C8: Sadness
Sa mundo ng mga mortal kung saan naroroon si Gavin. Nagpapakalunod ito sa alak at walang ginawa kundi ang magkulong sa bahay. Sa loob ng ilang buwan ay talagang nahulog na nga ito kay Psyche na pinangalanan niyang Rose. Rose na galing sa pangalan ng kanyang yumaong kasintahan.
Mahirap ang maiwan ng may dahilan, pero mas mahirap pala ang maiwan ng walang nakukuhang anumang dahilan. Umasa siyang pareho na sila ng nararamdaman pero nagkamali pala siya. Iba pala ang nadarama ng dalaga.
"Ang sakit! Mas masakit pa yata ito kaysa sa pagkawala mo, Rosalyn!" Puno ng hinanakit na sambit ni Gavin sa sarili.
Nakaupo ito sa sahig habang hawak ang isang bote ng beer. May iba pang mga bote ng beer sa tabi nitong ubos na. Ilang araw na itong ganito. Napapabayaan na niya ang kanyang trabaho. Pinaghahanap na siya sa opisina. Hindi niya sinasagot ang mga tawag mula sa trabaho.
Kahit puno ng sama ng loob ang kalooban ni Gavin ay may parte pa rin sa puso nitong umaasang babalik si Rose. Babalik si Rose para man lang kahit papaano ay makapagpapaalam sa kanya ng maayos at mahingan niya ng paliwanag o dahilan.
Sa Olympus kung saan naroroon sina Psyche. Nakahanda na siya para makausap ng maayos si Aphrodite o kalabanin ito kung kailangan na kailangan.
"Let her in." Utos ni Aphrodite sa isa sa kanyang mga kawal.
Pinapasok naman nito si Psyche at sa isang silid sila nag-usap ng ina ni Cupid. Silid na ginto, pilak at puti lamang ang makikitang kulay. May malalaking kurtinang kulay ginto na hinaharangan ang napakalaking bintana na nasisinagan ngayon ng araw. Napakagandang silid kasing ganda ng nagmamay-ari nito.
"Kumusta po si Cupid?" Panimula ni Psyche. Kinakabahan pero diterminadong makita at makausap muli ang minamahal na si Cupid.
Ngumisi si Aphrodite. Naglakad papalapit kay Psyche ng dahan-dahan.
"Nakakaalala ka na pala? Napalakas ng kapangyarihang ipinaramdam ko sa'yo para hindi na muling bumalik ang mga ala-ala mo pero mukhang totoo nga talaga ang pagmamahal mo sa anak ko." Hindi makapaniwalang saad nito kay Psyche. Naniniwala na nga si Aphrodite sa kapangyarihang hatid ng tunay na pag-ibig.
"Pahihintulutan niyo na po ba akong makita ang anak niyo at makasama siya habang buhay?" Lakas loob na tanong ni Psyche.
Ilang segundong nag-isip si Aphrodite bago seryosong tinitigan si Psyche at pumayag sa hiling nito. Pumayag dahil ang gusto lang naman talaga ng ina ay ang mapabuti ang kanyang anak sa taong minamahal nito. Minaliit niya ang pag-ibig ni Psyche sa kanyang anak. Mali ang pagkakaalam niya.
Pinasamahan niya si Psyche sa isang kawal papunta sa silid ni Cupid sa tuktok ng kanilang palasyo. Sa tuktok ang nag iisang silid.
Nadatnan ni Psyche si Cupid na nakaupo sa sariling kama na parang wala sa sarili at balisa.
"Mahal ko." Mahinang sambit ni Psyche dito saka agad na lumapit kay Cupid at yinakap ito ng mahigpit pero hindi siya nito yinakap. Nagtaka siya.
Tiningnan lang siya nito na para bang hindi siya kilala.
"Mahal ko." Muling sambit ni Psyche dito saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Cupid ngunit hindi ito tumitingin sa mga mata niya.
Parang malalim ang iniisip ni Cupid para pagtuunan pa siya ng pansin.
"Cupid, nandito na ako." Mahinang saad niya dito ngunit ganoon pa rin ang kanyang mahal. Ilang beses niya pa itong kinausap at tinawag pero wala itong ginawa kundi ang umiwas ng tingin kay Psyche.
Hanggang sa nagsalita na nga si Cupid. Mga salitang nagpaguho sa mundo ni Psyche, mga salitang winasak ang puso ni Psyche at mga salitang nagpaluha kay Psyche. Bakit?
"Umalis ka na! Hindi na kita kailangan!" Seryosong sigaw ni Cupid.
Ang pinakanakakabinging mga salitang narinig ni Psyche mula sa kanyang minamahal.
Pinilit niya pang yakapin si Cupid ngunit itinulak siya nito kaya mas lalo lamang siyang nasaktan sa ginawa nito. Minabuti niyang hayaan muna ito ngayon.
Malungkot siyang bumalik at kinausap sina Apollo at West. Sinubukan din sanang kausapin ng mga ito si Cupid ngunit pinagtabuyan lang din sila nito. Hindi na rin nila nakausap pa ang ina nito.
"Sigurado akong may kinalaman dito ang kanyang ina, Psyche." Konklusyon ni Apollo habang palakad-lakad. Nag iisip ng mga pusibleng dahilan.
"Oo nga. Siya lang naman ang may lakas ng loob na paglaruan kayo ni Cupid." Pagsang-ayon naman ni West na nag iisip rin ng mga pusibleng dahilan.
Pareho nilang hindi inaasahan ang magiging asal ni Cupid sa kanila.
"Anong balak mong gawin ngayon?" Tanong ni Apollo na puno ng pag-aalala.
"Hindi ko pa alam." Mahinang sagot ni Psyche. Napabuntong-hininga ito.
"Nandito lang kami para tulungan ka." Paalala ni West.
"Gusto ko munang bumalik sa mundo ng mga tao. Baka sakaling makapag-isip-isip ako doon."
"Huh? Magkikita kayo ni Gavin doon." Puna ni Apollo.
"Gusto ko ding makausap siya ng maayos. Hindi natin siya dapat iniwan na ganoon. Alam kong nasasaktan siya ngayon sa ginawa ko. Kahit papaano ay naging mahalaga siya sa akin. Kung hindi dahil sa kanya, baka kung ano ng nangyari sa akin doon." Paliwanag niya sa mga ito.
"Ikaw ang bahala. Basta kung kailangan mo kami. 'Wag kang magdalawang isip na tawagin kami." Sabi naman ni Apollo.
"Salamat sa inyo." Sabi ni Psyche sa mga ito na may pilit na ngiti sa mga labi.
Makakausap niya ba talaga si Gavin sa mundo ng mga mortal? May kinalaman ba si Aphrodite sa nangyayari ngayon kay Cupid?
-