Nagising si Liana mula sa pagkakahimbing nang makarinig ng malakas na pagsabog. Nilingon nito ang paligid upang malaman kung saan nagmula ang pagsabog sa kahariang kinaroroonan. Nang makita ang malaking apoy sna tumutupok sa kaharian ay nanlaki ang mata ni Liana, sa takot ay agad siyang tumakbo upang hanapin ang prinsipe upang matiyak ang kaligtasan nito.
Sa loob ng kaharian ng Zacarias ay nagpupuyos sa galit ang hari na kahit anong gawin ng reyna ay lumalabas parin ang kidlat sa mga kamay nito. Matiim na nilingon ng reyna ang anak na naguguluhan parin sa mga pangyayari.
"tama ang aking hinala Rhys anak!"maging sa mga mata ng reyna ay makikita ang poot para kay Liana.
"pati ba naman ikaw ina ay sasabayan ang pagkakalito ni ama? hindi maaring diyosa si Liana sapagkat--"
"nakasisiguro ka ba mahal na prinsipe? kung ganoon ay paano mo maipaliliwanag na nagawang kontrahin ng isang manggagamot ang kapangyarihan ng isang diyosang tulad ko?" hindi nakaimik si Rhys sa mga paratang ng diyosa ng yelo na si Aurora.
Bumalik sa isipan ni Rhys ang mga nangyari, ang malakas na kapangyarihan ni Liana maging ang hindi pag epekto ng kadenang siyang nagpahina sa kanya mula sa lalaking nais kumuha ng kanyang inaalagaang elemento ay isang malaking katanungan parin sa kanya.
"ano mahal na prinsipe may mga maisisiwalat ka bang magpapatunay na isang manggagamot nga ang iyong nobya?" hindi nakasagot si Rhys at wala nang nagawa kung hindi ang yumuko na lamang.
"ikapapahamak mo ang pagsama sa kanya anak.."ani ng mahal na reyna.
Magsasalita pa lamang sana si Rhys nang yanigin sila ng malaking pagsabog. Ang buong kaharian ay nabulabog lalo na at isang malaking apoy ang lumabas mula sa bulwagan.
"sino ka?!" ang mahal na hari.
Nagulat ang lahat nang ang apoy ay biglang naging kawangis nila. Ang mahal na reyna ay agad na inilagay sa likuran ang kanyang pinakamamahal na anak.
"aaah!" sigaw ni Aurora nang palibutan ito ng apoy.
"ang kapwa diyosa ay dapat pangalagaan at hindi ipagkanulo diyosa ng yelo." isang malamig na boses ang nagsalita mula sa apoy.
"ang diyosang si Liana ba ang tinutukoy mo?!" singit ng hari.
"huwag mong ulitin ang pagkakamali ilang daang taon na ang lumipas Aurora, ipinagbabawal na umibig sa isang bampira lalo na kung itinakda na ito sa iba!" napasinghap ang lahat ng naroon sa narinig mula sa apoy.
Nilingon ng reyna at hari si Aurora na ngayon ay puno nang galit ang mga mata.
"at sino ang nararapat sa kanya?! ang pinoproktektahan mong diyosa?!"sigaw nito.
Lumaki ang apoy na siyang ikinatakot ng lahat lalo na ng mga bampira sapagkat ito ang kanilang kahinaan. Akmang gagamitin ni Rhys ang kanyang apoy na kapangyarihan nang lumabas mula sa gilid si Liana kaya natigilan ang prinsipe.
"narito ka ba upang paslangin ang aking anak?! iyan ba ang utos sa iyo ng diyosa ng apoy?!" sigaw ng mahal na reyna nang makita si Liana.
Ang malungkot na mga mata nito ay masasalamin habang nakatingin sa prinsipeng iniibig.
"totoo ba Liana? isa kang diyosa?" umiling si Liana sa tinanong ng prinsipe.
"sinungaling! ito na nga ang katunayan na isa kang diyosa!" si Aurora na ngayon ay nagpupuyos sa galit.
"hindi ko alam ang aking lahing pinagmulan mahal na prinsipe, at kung tunay ngang ako ay isang diyosa na siyang nakasaad sa iyong sumpa ano ang nais mong gawin ko?" naiiyak na tanong ni Liana habang nakatingin sa prinsipeng hindi na ginawa pang salubungin ang kanyang mga titig.
"mamili ka Liana, si Rhys ang mamamatay o ikaw."napalingon si Liana sa mahal na hari.
Ang malambot na mga mata nitong siyang lagi niyang nakikita ay naglaho at ngayon ay puno ng poot at pagkamuhi itong nakatingin sa kanya. Muling nilingon ni Liana ang prinsipe umaasang ito ay hindi sasang ayon sa mga sinambit ng mahal na hari.
"paalam Liana.." napakaikling salita mula sa prinsipe ngunit nagawa nitong wasakin ang puso at mga pangarap ni Liana.
Mahinang tumango si Liana sa prinsipe, at ang kanyang mga mata ay naging kulay kahel sa takot ng lahat. Mapait na ngiti ang ibinigay nito sa mga naroon bago yumuko bilang pagbibigay ng galang at respeto sa mga maharlika. Napaatras ang lahat sa sunod na ginawa ni Liana dahil umapoy ang buong katawan nito.
"apoy mula sa aking katawan, init mula sa aking dugo ako ay paslangin nang manatiling ligtas ang prinsipe ng Zacarias.." kasabay ng pagsambit ay ang pagtulo ng luha ni Liana habang nakatingin sa prinsipeng walang masasalaming emosyon sa mukha. Nakatitig lamang ito at hindi malaman ang iniisip.
Ang nararamdamang pagkabigo ni Liana ang kumain sa kanyang kamalayan. Ang pagbagsak ni Liana sa malamig na semento ay siya ring paghampas ng malakas na hangin kasabay ang pagyanig ng lupa at biglaang pag buhos ng ulan mula sa langit.
Ang apoy nito sa katawan na kulay kahel katulad ng mata nito ay naglaho. Isang makapal na usok ang tumambad sa kanila at ang walang malay na katawan ni Liana.
"L-Liana..!"napalingon ang lahat sa kadarating lamang na nilalang.
Si Hanish kasama nito si Accalia na nanlalaki ang mga mata. Pinaglipat lipat nito ang tingin sa katawan ni Liana at sa mga naroon. Napaatras ang lahat sa malakas na hangin mula kay Hanish.
"anong ginawa niyo sa kanya?!" ang mata nito ay naging kulay puti patunay na ang hangin sa hawak nitong elemento ang ginagamit nito at hindi ang hangin na kakayahan nito bilang bampira.
"tumigil ka prinsipe!" humarang ang matapang na si Aurora sa galit ni Hanish.
"diyosa ka at batid mong wala akong laban sa iyo kaya nagagawa mong iharang ang iyong sarili para sa kanila, ngunit pakatandaan ninyo, na si Liana ay mabuting nilalang diyosa man o manggagamot, ikaw ang unang dapat na magtanggol sa kanya Rhys!"baling nito sa tahimik na prinsipe at nakatingin lamang sa katawan ni Liana.
"Liana.." napatingin silang lahat nang mula sa usok ay duguang lumabas si Aradia at akay ito ni prinsipe Yonah.
Lumapit ito sa nakasalampak na katawan ni Liana sa sahig habang inaalalayan parin ni Yonah.
"a-anong nangyari?"nanghihina man ay nagawang sambitin ni Aradia ang mga katanungan.
"kinitil niya ang kanyang buhay.."si Aurora.
Nanlaki ang mga mata ni Aradia sa narinig. Marahas na lumingon ito sa mga naroon.
"imposible! Hindi niya magagawa iyon--"
"ginawa niya, bumigkas siya ng engkantasyon upang kitilin ang kanyang buhay." salubong ang kilay na wika ng hari.
"Liana! Liana! H-Hindi maaari! Ava!"nagtatangis na sigaw ni Aradia sa kaibigang dwende mula sa mga usok.
Lumabas mula roon ang seryosong si Ava. Igting ang mga ngipin at kuyom ang mga palad.
"isang malaking pagkakamali na hinayaan namin na bumalik dito si Liana! Isang malaking pagkakamali na magtiwala sa anak ng isang huwad at mapanlamang na diyosa!" nagkulay berde ang mga mata ni Ava.
Lumindol at umingit ang lupa. Bumagsak ang palasyo ng Zacarias sa pagkamangha at pagkabigla ng lahat.
Hindi makapaniwala sa ipinamalas na kapangyarihan ng isang dwende.
"sino ka dwende?l anong karapatan mong pagsalitaan ako?!" galit na galit na sigaw ng mahal na reyna ngunit hindi siya pinansin ng huli bagkus ay lumapit ito kay Liana at malungkot na hinaplos nito ang malamig na katawan nito.
"hindi mo kasalanan ang iyong pinagmulan Liana, patawarin mo kami at hindi ka namin naprotektahan."saad nito na narinig ng lahat.
Maging si Aradia ay naguguluhan sa ikinikilos ni Ava. Hindi niya maintindihan ang mga inuusal nito patungkol kay Liana.
"halika at damhin mo ang aking kapangyarihan.." wika ni Ava at naglabasan ang mga mababangong bulaklak.
Pumulupot ito sa katawan ni Liana, nilingon ni Ava ang kinaroroonan nila Aradia ngumiti ito ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata.
"prinsipe Yonah nais kong alagaan mo pansamantala si Aradia, sapagkat hindi ko batid kung gaano ako katagal mawawala, prinsipe Hanish huminahon ka lamang sapagkat hindi madaling mamamatay ang iyong kaibigan, ako na muna ang mangangalaga sa katawang ito."wika nito bago nilamon ng mga bulaklak kasama si Liana.
Nawala ang mga bulaklak na para bang may isip at umalis sa lugar na iyon.
"Yonah kailangan siyang magamot."si Hanish na ang tinutukoy ay si Aradia.
"aalis na kami."paalam ni Yonah nang pigilan ito ni Hanish.
"sasama na ako."ani nito.
"sasama rin ako."natigilan si Hanish sa paghakbang sa usok kung saan ay naroon ang lagusan na gawa ni Aradia sa sinabi ni Accalia.
Nilingon ito ni Hanish.
"maiwan ka at patuloy mong paglingkuran ang baluktot na pamamahala ng kahariang ito."bakas parin ang galit nito bago humakbang sa mga usok.
Nang mawala na ang tatlo at naiwan si Accalia ay yumuko ito sa mga naiwang bampira at diyosa.
"paumanhin ngunit nais kong magbitiw sa aking tungkulin."wika nito bago naglakad palayo.
Umiiyak ito habang papalayo sa mga mata na dahilan ng kanyang pag iisa ngayon. Galit si Hanish at alam niyang hindi nito mapapatawad ang prinsipeng kanyang pinagsisilbihan sapagkat siya mismo ang sumundo kay Liana at naghatid sa kapahamakan nito.
Mula sa loob ng malaking bulaklak na lumamon sa katawan nila Ava at Liana ay nakarating sila sa loob ng malaking puno.
"dito ako naninirahan Liana, at pansamantala ay rito ka muna upang maibalik ko ang init sa iyong katawan na siyang tinanggal mo."usal nito.
Pumikit ito at bumulong ng isang engkantasyon bago muling nagmulat ng mata.
"para sa tatlong diyosa ang aking mga sasabihin, makinig kayo at dinggin ang aking hiling, hangin mula sa kanyang hininga, tubig mula sa kanyang ugat at apoy mula sa kanyang katawan ako ay pakinggan, protektahan at iligtas ang nilalang sa aking himlayan, nawa ay bigyan ng init ng apoy at hininga ng hangin maging ng buhay ng tubig ang kanyang katawan."bulong nito at hinipan ang mga bulaklak palayo.