Sa bundok ng Alboleras ay tahimik na pinanunuod ng dalawa ang nahihimbing na si Liana.
"napansin ko ang lubos mong pag aalala kanina kay Liana Ava.."komento ni Aradia.
"kung may masamang nangyari ay ikaw ang unang mawawala Ara.."ngumiti si Ara sa sinabi ng kaibigang dwende.
"salamat sa pagprotekta sa kanya.."ngumiti si Ava kay Aradia.
Inayos nilang muli ang kubo lalo na at doon na sila maninirahan kasama si Liana.
Nagulat ang dalawa nang makalipas ang dalawang araw ay binisita sila ng prinsipe ng Alboleras.
"nagagalak ako na ligtas kayo sa aking nasasakupan."nakangiting wika nito.
Ngumiti naman si Aradia dito bagay na nagpaningas sa mata ni Yonah.
"m-mahal na prinsipe.."gulat na tinuro nito ang namumulang mata ni Yonah.
Pumikit ang prinsipe at wari ay may pinaglalabanan sa kanyang loob.
"a-ano ang iyong ngalan?"habang nakapikit ay tanong ni Yonah.
"Aradia mahal na prinsipe.."bulong nito.
"patawad Aradia sa aking gagawin.."nagulat si Aradia ng bigla siyang yakapin ng prinsipe.
"m-mahal na p-prinsipe?"nagtatakang usal nito.
"patawad.."bulong nitong muli bago naramdaman ni Aradia ang pagbaon ng pangil nito sa kanyang balikat.
Napangiwi si Aradia sa ginawa ni Yonah ang sakit ay unti unting binalot ng init mula sa labi ng prinsipe patungo sa kanyang leeg at kumalat sa kanyang buong katawan.
"hmmm.."ungol ni Aradia ng sipsipin ni Yonah ang kanyang dugo.
Napapikit ito at napakapit ng mahigpit sa kasuotan ni Yonah.
"m-mahal na--hmmm.."nabura sa isipan ni Aradia ang sasabihin ng gawaran siya ng malalim na halik ni Yonah.
"ahm.."napalayo sila sa isat isa nang marinig ang boses ni Ava.
"patawad sa aking kapangahasan ngunit nais ko lamang sanang sabihin na gising na si Liana.."wika nito bago bumalik sa silid na ginagamit ni Liana.
Sa namumulang pisngi ay nagtungo si Aradia sa silid ni Liana, habang ang prinsipe naman ng Alboleras ay mangha parin sa nangyari.
Ganito ba ang naramdaman noon ni Rhys kay Liana? Tanong nito sa sarili habang pinagmamasdan ang paglalakad ni Aradia palayo.
"salamat naman at gising ka na.."nakangiting wika ni Aradia kay Liana.
Si Liana ay binigyan ng kunot na noo si Ara dahil sa dugo na nasa balikat nito.
"may bampira ba dito?"walang sumagot sa tanong ni Liana.
Nagkatinginan lamang si Ava at Aradia tila walang gustong magsalita nang bumukas ang pinto at pumasok si Yonah.
Sumilay ang ngisi kay Liana nang mapagtanto ang nangyari.
"mahal na prinsipe nais kong magpasalamat sa iyong pagbisita ngunit batid ko na hindi ako ang nais mong makita.."nag iwas ito ng tingin kaya lalong humalakhak si Liana.
"sana ay hindi mo kaagad kunin si Aradia sa amin.."panunukso pa ni Liana sa dalawa.
"magtigil ka at ikaw ang unang kukunin sa amin ng prinsipe mo.."sambit ni Ara.
Umismid si Liana sa narinig.
"huwag kang magalit Aradia sapagkat may prinsipe ka rin namang nabihag.."muli ay namula ang mukha ng dalawa kaya sabay na sila ni Ava na humahalakhak ngayon.
"ibabalik na kita sa Zacarias batid kong lubos na ang pangungulila sa iyo ni Rhys.."wika ni Yonah.
Tumaas ang kilay ni Liana.
"siya ba ang nangungulila o ikaw?"ang ngisi ni Liana ay nabura nang may magsalita sa likod ni Yonah.
"ako.."sagot nito.
Ang asul na mata nito ay muling naghatid sa kanya ng libo libong emosyon.
"maiwan na namin kayo.."wika ng tatlo bago lumabas.
"Rhys.."usal ni Liana.
Humakbang ito palapit sa kanya puno ng pananabik at pagmamahal ang nasa mga mata nito. Agad na naglapat ang mga labi nila nang makalapit na ito.
Buong init na tinugon ni Liana ang mga halik nito sa kanya.
"Liana.."bulong nito at tumigil sa paghalik.
"patawarin mo ako, sa aking pagkukulang at mga kasalanan.."ngumiti ang dalaga dito at tumango.
Muli silang nagkayakap na dalawa. Hindi rin nagtagal ang prinsipe ng Alboleras at umalis na.
Tanging silang apat na lamang ang natira sa bahay.
"gusto kong manatili na muna dito.."anas ni Liana habang nakatanaw sa malaking lupain ng Alboleras na makikita sa bundok na kinaroroonan.
"kung ganoon ay dito na rin muna ako.."nilingon ni Liana si Rhys.
"paano ang kaharian?"ngumuso ang prinsipe kay Liana.
"huwag mong isipin ang kaharian ang isipin mo ay paano ako kung mananatili ako roon habang ikaw ay narito."sumilay ang ngiti sa labi ni Liana sa narinig mula sa prinsipe.
"narito na ako Liana, hawak ko na ang kamay mo kaya hindi ko na ito bibitiwan."wika nito at hinalikan ang kamay ng dalaga.
"nasisiguro ko na bukas ay naritong muli si Yonah.."sa sinabi ni Rhys ay natawa na si Liana.
Napansin din pala nito ang mga lihim na sulyapan ng dalawa kanina.
Tama nga si Rhys, dahil ngayon ay narito nga ang prinsipe ng Alboleras at nakasunod kay Aradia.
"tigilan mo ang pagsunod Yonah para kang alagang hayop sa mga kilos mo.."tukso ni Rhys dito.
Tinapunan ito ng matalim na tingin ni Yonah kaya siniko na niya ang kasintahan at baka mag away pa ang dalawa.
Naging masaya ang mga araw na kasama ang bagong itinakdang mangkukulam at prinsipe ng lupa.
Habang kumakain ay nagulat ang lahat sa pagdating ni Accalia.
"Rhys, Liana kailangan niyo nang bumalik.."natahimik ang mga naroon.
"bakit narito ka prinsipe Yonah?"tila doon lamang nito napansin ang isang prinsipe.
"dahil narito si Ara.."nang mapatingin si Accalia kay Aradia ay natawa ito ng pagak.
"tadhana nga naman.."wika nito bago muling bumaling kila Liana.
"may nangyari sa hari, muli itong nanghina.."napatayo si Rhys sa narinig.
"hindi pa nais ni Liana umalis dito kaya ako na muna ang uuwi--"
"hindi, sasama na ako.."natigilan si Rhys sa sinabi ni Liana.
Ngumiti ang dalaga dito bilang pagsang ayon. Tumango si Rhys dito at hinawakan na ang kamay nito upang lumabas ng bahay.
"mag iingat ka Liana!"pahabol ni Aradia bago sumakay sa kabayo ang dalawa.
Makalipas ang walong oras na biyahe patungo sa kaharian ng Zacarias ay nakarating ang tatlo.
"nasaan si ama?"nagmamadaling tanong ni Rhys sa mga tagapaglingkod.
Sinamahan sila nito sa silid ng hari. Huminga muna ng malalim si Rhys upang kalmahin ang sarili bago binuksan ang gintong pintuan.
Pagpasok nila ay natigilan si Liana kaya nagtatakang nilingon ito ni Rhys.
Umatras si Liana palabas ng silid.
"Liana?"kunot noong tanong ni Rhys sa ikinilos nito.
Hinawakan ni Liana ang gintong pinto at tama nga siya ng hinala. Naramdaman niya ang lason sa buong silid ng hari.
"Liana--"
"lumabas tayo Rhys."nagtataka man ay umiling dito ang prinsipe.
"may sakit si ama kaya--"
"may lason ang silid ng hari Rhys!"natigilan ito sa narinig.
"ano?"tanong nito at muling nilingon ang nakahigang ama.
Sa takot ni Liana ay hinatak niya si Rhys palabas at muling isinara ang pinto.
"ako na ang bahala dito, mamaya ka na pumasok.."nababahalang sinundan ng tingin ni Rhys si Liana papasok ng silid.
Isinara ni Liana ang mga kandado ng gintong pintuan upang hindi makapasok si Rhys.
Lumapit siya sa mahal na hari.
"bakit mo ito ginagawa mahal na hari?"nagmulat ng mata ang hari at naupo.
"ikaw Liana, bakit mo inilihim na isa kang diyosa?"kumunot ang noo ni Liana sa sinabi ng hari.
"diyosa lamang ang makakaramdam ng lason na inilagay ko, sapagkat ang lason na iyon ay para sa diyosa."nanlaki ang mga mata ni Liana.
"sinabi ni Aurora na isa kang diyosa, sapagkat ang kapangyarihan niya ay hindi maaring makontra ng isang manggagamot lamang!"ang pag sigaw nito ay nagdulot ng takot sa dalaga.
"h-hindi ko ho alam ang lahi ko mahal na hari--"
"isa kang diyosa! Diyosa na magdudulot ng sakuna at pag durusa sa aking anak!"kumulog sa paligid at makikita ang paglabas ng kidlat sa kamay nito.
"ama! ama?! Anong nangyayari?"mula sa labas ng silid ay naririnig ni Rhys ang kulog na kapangyarihan ng kanyang ama.
Nabahala si Rhys ng marinig ang sigaw ng hari.
"isa kang diyosa na nagpapanggap! Ang diyosa ng apoy!"nanlaki ang mga mata ni Rhys sa narinig.
Sa loob ng silid ay patuloy ang iling ni Liana.
"hindi totoo ang mga iyan mahal na hari.."sambit ni Liana.
"narito ka ba upang paslangin ako?! Tulad ng nais mong gawin ilang daang taon na ang lumipas?!"umiiling lamang si Liana dito.
"h-hindi totoo ang mga iyan.."tanggi ni Liana sa hari habang umiiyak.
"sinungaling!"binato ng hari ng kidlat si Liana nang may apoy na bumalot sa katawan ng dalaga.
Lalong nakumpirma ng hari ang hinala.
"nalaman kong nanganib ang anak ko nang kasama ka!"asik nito.
Sa tindi ng emosyon ni Liana ay sumigaw siya. Nagulat ang hari ng tumalsik siya sa ginawa ni Liana.
Umiiyak na tumakbo si Liana palabas ng silid ng hari.
"L-Liana.."si Rhys na nag aalalang inalalayan siya.
"ang hari ang puntahan mo Rhys.."wika nito at tumakbo nang muli paalis.
"Rhys! Layuan mo ang babaeng na iyon tama ang iyong ina, maging si Aurora ay naramdaman ang pagiging diyosa--"
"si Aurora?"gulat na baling niya sa ama.
"oo mahal na prinsipe ako nga.."nilingon nito ang diyosa ng yelo.
"sinabi ko sa hari ito pero hindi siya naniwala kaya hinamon ko siyang gawin ito.. Tama ako mahal na prinsipe isang diyosa ang iyong kasintahan, siya ang diyosa sa iyong sumpa, siya ang sumpa."natahimik si Rhys sa narinig.
Habang umiiyak sa malaking ugat sa likod ng palasyo ay natagpuan ni Liana ang nagsasalitang bulaklak.
"tahan na Liana, may isang diyosa nanamang umiiyak sa aking lugar."wika nito.
Patuloy sa pag iyak si Liana hanggang sa makatulog siya. Naramdaman ni Liana ang malamig na hangin sa kanyang katawan ngunit hindi niya maidilat ang kanyang mga mata sa antok.
"huwag kang matakot Liana, hindi ka pababayaan ng diyosa ng apoy.."narinig niyang bulong ng isang malamig na hangin bago ito nawala.