C7: Missing

1004 Words
C7: Missing Nagising si Rose na naguguluhan sa kanyang nagbabalik na mga ala-ala. Nahihirapang huminga. Naghalo-halo na ang kanyang mga ala-ala. Hindi niya na malaman kung panaginip ba o totoo na. Alin nga ba ang mga totoong nangyari at ang mga panaginip lamang? "Are you okay?" Agad na tanong ni Gavin dito na puno ng pag-aalala. "Si Cupid?" Kunot noong tanong ni Rose dito. Nawala ang pag-aalala sa mukha nito. Naging seryoso ang mga titig nito. "Bakit mo siya hinahanap?" Walang ganang tanong nito. Nasasaktan dahil ibang lalaki ang hanap ng dalaga. "Nasaan siya?" Nanghihinang tanong niya. "Hindi ko alam. Ayoko ng magkikita kayo ng lalaking 'yon, Rose!" Madiing sabi ni Gavin na nakakuyom ang mga palad. Hindi na nito mapigilan ang galit na nadarama. "Bakit?" May pag-aalala sa boses ng dalaga. Napahinga ng malalim si Gavin. Pinapakalma ang sarili. Inaalis sa isipan ang galit. "Magpahinga ka na lang muna. Nagugutom ka na ba?" Pag-iiba ng usapan ni Gavin. Lumambot ang mukha nito. "Hindi ako nagugutom." Malumanay na sagot ng dalaga. "Sige. Tawagin mo na lang ako kung nagugutom ka na." Sabi na lamang ng binata saka lumabas ng kwarto ni Rose. Naaalala na ng dalaga ang lahat. Simula nang magmahalan sila ni Cupid na hindi niya ito nakikita, pero dahil sa pangangahas niyang makita ang kanyang minamahal at pagkawala ng tiwala sa pagmamahal umalis si Cupid. Ang buong akala niya kasi isa itong halimaw dahil hindi nagpapakita. Gusto niya lang namang patunayan sa mga kapatid niya na hindi halimaw ang asawa niya. Hanggang ngayon naririnig pa rin niya ang huling mga salitang binitawan ni Cupid. "You can't love without trust!" Kasama sa pagbalik ng kanyang mga ala-ala ay ang pagbalik ng kanyang pagmamahal kay Cupid. Napagdesisyunan niyang kahit gabing-gabi na ay puntahan si Cupid sa kabilang bahay. Dumaan siya sa kanyang bintana palabas. Ayaw na niyang magising niya si Gavin. Malaki pa rin ang pasasalamat niya dito. "Anong ginagawa mo dito?" Bungad na tanong ni Apollo nang pagbuksan siya nito ng gate. "Apollo, nasaan si Cupid? Gusto ko siyang makita. Kailangan na nating bumalik sa totoo nating mundo para magkasama na kaming muli." Paliwanag ni Psyche. "Psyche? Nakakaalala ka na?" Gulat na tanong ni Apollo. Nanlalaki ang mga mata nito. "Oo, lahat-lahat ay naaalala ko na." Agad na sagot ni Psyche. "W-wala dito si Cupid pero babalik siya kaagad para isama ka na pabalik sa mundo natin. Ibinilin ka niya sa amin." Pagpapaliwanag ni Apollo. Excited itong makitang magkasama na sina Cupid at Psyche. "Pwede bang dito na lamang ako? Hindi ko na magagawang manatili pa sa bahay ng isang mortal. Pinaghihigpitan na niya ako. Ayoko na ring madamay pa siya sa problema natin." Kwento niya. Pinatuloy naman agad ni Apollo si Psyche sa tinutuluyan nila. "Ito ang silid ni Cupid. Dito ka na lang muna. 'Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala kay Gavin." Kinabukasan, nagising siya sa ingay ng paulit-ulit na sumisigaw ng Rose sa labas ng bahay. "Rose! Alam kong nandiyan ka! Lumabas ka! Ilabas niyo si Rose!" Napilitan siyang bumangon at harapin si Gavin. Nakabantay naman sina West at Apollo sa tabi niya. "Gavin, nakakaalala na ako. Patawad kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo." Punong-puno ng awang sabi ni Psyche dito. Nalulungkot din siga dahil hindi niya agad na klaro sa binata. Nasasaktang umalis si Gavin. Wala na siyang magagawa pa sa desisyon ng dalaga. Hindi ito nakapasok ng trabaho. Nagpakalunod ito sa alak. Hindi niya na kayang mawala ang dalaga. Paano na siya muling babangon? Lahat na lang iniiwan siya. Wala na ba talagang mananatili pa sa tabi niya? Hanggang kailan siya maghihintay para sa taong mananatili para sa kanya? Ilang araw naman ang lumipas na hindi pa rin nakakabalik si Cupid kaya minabuti ni West na alamin muna ang nangyari kay Cupid. Nalaman nitong ikinulong si Cupid ng kanyang inang si Aphrodite. "Anong nangyari kay Cupid?" Bungad na tanong ni Psyche kay West na kababalik lang galing sa kanilang mundo. "Ikinulong siya ni Aphrodite at mukhang mapapalaban tayo kaya kailangan nating maghanda." Sagot ni West. Diterminadong makipaglaban. " 'Wag kang mag-alala, Psyche. Kami na ang bahala sa mundo natin. Dito ka na lang muna para hindi ka mapahamak." Sabi naman ni Apollo. "Pero kailangan niya ako at kailangan ko din namang lumaban!" Dahilan ni Psyche dito. "Pero hindi magugustuhan ni Cupid kapag napahamak ka." Dahilan ni West. "Hindi ko din naman magugustuhan kung mapapahamak siya ng dahil sa akin." Naiiyak na sabi ni Psyche. Gusto niyang sumama. Gusto niyang ipaglaban ang pagmamahalan nila. "Mas mabuting dito ka na lamang, Psyche. Sa amin ka ibinilin ni Cupid." Sagot ni Apollo. "Hindi! Hindi ako papayag. Kahit buhay ko ang maging kapalit gagawin ko!" Lumuluhang sabi ni Psyche kaya wala ng nagawa pa sina Apollo at West sa gusto nito. Minabuti na lamang nilang sama-samang bumalik ng Olympus para gumawa ng plano at ipaglaban ang kalayaan ni Cupid sa ina nito. Pagkabalik nila sa kanilang sariling mundo ay agad silang nagtimpon-tipon para sa hakbang na gagawin nila para makatakas si Cupid sa kanilang kaharian. Lingid sa kanilang kaalaman, si Cupid ay nasasaktan at napakalungkot dahil sa sinabi ng ina nito at mga ibinalitang kasinungalingan lamang. Ikinulong siya ng kanyang ina para hindi na muling makabalik pa sa mundo ng mga mortal at makita ang minamahal nitong si Psyche na masaya kasama ng iba. "Miss na miss ko na siya." Malungkot na sabi ni Psyche kay Apollo. "Sigurado akong miss na miss ka na rin niya. Masaya pa rin akong nakaalala ka na, Psyche." Sabi ni Apollo na halo ang lungkot at saya. Kasalukuyan silang naghahanda na para sa nalalapit nilang laban kung hindi papayag si Aphrodite na makausap ni Psyche si Cupid. Sana makausap niya ito. "Handa ka na bang harapin si Aphrodite?" Tanong ni West na kararating lang. "Handang-handa na ako. Matagal na akong handa hindi lang siya patas lumaban." May hinanakit na sabi ni Psyche. Diterminado din siyang makasama ang minamahal. Hinihiling niya na sana 'wag na silang paglayuing muli at sana magkasama na silang muli. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD