CHAPTER 18

1489 Words
Habang papasok ang prinsipe kasama sila Liana sa loob ng kaharian ay nakangiting nakamasid sa kanila si Avani. "tunay ngang ikaw ang kanyang nag iisang anak.."bulong nito bago muling lamunin ng lupa. Sa malaking puno ay muling sumulpot si Ava. Nasa lupain siya ng Alboleras dahil may nilalang siyang kailangang makausap. Naabutan niya ito na nagdadasal mula sa malaking salamin. "kailan pa nanalig ang mangkukulam?"putol niya sa ginagawa nito. Dumilat ito at nilingon siya. Si Aradia ang may kakayahang makakita ng mga maaring mangyari at nangyayari. "ano at naparito ka?"tanong nito. "ang presensya mo ang kailangan ko, ang kadiliman mo Aradia."tumiim ang anyo ni Aradia sa narinig mula kay Ava. "hindi ako maaring maglabas ng kapangyarihan Ava alam mo iyan."nagkibit ng balikat si Ava sa sinambit ni Aradia. "may dahilan kung bakit ibinigay ang kakayahang iyan sa iyo Ara, na maging ang diyosa ay hihingi ng iyong tulong dahil sa kakayahan mo na iyan." Kumunot ang noo ni Aradia sa sinabi ni Ava. "diyosa?"nagtatakang ulit nito sa mga sinabi ni Ava. Tumango si Avani at pinagliwanag ang kanyang sarili. Ngayon ay berde na ang kulay ng kanyang mga mata. Maging ang kasuotan niya ay naghahalong kulay lupa at halaman. "i-isa kang diyosa?"hindi makapaniwalang turan nito sa inaakalang dwende lamang. Ngayon ay isa na itong matangkad at magandang diyosa. "halika na Aradia, kailangan ka namin."saad ni Ava. Pumikit ng mariin si Ara bago tummago. Ang kanyang kapangyarihan ay may silbi pala, ang buong akala niya ay sumpa iyon sapagkat isa siyang lahi ng mangkukulam. Sa tulay ng Bayya ay patuloy ang labanan ng dalawang diyosa. Pareho nang may sugat ngunit kapansin pansin na napuruhan ang diyosa na iniwan ni Avani. "ang mga taksil ay walang puwang sa lugar na ito!"sigaw ni Aurora bago naglabas ng ibat ibang kulay na liwanag sa kanyang palad. Nanlaki ang mga mata ng diyosa nang ibato sa kanya ni Aurora ang liwanag na hawak. Akmang sasagalin niya ang kapangyarihan nito gamit ang kanya nang tumalsik siya. Napadaing ang diyosa at sumuka ng dugo. Sa nanlalabong abong mga mata ay nakita niya si Avani kasama nito ang mangkukulam na si Aradia at ngayon ay patungo kay Aurora. "A-Ava.." Nanghihina man ay nagawang tawagin ng sugatang diyosa ang kanyang kapanalig. "ligtas siya."ang maikling sagot nito ang pumalis ng pag aalala sa sugatang diyosa. Tinapunan ng tingin nito ang isang babae na balot na balot ng itim na kasuotan, maputi ito at may mahabang buhok. Napapikit ang diyosa nang masilaw sa liwanag na dulot ni Aurora. Ngunit agad ding nawala iyon sa pagtataka nito. Nang magmulat siya ng mata ay nakita niya na ang paligid ay purong kadiliman. Mula sa babaeng nakabalot ng itim. "ang dimensyon?"hindi makapaniwalang bumaling siya kila Avani na ngayon ay nakangisi na. "ito ang kapangyarihan ni Aradia, ang mangkukulam na matagal ko nang binabantayan."wika nito. Kaya nitong dalhin sa ibang lugar ang ano mang bagay at maging ang kapangyarihan. "saan niya dinala ang kapangyarihan ni Aurora? Delikado kung sa maraming nilalang--" "sa kalangitan, at sigurado akong mayayanig si Tala sa itaas."kumindat si Ava dito kaya natawa nalang din ito. Tinulungan nila Ava ang sugatang diyosa bago sila nilamong lahat ng lupa na kapangyarihan ni Avani. Ang tatlo ay sumulpot sa palasyo ng Bayya. Sa gulat ng lahat, nagkagulo ang mga kawal at tinutukan sila ng sandata. Tumingin lamang sa kanila si Avani habang si Ara naman ay walang ekspresyon ang mukha. "sino kayo?!"sigaw ng isang kawal. "wala ka sa lugar upang magtanong bampira."tugon ni Ava na lalong nagpasiklab sa galit ng mga tagapagbantay. "paslangin sila!"sigaw ng kawal ngunit nang susugod na ang mga nakapalibot sa kanila ay lumubog ang lahat sa lupa. "Ava.."ani ng diyosang sugatan. "buhay sila."simangot na sagot ni Ava dito. Pumasok sila sa loob ng kaharian na puno rin ng kawal. Ngumisi si Avani at akmang gagamitin muli ang kanyang kakayahan ng pigilan ito bg sugatang diyosa. "ako na ang kakausap."ani nito. "mawalang galang na ngunit maari niyo ba kaming ipakiusap sa prinsipe?"maging si Aradia ay nilingon ang diyosa nang marinig ang nais nito. "anong kailangan niyo sa akin?"umangat ang tingin ng tatlo sa ikalawang palapag ng kaharian. Naroon at matikas na nakatayo ang prinsipe ng Bayya. "mahal na prinsipe."yumuko ang tatlo dito. "ang mga kaibigan ni Liana."wika nito ng mapatingin kay Aradia. "ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"bumaba ito at lumapit sa kanila. "kailangan nating magtungo kay Liana."kumunot ang noo ng prinsipe sa narinig pagkat sa kanyang pagkakaalam ay wala na ang dalaga. "sa kaharian ng Imana."dugtong ni Ara nang makita ang pagdududa sa mukha ni Irving. "ang kanyang labi?"pagtatama ni Irving ngunit umiling ang tatlo. "buhay ang diyosa."si Ava. Umiling ang prinsipe at lumayo sa tatlo. "hindi, nakita ko mismo ang paglabas ng marka sa kamay ng prinsipe ng Zacarias na simbolo na wala na ang nakalaang nilalang sa kanya."usal nito. Nagkatinginan ang tatlo ngunit maging si Ara ay hindi alam ang sinasabi ng dalawang kasama. Ang alam niya ay wala na rin si Liana, nakita niya iyon at napatunayan sa naghihinagpis na si Hanish. "kung ganoon ay wala na akong pagpipilian pa."huminga ng malalim si Ava bago pinuluputan ng mga halaman ang prinsipe sa gulat nito. Bago pa makalaban ang prinsipe at makalapit ang mga kawal ay nilamon na sila ng lupa. "kailangan na nating magmadali."si Avani. "bakit?"baling ni Ara dito. "nasa panganib ang isa pang diyosa."hindi naintindihan ni Ara ang nangyayari ngunit tiwala siya sa dalawa kaya hinayaan niya nalang ang mga ito at sinunod. Nang makawala sila sa lupa at umangat ay nasa tapat na sila ng kaharian ng Imana. Nanlaki ang mata ni Ara nang makita ang sirang kaharian. "siya ba ang may gawa?"tanong ng sugatang diyosa. "oo."sagot ni Ava bago naunang naglakad papasok. Hila nila ang nakabalot sa dahon na si Irving. Nang makapasok sila sa loob ay napailag sila sa patalim na lumipad patungo sa kanila. "hindi sila kalaban Liana!"narinig nila ang tinig ni Hanish. Nang bumaling ang bagong dating sa mga naroon ay walang bakas ng pagkakakilanlan ang mukha ni Liana. Blangko ito at nanuri. "isang mangkukulam at dalawang diyosa, sino ang kasama niyong bampira?"napasinghap silang lahat nang sabihin iyon ni Liana. Maging ang dalawang diyosa ay nagkatinginan dahil sa sinabi nito. "paano mo nalaman?"si Aradia. Nang bumaling si Liana dito ay kumunot ang noo nito. "nagkita na ba tayo?"imbes na sagutin ang tanong ni Ara ay tanong nito. "nagpapatawa ka ba?"asik ni Ara kaya agad itong nilapitan ni Accalia. "may mga bagay siyang nalimutan ng muli siya mabuhay.."bulong nito kay Ara at siniguradong walang makakarinig. "oo, may mga limot na akong tao bagay at pangyayari."nanlaki ang mata ni Accalia nang bumaling sa nagsalitang si Liana. "the wind tells me everything Accalia."kibit na sabi nito. "why? Ako ang tagapangalaga paanong sasabihin sa iyo ng hangin iyon?"singit ni Hanish. "makinig muna kayo.."putol ni Avani sa usapan. Nakuha naman niya ang atensyon ng lahat. At doon lang napansin ni Liana na kilala niya ang inaalalayan ni Avani. "Y-Yuri.."usal ni Liana. Hindi makapaniwala si Liana na isang diyosa ang kanyang kaibigan. "isa kang diyosa? S-Si Esme alam ba niya na--" "kagaya ko siya Liana."napasinghap si Liana sa narinig. Hindi mapaniwalaan ang mga nalaman. Matagal na silang magkakaibigan, bata pa lamang siya ay kalaro na niya ang dalawa. "paanong.." "binabantayan ka namin Aeliana Sidra."napaatras si Liana nang banggitin nito ang pangalan niya bilang diyosa. "kailangan natin kumilos."biglang nagbago ang kaninang malambot na mukha ni Yuri. "ako si Yurisa ang diyosa ng hangin."pakilala nito sa lahat at tinapunan ng tingin si Hanish na ngayon ay gulat sa nalaman. "bitbit namin ang prinsipe ng Bayya."agaw ni Ava at ibinaba ang prinsipe at tinanggal ang mga halaman dito. Nang makita ni Irving ang mga nilalang sa paligid ay naroon ang pagkamangha. "b-buhay ka.."bulong nito. "Liana.."naagaw muli ni Ava ang atensyon ni Liana. "maari mo bang gamutin ang sugat ni Yurisa habang wala ako?" "saan ka tutungo?"tanong ni Aradia. "kailangan ako ni Esme."ang pangalan na iyon ay nagbigay ng hindi kaaya ayang pakiramdam kay Liana. "Liana bakit dumdugo ang iyong ilong?"napatingala si Liana para pigilan ang pagtulo pa nitong lalo. "h-hindi ko din alam."si Liana. "ang tubig ang binabantayan ni Esme, prinsipe Irving maari mo bang tawagin ang elemento mo?"pakiusap ni Ava. Tumango ito at tinawag ang kanyang elemento ngunit laking gulat nila nang maging ito ay sumuka ng dugo. "Irving!"si Hanish na dinaluhan ang kaibigan. "nasa panganib si Esme Liana! Kailangan ko nang umalis!"akmang aalis na si Ava ng pigilan ito nila Hanish. "sasama kami." Nilingon ni Ava sila Hanish, Aradia at Irving. Wala nang nagawa pa si Ava kung hindi ang tumango. Paalis na sila nang matigilan siya sa b****a ng pinto. Tumulo ang luha niya ng makita niya ang nilalang na nakasandal sa pader at tahimik lang. "Aoife.."umiiyak na sambit nito. Napamulagat ang lahat ng magyakap ang dalawa. Si Liana naman ay nakamasid lang, kaya pala kanina pa tahimik ang diwatang si Aoife ay dahil kilala niya si Ava. "kamusta na aking diyosa?"bati ni Aoife dito. "masaya ako at nagkita tayong muli aking kapatid."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD