"samahan mo si Aoife sa ibaba Hanish, isa siyang kaibigan ako na ang bahala dito."nakita ni Liana ang pag aatubili ng kaibigang prinsipe.
"gagawin ko ang lahat Hanish.."nang sabihin niya iyon ay umalis na ito.
"Accalia anong nangyari sa iyo?"malungkot na pinagmasdan niya ang maputla nitong mukha.
"dugo ko bilang tubig buhay ko bilang liwanag, bigyan mo ako ng kapangyarihan upang mailigtas ang isang kaibigan.."nagliwanag ang katawan ni Liana at mula sa kanyang palad ay lumabas ang kanyang dugo.
Ipinahid niya iyon sa labi ni Accalia. Nang magliwanag na ito ay muling sinugatan ni Liana ang kanyang sarili.
Ang kanyang dugo ang nagsara ng mga sugat ni Accalia. Nanghihinang naupo siya sa tabi nito nang mawala na ang mga sugat nito at parang nahihimbing lamang ito sa pagtulog.
"huwag kang mag alala Accalia mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa iyo."sambit ni Liana bago sumandal sa kahoy na nagsisilbing disenyo ng higaan at pumikit.
Naalimpungatan si Liana dahil kanina pa may gumagalaw sa kanyang mukha at hinahaplos iyon. Nang magmulat siya ng mata ay nakita niya ang nakangiting si Accalia.
"salamat Liana.."nanunuyo pa ang labi nito ngunit nagawa paring ngumiti.
Nang ilibot niya ang mata ay naroon na si Hanish kasama si Aoife. Nakangiti sa kanya si Aoife at puno ng pasasalamat.
"nailigtas mo siya, ngayon ay ako naman ang sagutin mo Liana, paanong buhay ka?"si Hanish.
"hindi basta namamatay ang diyosa."si Aoife.
Napalingon dito si Hanish at kumunot ang noo nang bumaling sa kay Liana.
"kung ganoon ay diyosa kang tunay? Hindi ikatutuwa ni Rhys ang kaalamang iyan at isa pa akala niya ay wala ka na.."si Liana naman ang kumunot ang noo sapagkat wala siyang naiintndihan sa mga sinabi ng kaibigan.
"sinong Rhys?"
Kumunot ang noo ni Hanish, narinig ni Liana ang pagtikhim ni Aoife at napansin din niya ang palitan ng mga tingin nila Hanish at Accalia.
Magsasalita pa sana si Hanish upang ipaliwanag ang kung anong bagay ng hatakin ito palabas ni Aoife sa pagtataka nila.
Ngumiti si Accalia bago nagsalita kay Liana.
"masaya ako na maayos ka Liana.."turan nito.
Maging si Liana ay ngumiti dito at hinawakan ang namumutla pang mukha ni Accalia.
"masaya din ako at nagawa kong mailigtas ka."
Sa labas ng silid ay pumiglas si Hanish sa hawak ng diwata. Matalim na tingin ang ibinigay nito sa diwata bago sumandal sa haligi ng hagdan.
"ipaliwanag mo kung bakit hindi niya kilala ang lalaking minamahal niya?"seryoso at hindi matitibag ang mga salitang binitiwan ni Hanish.
Huminga ng malalim si Aoife bago ipinaliwanag ang lahat. Kung paano at kung bakit hindi na nito naaalala pa ang binatang prinsipeng iniibig.
Natulala si Hanish sa mga narinig mula sa diwata. Hindi makapaniwalang pinagmasdan nito ang babae sa harapan na ngayon ay seryoso rin ang mukha habang sinasalubong ang kanyang mga titig.
"ibig mong sabihin ay siya ang may nais nito?"si Hanish.
Tumango si Aoife dito, at inilahad ang kanyang palad. May lumabas na hikbi mula sa palad nito kasabay ng pag ilaw ng isang kristal.
"narito ang kanyang alaala mahal na prinsipe, ito ang kapalit ng paglisan ko sa aking nasasakupan."wika ni Aoife.
"parang isang kasulatan ng mga kasunduan?"tumango ang diwata sa sinabi ni Hanish.
Napailing ang prinsipe at napatingala na lamang. Gulat sa mga narinig at naging desisyon ng kanyang kaibigan.
Nang magbalik sila sa silid kung nasaan ang dalawa ay hindi na kumibo pang muli si Hanish. Matamang pinagmamasdan lamang nito ang kaibigang diyosa at tila sinusuri ang mga kilos nito.
"Liana, nais mo bang makita si Aradia?"
Ang tanong na iyon ng prinsipe ang pumutol sa masayang pag uusap ng tatlong babae. Walang nagtangkang magsalita at tila hinihintay ang isasagot ng diyosa.
"sino si Aradia?"dahil sa sinabi ni Liana ay muling lumipat ang tingin ng prinsipe kay Aoife na siya namang umiwas dito.
"akala ko ay kilala mo siya--"
"hindi mo siya natatandaan?"maging si Accalia ay nagtatakang pinagmasdan si Liana na kunot ang noo at walang ideya sa nangyayari.
"halika muna Liana.."tawag ni Aoife dito bago binigyan ng bilin na tingin si Hanish, naintindihan agad nito ang nais mangyari ng diwata. Ang ipaliwanag niya ang kalagayan ni Liana kay Accalia nang sa ganoon ay maiwasan na magbanggit ng hindi maganda at makapag ingat na din sa mga sasabihin pa.
"ano 'yun Aoife?"ang mga nagtatanong na mata ang bumungad kay Aoife.
Ang kahel na mata ng isang diwata na mas lalong nagiging matingkad sa tuwing ilalabas nito ang kapangyarihan.
"makinig ka Liana, may mga bagay kang isinuko at binitiwan para lamang sa misyon na ito, nandito ako kaya ang ibig sabihin lamang noon ay napagtagumpayan mo ang iyong misyon na madala ako sa lugar na ito."tumango si Liana dito.
"ngunit kung sakali na nais mong kuhain ang mga binitiwan at sinuko mo ay hindi mo na iyon mababawi pa."si Aoife.
"b-bakit?"
Napalunok si Aoife nang makita ang pagtataka kay Liana at maging ang bakas ng takot sa mukha nito dahil sa mga sinabi niya.
"sapagkat kung babawiin mo iyon ay mamamatay ang mga bago mong makikilala, katulad ko."napasinghap si Liana sa narinig.
Napaatras ito palayo kay Aoife na para bang kung malapit siya dito ay masasaktan ang diwata. Umiling si Liana at hindi makapaniwala sa mga sinabi nito.
Masuyong nilapitan ni Aoife ang nahihintakutang diyosa at binigyan ito ng yakap.
"huwag kang matakot Liana, pangako tutulungan kita upang walang masawi."dahil sa sinabing iyon ng diwata ay nanlambot ang diyosa na si Liana.
Ngayon lamang siya nakaranas na magkaroon ng nilalang na nais kang samahan at gabayan. Ang mga salitang iyon ang humaplos sa banyagang nararamdaman ni Liana.
Sa silid ay gimbal ang mukhang masasalamin kay Accalia. Naluha ito at marahang umiling na para bang isang kalokohan ang kanyang mga narinig mula sa prinsipe.
"hindi ko rin gusto ang bagay na ito ngunit kung iyon lamang ang tanging paraan upang hindi na rin masaktan pa si Liana ay tatanggapin ko."dagdag pa ng prinsipe.
Bumuntong hininga si Accalia at tumango na lamang bago nagsalita.
"kailangan nating ipakilalang muli sa kanya si Aradia."
Sumang ayon si Hanish sa sinabi nito,kaya naman nang bumalik ang dalawa ay sinabi nila ang kanilang iniisip. Pumayag si Liana ngunit kailangan daw munang magpaggaling ni Accalia bago sila umalis.
Sa kaharian ng Alboleras ay naroon si Avani at tila naiinip na.
Nang dumating ang nilalang na kanyang hinihintay ay ngumiti ito at marahang tumango.
"oras na ba?"tanong ng huli.
"oo, nakabalik na sa wakas sa atin ang diyosa."ngumiti ang dalawa.
"mabuti, sapagkat marami nang nagnanais ng mga elemento."wika ng huli.
Tumamgo ang dalawa at ibinigay dito ang mensahe ng isa sa mga diyosa.
"ako ang gagabay sa kanya at sa mga kaibigan niya, ikaw ang bahalang magligtas sa kanya kung malingat ako."tumango ang isa pang diyosa kay Avani.
Si Avani ay diyosa ng lupa, ang tunay na tagapangalaga ng elemento ng lupa na nasa prinsipe ng Alboleras.
"magtungo na tayo sa Bayya."wika ni Avani na sinang ayunan ng huli.
Patungong Bayya ay madadaanan mo ang tulay na nagdudugtong sa apat na kaharian. Apat ang daanan at kung tatahakin mo ang isa ay tiyak na isa sa mga kaharian ang bubungad sa iyo.
"naroon na ba siya?"tumango si Avani sa tanong ng kapwa diyosa.
Nagpatuloy sila sa paglalakbay nang may maramdaman silang yelo. Mula sa diyosa ang yelong papunta sa kanila kaya agad silang naging alerto.
"nanganganib si Liana puntahan mo siya!"sigaw ng isang diyosa kay Avani.
Tumango ito at binalot ng mga halaman bago tuluyang nawala.
"ang mga taksil."wika ni Aurora ang diyosa ng malamig na yelo.
"hindi mo siya mapapaslang!"sabi ng diyosa.
Ngumisi si Aurora.
"sinong nagsabing ako ang gagawa noon?"natigilan ang diyosa sa narinig mula kay Aurora.
"a-anong ibig mong sabihin?"bigla ay nakaramdam ito ng kaba.
"huli na ang kasama mong taksil, siguro ay wala na si Aeliana sa oras na makarating siya doon."
Umigting ang hawak ng diyosa sa kanyang pana bago buong lakas na inilabas ang kanyang kapangyarihan.
"papaslangin kita!"
Samantala sa kaharian ng Imana ay tahimik na naghahapunan sila Liana sa mahabang lamesa at magkakalayong nakaupo sa isat isa. Walang umiimik sa tatlo na sila Liana, Hanish at Aoife dahil lahat ay nag iingat. Maging si Accalia ay tahimik lamang na nakahalukipkip mula sa kanyang silid.
Iniisip ang mga nangyari at maaring mangyari pa. Nakuha ang atensyon niya ng isang sigaw mula sa labas ng kanyang silid.
Mahina man ay nag anyong lobo ito upang tunguhin ang hapag kung saan ay naroon ang tatlo. Naabutan niyang nakahiga sa lupa si Hanish at may iniinda habang si Liana naman ay nakadalo dito.
Si Aoife ay nakataas ang dalawang kamay upang gumawa nang pananggala sa mga atake mula sa bintana.
"Accalia bumalik ka sa silid mo!"sigaw ni Aoife nang mapansin siya nito.
Pati ang dalawa ay nakita siya.
"hindi ka pa magaling doon ka muna--"
"hayaan mo siya Hanish.."natigilan si Hanish sa sinabi ng kanyang kaibigan.
Si Liana ba talaga ang naririnig ko? Walang emosyon ang mukha nito at maging ang boses ay napakalamig.
"halika dito Accalia at bantayan mo si Hanish dahil elemento niya ang habol nang mga iyan."maging si Accalia ay napamaang sa tapang na nakita nila kay Liana.
Nang makalapit si Accalia sa dalawa ay agad na tumayo si Liana at hinawi si Aoife na nagulat sa ginawa niya.
"ako na dito."tutol man ang loob ni Aoife sa sinabi ni Liana ay wala itong nagawa nang lumipad siya papunta kila Hanish sa gulat niya.
Hangin? Sa isip niya ngunit nang makita niya ang apoy sa kamay ni Liana ay napasinghap na siya.
Ang diyosa ito! Siya nga! Kahit na malayo na siya kay Liana ay binigyan niya parin ng pananggala ang kinatatayuan nito.
Si Liana ay ngumisi bago pinasabog ang paligid. Sa likod ng mga puno na nakapalibot sa palasyo ay lumiyab ang mga nilalang na naroon.
"Liana ang mga hayop!"sigaw Aoife nang makitang namamatay ang mga inosenteng hayop.
Hindi nakinig si Liana at lalong pinagliyab ang paligid hanggang sa matupok at maging abo ang lahat.
"Hanish!"nilingon nila Aoife ang reyna at hari na lumapit sa kanila.
"sa loob na kayo.."si Liana.
Napalingon sila sa paligid at nagimbal sa nakitang resulta nang kapangyarihan nito.
Tumayo si Aoife at malakas na sinampal si Liana sa gulat ng mga naroon.
"ang mga nilalang na iyon ay walang muwang at dinamay mo sila!"umiiyak na sambit nito.
Si Liana ay naglahad ng kamay at nakita ni Aoife na umilaw ang kinaroroonan ng mga hayop kanina.
Napamaang silang lahat ng makita na napapalibutan ng tubig ang mga hayop at ligtas na tumakbo palayo.
"p-paanong.."si Hanish ay naguguluhan na ngayon.
Apoy tubig at hangin? Pati ba lupa ay kaya niyang kontrolin?
Gustong magtanong ni Hanish ngunit pinanghinaan siya ng loob.
"sa loob na tayo."wika ni Liana bago nagpatiuna.
Lahat sila ay tahimik na pumasok sa loob dahil nawala ang halos hapagkainan sa naganap.