Napairap na lamang si Andra nang mula sa camera ay nakita niya ang kaibigan na hindi man lang siya nilingon. Hinila niya ang kamay nito at pinaharap sa camera.   “Smile!” anito sabay pindot ng capture button.   “Andra! Ni hindi ako nakapagsuklay!” aagawin sana ni Aina ang phone nito nang tumayo ito at lumayo sa kaibigan.   “Ang cute mo nga eh!” pang-asar nito sabay tingin sa phone at hinarap sa kaibigan.   Sa larawang nakuha ay nakangiti si Andra samantalang si Aina ay nakakunot ang noo dahil sa pagkabigla noong hinila siya.   “Akin na yan! Magselfie na lang tayo ulit!” sambit ni Aina sabay lapit kay Andra ngunit tumakbo pa ito palayo sakaniya.   Nagpaikot-ikot sila sa kanilang classroom habang ang kanilang mga kamag-aral ay abala din sa kani-kanilang mundo.   “Valderama! May naghahanap sayo!” sigaw ng isang kaklase nila kaya pareha silang napalingon roon.   Nilingon nila ang hamba ng pintuan at nakita roon si Lance na nakahilig. Nakapamulsa ito habang nakasakbit ang isang strap ng back pack sakaniyang balikat. Kumaway ito kay Aina. Kinawayan naman siya ni Aina pabalik.   “Uy! Si baby boy oh!” bulong ni Andra na may halong panunuya.   “Lapitan mo na!” tinulak ni Andra si Aina kaya wala naman itong nagawa kundi lumakad na palapit.   Pansin agad ni Aina na halos mangisay sa kiig ang mga kaklase niya sa presensya ni Lance roon. Wala namang pakialam si Lance dahil ang buong atensyon niya ay nasa dalaga.   “Hi!” nakangiting bati ni Lance.   “Napadaan ka? Hindi ka ata busy.” Sambit ni Aina bago naglakad paupo sa katapat na bench ng kanilang classroom.   “May gagawin ka ba after class? May laro kasi kami mamaya eh. Baka gusto mong… ano… uh.. manood.” Kamot ulong nahihiya na inalok ni Lance si Aina.   Nag-isip mabuti si Aina. Biyernes naman ngayon at wala na silang klase bukas. Madalas ay tinatamad na din magturo ang kanilang guro kapag ganitong panahon kaya nagpapasulat nalang ang mga ito.   “Hmm.. Sige, manonood ako. Mga alas-kwatro pa kami makakalabas. Anong oras ba laro niyo?” pagkumpirma niya.   “Alas-tres ang simula pero ayos lang. Basta dumating ka ha. At saka nga pala… Ano kasi… Lahat ng kateam ko ay may dalang taga-suporta-“   “Kaya nga susuportahan kita diba? Darating ako.”   “Hindi yun eh. Suot nila itong team shirt namin.” Binuksan nito ang kaniyang back pack ay nilabas mula roon ang isang jersey crop top shirt na kakulay ng suot ni Lance.                 “Kailangan pa niyan?” natatawang tanong ni Aina sabay hablot ng crop top shirt kay Lance.   “Oo eh. Pero kung ayaw mo naman ay ayos lang.”   “Sige na! Isusuot ko na!” nanlaki ang mata ni Lance.   “Talaga?” tumango naman si Aina. Parang batang tumayo si Lance at tumalon-talon dahil sa tuwa.   “Yes! Aasahan kita mamaya ah!” sambit pa nito sabay takbo na paalis. Natawa na lamang si Aina at napailing bago ibinaba ang tingin sa hawak na damit.   Iniladlad niya ito at nakita ang halong kulay asul at puti. Nagpalit na pala sila ng kulay ng jersey. Noon ay maroon ang kulay nila. Nakaimprenta roon ay Alberta University na pangalan ng kanilang paaralan.   “Ano yan?” bahagya siyang nagitla sa biglang pagsulpot ni Andra sakaniyang tabi sabay agaw ng hawak niyang damit.   “Oh? Jersey ito nila Kuya ah?”   “Inabot yan ni Lance sakin. Sabi niya manood daw ako ng laro nila. As supporter daw ay entitled magsuot ng ganiyan.”   “Oo meron din akong ganiyan. Binigyan ako ni Javier pero hindi ko alam kung manonood ako. Ang weird noh? Kalaban ng kuya ko ang susuportahan ko.” Natawa sila parehas.   Pagkatapos ng klase ay nagtungo si Aina si locker. Mabuti ay may nakaimbak siyang sobrang damit rito kung sakali na kailangan niyang magpalit. Hinagilap niya ang isang puting palda. Magpapalit na lamang siya ng damit para bagay naman ang crop top na ibinigay ni Lance.   Saktong-sakto kay Aina ang sukat ng damit. Her porcelain white skin is very evident as her tummy is being exposed same with her legs.   “Witwew!” napalingon siya sa hamba ng pintuan ng CR.   Nakasuot na din si Andra ng Zegovia University na uniporme. Sakanila naman ay mahaba na nagmumukhang dress. Nakapony tail pa ito at may ribbon sa ulo kaya mas nagmukha siyang bata.   “Ayos lang ba?” tanong ni Aina sabay hila pababa ng kaniyang damit.   “Oo naman noh! Duh! Valderama and Valentino? We make a perfect bond!” ani Andra.   Nilugay na lamang ni Aina ang kaniyang buhok at sabay na silang nagtungo ni Andra sa gym. Nasa b****a pa lamang sila ay hiyawan na agad ng mga estudyante ang kanilang narinig. Hindi naman intrams pero kapag may laban talaga ang Team Alberta ay maraming nanonood.   “Grabe ha! This is super OA!” kumento ni Andra.   “Uy teka saan ka pupunta?” pigil ni Aina kay Andra nang akmang tutungo na ito sakabilang dako ng bleachers.   “Aba syempre dun ako sa Zegovia! Dun ka sa Alberta! Hahanapin ka ni Lance sige! Text text na lang ha?” sabi nito sabay mabilis na tumakbo tungo sa panig ng mga taga Zegovia.   Napailing na lamang si Aina. Kita mo itong babaeng ito. Ang sabi ay wala daw nararamdaman kay Javier pero kung makakaripas ng takbo ay ganun na lamang.   Nahihiyang lumapit si Aina sa panig ng mga taga Alberta. Nasa harapan nga talaga ang mga taga suporta ng mga manlalaro. Mga babae rin na tulad niya ay suot rin ang crop top shirt.   Nahagip ng paningin niya ang isang babae na kasama ni Thiago nung nakaraang araw. Si Thiago ba ang sinusuportahan nito? Malamang sino pa ba. Sagot niya sa sariling tanong.   “Go! Go! Go! Babe!” nanliit ang kaniyang mata ng sumigaw pa ito nang hawak na ni Thiago ang bola para sa isang 3 point shot.   Nang matagumpay na naipasok ni Thiago ang bola ay tumalon pa ito dahil sa tuwa. Napairap na lamang siya.   “Aina!” sigaw ni Lance sa kalagitaan ng court.   Ngumiti si Aina at kumaway. Nabawi naman ito nang nahagip niya ang mga titig ni Thiago sakaniya. Inirapan niya si Thiago at ibinaling muli ang atensyon kay Lance.   Anong sasabihin niya? Layuan ko siya? Hindi naman siya ang ipinunta ko rito wag nga siyang feeling! Dipensa niya sakaniyang isipan.   Sa kabuuan ng laro ay nakakaungos ang Alberta University. Hindi naman nakakataka dahil mahuhusay talaga ang mga ito noon pa man. Pumapalakpak rin naman at napapatayo si Aina kapag nakakapuntos si Lance. Suporta nga siya bilang kaibigan. May isang pagkakataon pa na nang maipasok ni Lance ang bola ay nagthumbs-up pa ang binata sakaniya,   Bandang huli ay nanalo din ang Alberta University. Nakakabingi ang sigawan at hiyawan ng mga estudyante maging ang mga tagasuportang dala ng mga manlalaro.   “Aina!” masayang tawag ni Lance sa dalaga at humahangos na lumapit matapos ang laro.   Nakangiti naman siyang sinalubong ni Aina. Nagulat siya at niyakap na lamang siya bigla ni Lance.   “Sorry pawis ako. Maliligo lang ako tapos kain tayo kahit saan mo gusto.” Tumango na lamang si Aina habang pinagmasdan ang imahe ni Lance na tumatakbo.   Lalapit na sana siya sa kalapit na bench ng biglang may humaklit ng palapulsuan niya at kinaladkad siya palayo.   Nanlaki ang kaniyang mata habang walang muwang na sumusunod sa taong may hawak sakaniya. Kunot noo niyang tinitigan ang likuran nito at nagulat pa lalo.   “Thiago?” lumiko ito sa may likurang bahagi ng gym kung saan wala masiyadong dumadaang estudyante.   “Bakit mo ako dinala rito anong kailangan mo?” hindi maitago ni Aina ang inis sakaniyang boses. Matapos siyang pagsabihan nito kagabi ay aakto ito na parang walang nangyari?   Isinandal siya nito sa konkretong dinding at mariing tinitigan sa mata.   “Ano? Sumagot ka!” hamon ni Aina.   Biglang lumambot ang ekspresyon ni Thiago. Mabilisan niyang niyakap si Aina.   Parang tambol sa bilis ang t***k ng puso niya. Para siyang malalagutan ng hininga. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman.     “I’m sorry… Did I hurt you? Hmm?” hindi alam ni Aina kung bakit nangilid ang luha niya. Kung bakit nasasaktan siya. Sa lamyos ng boses ni Thiago na parang nagsusumamo ay parang nalulusaw ang galit niya. Umiling si Aina at pilit na itinulak palayo si Thiago.   “Ano bang ginagawa mo? Bigla mo akong sasabihan na lumayo sayo tapos ngayon ay lalapit ka? Bigla mo akong hihilahin tapos yayakapin? Mamaya makita pa tayo  nong girlfriend mo! Magiging mabait ka sa akin ngayon pero sa susunod ay magiging salbahe ka? Anong akala mo sa akin laruan? Bata ako sa paningin mo alam ko! Pero may damdamin din ako! Nasasaktan… Nalilito…” Aina shouted at the top of her lungs before wiping her tears and run as fast as she could leaving Thiago speechless.   Nang mawala sa paningin niya si Aina ay sinuntok nito ang dingding na pinagsandalan niya sa dalaga. Ano bang nangyayari sakaniya? When he saw Lance waving at Aina and a smile flashed on her lips, his heart felt something aching inside. No. Not her Thiago. You are a motherfucking asshole! Alam mo yan! Pero anong gagawin niya? The more he tries to stay away from her the more he can’t control his emotions when he sees someone going near her! Masisiraan na ata siya ng bait.   Dinukot ni Aina ang kaniyang cellphone at nagtipa ng mensahe para kay Lance.   Lance,   Umuwi na ako. Biglang sumakit ang tiyan ko. Sorry.   Mabilis siyang sumakay sa sasakyan nila at inutusan ang driver na pakibilisan ang takbo.   Pumikit siya ng mariin at inihilig ang ulo sa may bintana. Halos batukan niya ang sarili. Ano bang pinagsasabi ko? Anong nalilito? Baka anong isipin ni Thiago na ibig kong sabihin! Nasisiraan ka na talaga Aina!   Pagkauwi ay dumiretso na siya sakaniyang kama nahiga. Nagpagulong-gulong siya sakaniyang kama at ibinalot ang kumot sa katawan.   “Grrrrrrrrr!” inis niyang sabi.   Tumunog ang kaniyang cellphone at sinungaw niya ito. May tatlong mensahe mula roon.   Lance:   Sana hinintay mo na ako para nahatid kita. L   Nagtipa lamang siya ng salitang sorry at saka sinend ito.   Andra:   Nanganak na pala si Millie? 1 week na! Anong klaseng kaibigan tayo? Dalawin natin siya bukas! – Group message.   Sumagot siya ng okay.   Ang huling mensahe ay halos niyang buksan… pero pinindot niya padin.   Thiago:   I’m sorry. I’ll make it up to you.   Napakagat siya sa ibabang labi at nagpigil ng ngiti. Aina ano ba? Nasisiraan ka na ba ng bait? Tigilan mo iyan! Pilit niyang ikinubli ang nararamdaman at mas minabuting pilitin na makatulog na lamang.   Kinaumagahan ay tanghali na nagising si Aina. Bumaba siya agad habang suot ang kulay dilaw nitong pajama set na may spongebob na imprenta. Ni wala man lang siyang hilamos at suklay.   Nang nasa kalagitaan ng grand staircase ay napakunot ang noo niya dahil nakarinig siya ng tawanan sakanilang sala.   “Really? Please send my regards to your parents. Kapag may oras sila ay baka pwede naman kamong magdinner dito sa bahay.” Rinig niya ang boses ng kaniyang ina.   “I’ll tell her po tita.”   “Oh ayan na pala si Aina eh.” Turo ni Annika sa kapatid.   Nanlaki ang mata ni Aina. Nasa sala ang kaniyang mga magulang kasama sina Annika, Brandon, Andra at Thiago! Inikot niya ang paningin sa mga ito at lahat sila nakabihis na bukod sakaniya.   “Nagmumog ka na ba, Aina? Aalis tayo remember?” tinakpan ni Aina ang kaniyang bibig at nahihiyang kumaripas ng takbo pabalik sakaniyang kwarto.   Narinig niya naman ang tawanan ng kaniyang mga kaibigan.   Mabilisan ang ligong ginawa ni Aina. Pagkalabas niya ng banyo ay hindi niya alam kung anong damit ang susuotin. Noon naman ay mabilis lang siyang makapili pero bakit ngayon kung kailan may naghihintay sakaniya ay wala siyang magustuhan!   Isang pink floral strap dress ang napili niyang suotin na binagayan niya ng isang strappy sandals. Okay lang naman siguro ito dahil bukirin naman ang bahay nila Millie.   Nahihiya siyang bumaba dahil lahat halos ay nakatingin sakaniya. Halos malaglag pa siya dahil sa mga mapanuring tingin ni Thiago sakaniya. Walang pakundangan siya nitong hinagod mula ulo hanggang paa.   “T-tara n-na.” lakas loob na pag-aaya ni Aina.   Tumayo na silang lahat at nagpaalam sa mga magulang nila Aina. Nangunguna sa paglalakad si Annika, Andra at Brandon. Napalingon si Aina sa kaniyang likuran ng at nang makitang si Thiago ay nagmamadali itong maglakad para hindi sila maging magkalebel.  Kumunot naman ang kaniyang noo ng marinig ang mahinang halakhak ng binata.   Ang lala talaga ng topak ng lalakeng ito kahit kailan! Sa isip-isip niya.   Dalawang sasakyan ang dala nila. Isa kay Brandon at isa kay Thiago. Si Annika ay kay Brandon sumakay habang si Andra at Aina naman ay kay Thiago.   Naunang sumakay si Andra at Aina sa likuran kasunod naman si Thiago sa driver seat.   “Ano ako driver niyo? Isa man lang sainyo ang umupo dito sa tabi ko.” Kunot noong utos ni Thiago.   “Ikaw na, Aina! Ayaw ko na yang katabi sawang-sawa na ako diyan.” Sambit ni Andra.   Magpoprotesta sana si Aina pero napagtanto niyang wala na siyang laban kaya lumabas siya mula sa likuran at lumipat sa harap katabi si Thiago.   “Seatbelt.” Tipid na paalala ni Thiago na sinunod agad ni Aina.   Sumandal na lamang siya sa upuan at tumingin sa labas.   “Do you want to play some music?” nilingon ni Aina si Thiago at ang kamay nito na nakahawak sakaniyang cellphone. Nakalahad ito sakaniya na tila pinapapili siya ng kanta at pinahihintulutan na hawakan ang cellphone niya.   “Uh…”   “Ako  na lang! Ang daya mo kuya kapag ako ang nandiyan ni hindi ko mahawakan yang cellphone mo!” biglang itinaas ni Thiago ang kaniyang cellphone para hindi maabot ng kapatid.   “Huwag ka na, Andra. You stay there.” Nakangising sambit ni Thiago.   “Hmp! Parang aso lang ah?” inis na saad ni Andra bago bumalik sa pagkakahilig sa likuran.   Binalik naman ni Thiago ang atensyon kay Aina. Dahil ayaw tanggapin ay inilagay na lamang niya ang kaniyang cellphone sa mga hita ni  Aina.   “You choose a song or we’ll talk.” Is it an option or a threat? Either way ay nagmamadaling inunlock ni Aina ang cellphone at nagtungo na sa Spotify at pumili ng kanta.   Pinindot niya lamang ang shuffle button at tumugtog na ang susunod na kanta ngunit parang nang-aasar naman ito.   “You push me, I don't have the strength to Resist or control you So take me down Take me down”   Gusto niya sanang bawiin pero ayaw niya nang galawin ang cellphone ni Thiago.   “You hurt me, but do I deserve this You make me so nervous Calm me down Calm me down”   She saw how Thiago tapped his fingers on  the steering wheel.   “Nice song choice. Maroon 5.” Kumento pa nito na hindi niya na lamang pinansin. Anong nice dun? Pang-inis nga yung kanta. Pero pinili niya na manahimik na lang kesa makipagtalo.   Buong biyahe ay tahimik lamang silang tatlo. Tanging musika lang ang nagsisilbing ingay nila. Ipinarada na niya ang kotse sa harapan ng barong nila Millie. Malaki naman ang bakuran nila kaya kasya ang dalawang sasakyan na dala nila.   Magkakasunod silang bumaba at tinanaw ang maaliwas na tirahan nila Millie. Isang linggo na mula noong nanganak ito kaya maari na nila itong dalawin.   “Napaka-peaceful naman dito!” kumento ni Andra.   “Right. Parang sila nga lang ang bahay dito eh.” Dagdag ni Brandon.   Nagsimula na silang lumapit tungo sa tapat ng kubo nila Millie.   “Tao po!” isang tawag pa lamang ay mabilis na lumabas ang isang ginang na tingin nila ay ina ni Millie.   “Milliecent! Andito na ang mga kaklase mo!” sigaw ng ginang nang namataan sila.   Naramdaman ni Aina ang presensiya ni Thiago sakaniyang tabi ngunit hindi na niya ito pinansin. Bakit kaya hindi niya binati man lang ang ginang? Hindi pa ba siya nakakapunta rito? Hindi pa ba siya nakikilala ng ina ni Millie? Sa tagal nila ay hanggang saan ba umabot ang kanilang relasyon? Tanong niya sakaniyang isipan.   Maya pa ay sumungaw na si Millie sakanilang pinto kaya naman nagtilian ang mga babae lalo pa ng makitang karga na nito ang sanggol.   “Careful, ladies. Geez!” ani Brandon ng makitang nag-uunahan si Annika, Aina at Andra tungo kay Millie upang makita ang hawak nitong baby   “Ang ganda niya!” masayang sabi ni Aina ng makita nang malapitan ang bata.   “Salamat… Baby Mela… Say hi to Ninang and Ninong.” Malamyos na sabi ni Millie.   “Uhmm.. Where is your..” tumingin muna si Annika kay Thiago bago tinuloy ang sasabihin.   “Husband?”   “Ah! Nasa Bayan siya eh. Nagtatrabaho pa. Mula kasi nung nabuntis ako mas dumoble kayod siya kasi alam niyang doble rin ang gastos.” Medyo naiilang niyang kwento gayong nasa harapan ang ex boyfriend na si Thiago.   Lingid sa kaalaman nila na wala na ito sa binata. Hindi niya din alam kung bakit. Wala siyang ibang nararamdaman kung hindi masaya siya para kay Millie. Kung wala nga sakaniya ang kaligayahan ng dalaga ay wala naman siyang magagawa. Seeing her already have her own family somehow makes him feel happy. Even if it’s not with him.   “Pasok muna kayo at naghahanda na ako ng minandal niyo!” biglang sigaw ng Ina ni Millie mula sa kusina.   Pumasok na sa loob ang magkakaibigan at naupo sa upuang yari sa kawayan. Maaliwalas ang bahay nila Millie kahit na yari lamang sa pawing mga kawayan ang mga ito. Malawak naman at malaki. May sala at may maliit na TV sa harap. May pagitan mula sa kusina at sala. May ikalawang palapag rin na para sa mga kwarto.   Hindi man ito kasing gara ng mansyon ng dalawang pamilya pero ang mahalaga ay may inuuwian na pamilya.   “Wala si Tatay nasa taniman. Sana makapag-uwi siya ng mangga para matikman niyo.” Sambit ni Millie habang inaalo ang sanggol na hawak.   “Ang galing naman! Nanay ka na! Buti ay pwede ka nang lumakad at magbuhat. Hindi ba bawal sayo?” tanong ni Andra.   “Hindi. Ewan ko nga kung normal ba iyon pero kinaumagahan matapos kong manganak nakakakilos na ako mag-isa.” Nagtawanan naman ang grupo.   Isa-isa nilang kinarga ang sanggol at manghang-mangha sila maging si Brandon ay sumubok din.   “Fudge the head! It’s freaking soft! Baka mabutas to! Annika! Annika! Kunin mo na!” natataranta nitong sabi bago pilit ipinapasa ang sanggol sa kasintahan. Mas lalo lamang silang natawa.   “Shut up, go! Ikaw kaya magbuhat!” maktol ni Brandon nang makita kung paano siya tawanan ni Thiago.   Umiling lamang ito. Inoobserbahan sila ni Aina. Ano kaya ang pakiramdam niya na hindi siya ang ama ng sanggol na ito? Pilit niyang binabasa ang saloobin ng mata ni Thiago pero wala naman siyang makita roon. Ayos na kaya siya?   “Aina ikaw naman!” napalingon sakanya ang magkakaibigan. Mabilis naman siyang umiling.   “Naku, huwag na ako! Nakakatakot hindi ko kaya-“ pinutol ni Millie ang pagtanggi niya nang mabilisang ipinasa sakaniya ang hawak na sanggol.   Hindi na nakasagot si Aina nang matitigan ng matagal ang maamong sanggol. Surely she got most of her features from Millie. Her soft eyes and nose along with its white complexion.   Hindi niya napansin na nalibang na siya kakakarga sa bata kaya habang nagkekwentuhan sina Annika, Brandon, Millie at Thiago ay pasimple siyang lumabas sa bakuran upang iparanas sa sanggol ang sariwang hangin.   “Baby look oh! Ang ganda ng langit! Tapos may birds!” turo niya sa sanggol  na kala mo ba ay maiintindihan siya nito.   Magiliw na sinasayaw ni Aina ang bata.     “You have a soft spot for kids?” halos tumalon ang puso niya ng biglang may nagsalita. Mabilis niya itong nilingon at agad umirap ng makita si Thiago.   “Ano ka ba? Paano kung mabitawan ko itong baby? Bigla ka na lang sumusulpot!” inis na sabi ni Aina sabay balik ng atensyon sa sanggol.   She heard him chuckled. Pang-inis talaga.   “Bakit ikaw? Ayaw mo ba sa mga bata?” mahinang tanong ni Aina.   “Hindi naman… It’s just like… they’re so fragile… hindi sila bagay madikit sakin.” Nakasimangot siyang nilingon ni Aina.   “Anong sinasabi mo? Walang ganun! Basta hindi mo sila sasaktan ano bang kinakatakot mo?”   “Hindi nga ako takot-“ pinutol ni Aina ang kaniyang sinasabi at sapilitang pinahawak ang sanggol kay Thiago kaya walang alma niya naman itong kinuha.   “See? Just handle them with care.” Aina smiled sweetly eyes looking at the baby while Thiago is looking intently to her.   “You are right... Handle with care.”  He huskily said.   Napaangat naman ng tingin sakaniya si Aina sabay iwas naman ito ng tingin.   “Mali ka naman! You are too stiff! Ang akward ng pagkakahawak mo!” saway ni Aina kay Thiago sabay bawi sa sanggol. Tumalikod siya sa binata at imwinestra ang dapat kuno na tamang pagkarga. Kaya hindi niya naramdaman ang biglang paglapit ni Thiago sa likura niya.   “Ganito oh! Place her head on your arm and then wrap her with the other supporting her back-“ nanlaki ang kaniyang mata ng bigla niyang naramdaman ba ang bulto ni Thiago sakaniyang likuran.   Marahan nitong binalot ang kaniyang mga braso sa sa haligi ng katawan ni Aina na nakatalikod sakaniya. It’s like his hugging her from behind.   “A-anong g-ginagawa m-mo?”   “Mas matututo ako kapag ganito… Hmm.. Ganito pala…” bakas ang panuya sa boses ni Thiago.   Hindi maikaila ni Aina ang nagkukubling tuwa sakaniyang puso dahil sa ginawang ito ni Thiago. Pero bakit? She hates this guy so much! Lahat ng ayaw niya sa lalake ay nasakaniya na!   “Luto na ang maruya-“ mabilis na humiwalay si Aina kay Thiago nang marinig ang boses ni Millie. Bakas ang gulat sa mukha ni Millie na pinagpapalitan ng tingin ang dalawa.   “Susunod kami.” mariing sabi niThiago. Bakas man ang pagtataka ay tumango na lamang si Millie at tumalikod.   Ano bang ginawa mo Thiago???? Dismayado ang pag-iisip ni Aina.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD