C5: Feelings
Ilang linggo na ang lumipas mula noong mapunta si Cupid sa mundo ng mga tao at ilang linggo na ring parang sinasaksak ang puso niya sa tuwing nakikita niyang masaya ang kanyang mahal kasama ng iba at sa piling ng iba.
Alam na alam niya ang mga ibig sabihin ng mga tingin ng isang umiibig at 'yon ang nakikita niya sa mga mata ng mahal niya kaya wala siyang maisip na gawin ngayon dahil ayaw niyang mapawi ang saya nitong nakikita.
"Mananatili na muna akong isang kaibigan bago ako gumawa ng iba pang hakbang para maibalik siya sa akin..." Sabi nito kina Apollo at West.
" 'Yan na 'ata ang pinakatamang paraan sa sitwasyon mo ngayon." Pagsang-ayon ni Apollo dito.
"Yes. One of the best ideas so far right now. Susuportahan ka namin." Segunda naman ni West.
Nasa garden ng bahay ni Gavin si Rose. Nagdidilig ng mga halaman at pinagmamasdan ang mga mapupulang rosas doon.
Nakaramdam si Rose ng mga matang nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa isang 'di kalakihang bintana sa itaas na bahagi ng bahay na kalapit ng bahay ni Gavin.
"Hi..." Nakangiting bati ni Cupid mula sa bintana dito.
Iniwasan lamang ito ng tingin ni Rose saka nagpatuloy at agad na tinapos ang ginagawa sa garden.
"Wait! 'Wag ka munang aalis. 'Wag kang matakot sa akin. Wala naman akong gagawing masama eh. Gusto ko lamang makipagkaibigan sa'yo." Sabi nito nang makita niyang akmang aalis na si Rose.
Dahan-dahan siyang binalingan ng tingin ni Rose. 'Yung normal na t***k ng puso niya'y biglang nag-iba parang dati na niyang kilala ang lalaki sa pakiramdam niya kaya hinayan niya na lamang ito.
"B-bakit?" Naiilang na tanong ni Rose dito. Hindi siya makatingin sa mga mata nito.
"The roses are as pretty as you. So, pwede bang makipagkaibigan? Sorry. Mukhang hindi pormal na nasa bintana ako nakikipagkaibigan sa'yo. Lalabas ako. Lalabas ka ba?" Nakangiting tanong ni Cupid dito.
Nagdalawang-isip muna si Rose bago ito tinanguan. Wala naman 'atang masama kung hahayaan niya ang lalaki na makipagkaibigan sa kanya baka makatulong pa ito sa pagbalik ng mga ala-ala niya dahil kailangan niyang makisalamuha para mas mapadaling makaala-ala.
Pagkalabas ni Cupid ay siyang paglabas ni Rose. Lumapit sa kanya si Cupid saka ngumiti na nagpabilis ng t***k ng puso niya kaya bigla siyang napahawak sa kanyang dib-dib.
"I'm Cupid, and you are?" Sabi nito saka inilahad ang isang kamay sa kanya.
"R-Rose..." Nahihiyang sagot nito saka inabot ang kamay ni Cupid.
Para siyang nakuryente nang magdikit ang kanilang mga palad ni Cupid. Napatingin siya dito. Nakita niya itong nakangiti.
"Pwede ka ba sa park ngayon? Naghahanap kasi ako ng kausap. Gusto ko lamang may makausap kahit sandali."
"Sige..." Nagdadalawang-isip na sagot ni Rose.
Pagdating nila sa park ay naupo sila sa isang bench doon na nakasilong sa isang malaking puno na malalago ang mga dahon.
"Pwede ba akong magtanong sa'yo, Rose?" Panimula ni Cupid. Nagbabakasakaling hindi maiilang ang dalaga sa kanya.
"Ano 'yon?" Kaswal na tanong nito.
"Kaano-ano mo ang lalaking kasama mo sa bahay? Sino siya?"
"Si Gavin? Siya ang nakapulot sa akin. Dinala niya ako sa hospital at inalagaan sa bahay niya. Siya ang nagpangalan sa akin ng Rose dahil wala akong maalala—" Nagkikwento ito na para bang masaya siyang si Gavin ang nakapulot sa kanya, "—Hanggang ngayon wala akong maalala kung bakit ako napunta sa harapan ng kotse niya na walang malay. Bakit mo nga pala natanong?"
"Nagtataka lang ako sa turing niya sa'yo. Mukha kasing may relasyon kayo..." Mahinang sagot ni Cupid na itinatahong nasasaktan siya.
"Mabait siya't malalahanin kaya hindi malabong mahulog ang loob ko sa kanya." Nakangiting sagot naman ni Rose dito.
Biglang sumakit ang ulo ni Rose saka may pumasok na ala-ala.
...
Napabangon si Cupid sa pagkakahiga sa liwanag ng lampara na bumungad sa pagmulan ng kanyang mga mata. Napatingin siya sa asawang si Psyche na gulat na gulat ang reaksyon sa mukha. 'Yon ang unang pagkakataon na nakita nito ang mukha ng asawa. Nagalit si Cupid sa ginawa ng asawa. Pinaalalahanan na niya ito, pero hindi siya nito sinunod at hindi nagtiwala sa kanya.
"Mahal kita, Cupid!" Sigaw at pagpipigil ni Psyche kay Cupid sa pag-alis.
"You can't love without trust! Ngayon ko napatunayan na hindi ka nagtiwala sa akin!" Madidiing saad ni Cupid sa kanya.
"Please. Don't go! 'Wag mo akong iwan! Mahal kita!" Paki-usap niya rito.
Umalis ito at naiwan siyang nagsisisi at umiiyak. Mahal niya ito kahit hindi niya nakikita pero dahil sa mga kapatid niya napilitan siyang tingnan ang itsura nito.
...
Cupid was about to ask her if something's wrong nang bigla itong mawalan ng malay. Nataranta siya. Hindi niya malaman ang dahilan.
Binuhat ni Cupid si Rose at dinala sa bahay na tinutuluyan nila.
"Anong nangyari kay Psyche?" Bungad na tanong ni Apollo nang makita siya nitong buhat si Rose.
"Bigla siyang nawalan ng malay." Sagot nito saka dali-daling inihiga sa kama ang dalaga. Hindi mapakali nang maihiga na nito.
Ilang oras ang lumipas bago nagkamalay si Rose.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" Bungad na tanong ni Cupid nang puno ng pag-aalala. Gusto man niyanh yakapin ngunit ayaw niyang matakot ito o lumayo sa kanya o baka magalit kapag ginawa niya.
"Nasaan ako?" Tanong ni Rose na patingin-tingin sa paligid.
"Sa bahay namin." Sagot ni Cupid.
Biglang napabangon si Rose. Nanlalaki ang mga mata. May hinahanap sa paligid. Hinahanap ang orasan.
"Anong oras na?" Tanong nito nang hindi mahanap o makitang orasan.
"Ala-sais." Sagot ni Cupid na nagtataka bakit natanong ito ng dalaga.
"Kailangan ko ng umalis. Baka hanapin ako ni Gavin!" Tarantang sabi nito na babangon na sana.
"Magpahinga ka pa muna. Ako na ang bahalang kumausap kay Gavin." Saad ni Cupid.
Inabangan naman nila Apollo at West si Gavin sa tapat ng gate nito. Hinihintay ang mortal. Nag-aalala rin ang mga ito sa pwedeng mangyari pag nagkausap sina Gavin at Cupid.
Maayos naman na nakausap ni Cupid si Gavin tungkol sa biglaang pagkawala ng malay ni Rose.
-