C4: Heartaches
"S-saan ka galing?" Umiiyak na tanong ni Rose kay Gavin na alas dose na ng gabi nakarating ng bahay.
Sumalubong sa binata ang mahigpit na yakap ni Rose.
"Why are you crying? Bakit gising ka pa?" He asked worrying.
He held her face. Pinunasan nito ang mga luha sa pisngi ng dalaga.
"A-akala ko iniwan mo na ako dito." She said, sobbing.
"Sorry, hindi kita natawagan kanina. Galing ako sa isang welcome party ng bago naming investor from states. Hindi kita iiwanan." Bulong nito saka binigyan ng halik sa noo si Rose.
Pinatahan niya ang dalaga habang yakap niya ito. Nakatulog itong yakap siya sa silid ng dalaga. Ayaw nitong bumitaw sa kanya kaya hinayaan niya ito kahit hindi niya magawang makatulog dahil ngayon ay naalala niya ang yumaong kasintahan at hindi niya maiwasang ikumpara si Rose dito na ngayon ay kinahuhulugan na niya ng loob at unti-unti na nga niya itong natututunang mahalin pero hanggang ngayon ay pilit niyang pinipigilan.
Mahirap para sa kanyang kalimutan ang yumaong kasintahan pero mas mahirap para sa kanyang pigilan ang nararamdaman.
"Cu...cupid.."
Bigla niya itong binalingan ng tingin at hinaplos ang pisngi. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito maliban sa binanggit nitong pangalang 'Cupid'.
Kinabukasan, he decided not to go to work today just to spend time with her.
"Saan tayo pupunta, Gavin?" Rose asked.
"Maglalakad-lakad lang tayo. Hindi kita nasasamahan kaya gusto kitang samahan ngayon." He said smiling.
"Salamat." Nangingiting sagot ni Rose.
Habang naglalakad sila ay magkahawak ang kanilang mga kamay na isang dahilan kung bakit may isang lalaking nasasaktan sa 'di kalayuan ng kanilang nilalakaran.
"Sa iba nakatadhana 'yung lalaki, pero hindi ko makita ang kanyang kapareha." Sabi ni Cupid sa kasamang sina Apollo at West.
"Impusibleng hindi mo makita. Paano mo sila magagawang pagtagpuin gamit ang iyong pana?" Tanong ni Apollo.
" 'Yon nga din ang iniisip ko eh." Pagsang-ayon naman ni West dito.
"Masakit pala talagang makitang hawak ng iba ang taong mahal mo, pero mas masakit 'yung hindi ka niya maalala. Susubukan ko siyang lapitan, aliwin niyo muna ang kanyang kasama." Utos nito sa mga kaibigan.
"Paano? Hindi nga gumagana ang magic natin dito." Dahilan ni West.
"Oo nga pala. Gawan niyo na lang ng paraan." Sabi naman ni Cupid.
"Sige!" Sagot naman agad ni Apollo.
Nakaupo sa swing si Rose habang idinuduyan siya ni Gavin.
"Saan ka pupunta, Gavin?"
"Bibili ako ng icecream. Dito ka lang." Nakangiting sabi nito.
"Sige." Sagot naman niya.
Nakatingala lamang si Rose sa kalangitan habang hinihintay si Gavin. Napakaganda ng mga ulap kaya naaaliw siyang pagmasdan ito. Napapatulala siya.
Napalingon naman siya bigla sa isang lalaking umupo sa kabilang swing na malapit sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata na nagparamdam sa kanya ng kakaibang pakiramdam na para bang noon pa niya naramdaman ngunit hindi niya malaman kung kailan.
Umiwas siya ng tingin nang bigla itong ngumiti sa kanya.
"Hi..." Mahinang bati ng lalaki dito.
Hindi niya ito pinansin, itinuon niya lang ang tingin kay Gavin na naghihintay ng icecream nila. May mga bata kasing naunang bumili kaya pinauna ni Gavin.
"Are you in love with him?" Malungkot na para bang nasasaktan na tanong ng lalaki dito.
Kumunot ang noo ni Rose saka binalingan ang lalaking nakatingin sa kung saan siya nakatingin bago ito binalingan.
"S-sino ka ba?" Tanong niya dito. Nilingon siya nito at nginitian ng pilit.
"I'm Cupid by the way..." Pagpapakilala nito na nagpakirot ng sintido niya kaya napapikit siya ng mariin.
...
"Mahal mo ang anak ko?" Seryosong tanong ni Aphrodite. Ang ina ni Cupid. Ang hiningan niya ng tulong.
"Opo at gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko ito, Aphrodite." Diterminadong sagot niya rito.
"Pwes tanggapin mo ang pagsubok na ibibigay ko sa'yo!" Nakangising saad nito.
"Buong puso ko pong tatanggapin. Patutunayan ko pong mahal ko ang anak niyong si Cupid." Lakas loob na saad niya rito.
Bigla siyang naglaho sa harap ni Aphrodite.
...
"C-Cupid..." Bigkas nito sa pangalan ng lalaking nasa harapan niya.
"Rose!" Nag-aalalang tawag ni Gavin dito nang makalapit sa dalaga, "Are you okay?"
"Cupid..." Muling bigkas nito.
Binalingan ng tingin ni Gavin ang lalaking nasa kabilang swing na tumayo.
"Take care of her for now." Sabi nito sa kanya saka umalis.
"Sino ba ang lalaking 'yon?" Bulong nito sa sarili saka binalingan si Rose.
"Nasaan na ang lalaki?" Biglang tanong ni Rose dito na ikinakunot noo ni Gavin.
Tinapon nito ang icecream na binili saka hinawakan sa kamay si Rose.
"Hindi ko alam. Umuwi na tayo." Walang emosyong sagot ni Gavin kay Rose saka sila naglakad pauwi.
Nakakaramdam ng selos si Gavin pero alam niyang wala siyang karapatan kaya hindi niya magawang magalit dito.
"Gavin..." Tawag nito sa kanya nang makapasok sila sa bahay.
"Ano?"
"G-galit ka ba?" Nag-aalangang tanong ni Rose.
"No. Ba't naman ako magagalit? Wala naman akong karapatan 'di ba?"
Natahimik bigla si Rose at napayuko. Narinig nitong napamura si Gavin.
Gavin held her face then suddenly leaned down to kiss her on the lips. Ilang segundong nagdampi ang kanilang mga labi bago naramdaman ni Rose ang paghalik nito sa noo niya at pagyakap sa kanya ng mahigpit.
"I'm sorry. I think I-I'm in love w-with you, Rose..." Nahihirapang pag-amin nito kay Rose na nagulat sa narinig mula sa binata.
Ramdam ni Cupid ang sobrang sakit na maramdaman ang ibang-iba ng si Psyche sa mundo ng mga tao. Hindi na niya makita ang pagmamahal sa mga mata nito pero ramdam niyang may espasyo pa siya sa puso nito ngunit hindi lamang makita nito.
"Anong sunod mong gagawin?" Tanong ni Apollo na nalulungkot para sa kaibigan.
"Hindi ko pa alam. Ang alam ko lamang ngayon ay ang sakit nang makita siyang may kasamang iba." Nasasaktan na pag-amin ni Cupid.
"Don't worry, Cupid! Kung hindi makaalala ang isipan niya, makakaalala ang puso niya. Magpakatatag ka na lamang sa ngayon." Sabi naman ni West.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Hindi ko maintindihan kay ina kung bakit sa lahat ng pagsubok na pwede niyang ibigay sa aking mahal ay ito pa ang ibinigay niya." Naguguluhang saad nito.
Sobra itong nasasaktan deep inside sa mga sandaling nakikita niyang may kasamang iba ang kanyang mahal pero mas masakit na wala siyang magawa dahil kahit hindi ipaliwanag ng mabuti ng kanyang ina ang gusto nitong iparating sa kanya, naiintindihan ng puso niya.
-