Chapter 16

1507 Words
Ang pagbagsak ni Liana sa malamig na simento ay naglikha ng makapal na usok. Nakapagtatakang hindi siya nakaramdam ng sakit mula sa pagkakalagapak ng kanyang katawan sa lupa. Nilingon ni Liana ang paligid at nakita niya sa kanyang harapan ang isang malaking gusali na napapalibutan ng mga halaman at puno. "bakit dito ako dinala ng diyosa?"nagtatakang tanong ni Liana habang tinatanaw ang gusali. Ang malaking gate ay bumukas kaya hindi na nag aksaya pa ng oras si Liana at naglakad na ito papasok. Tumambad sa kanya ang mga tao na pareho ng mga kasuotan. "wanna go somewhere?"wika ng isang babae sa kasama nito. "let's go shopping tapos punta na tayong club to unwind after a hell week!"nagtawanan ang dalawa habang palabas ng gate at pasalubong sa kanya. Napasinghap si Liana ng tumagos sa katawan niya ang dalawa. Gulat na nilingon niya pa ang dalawa na naglalakad palayo. "hindi nila ako nakikita?" Nagpatuloy sa paglalakad si Liana hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar na may lawa at malaking puno. "sino ka?"napaatras si Liana nang humarang sa kanyang harapan ang isang maliit na nilalang. May pakpak ito at kasing laki lamang ng alitaptap. "nakikita mo ako?"kumunot ang noo ng nilalang sa inasta ni Liana. "hindi ba dapat kita makikita? Pwes ay hindi umubra ang iyong kapangyarihan."ingos nito. "hindi sa ganoon, nais ko lamang hanapin ang isang nilalang dito."tinignan siya nito sa kanyang inusal. "at sino naman ang hinahanap mo?"masungit na baling nito sa kanya. Gustong matawa ni Liana sapagkat natutuwa siyang pagmasdan ang nilalang na ito, matapang at hindi natatakot sa kabila ng liit nito. "si Aoife.."napansin ni Liana ang takot sa mukha nito nang banggitin niya ang ngalang iyon. "nababaliw ka na ba? Nais mong mapaslang?"hindi nakahuma si Liana sa mga sinabi nito. "bakit? Masama bang diwata si Aoife?" "paano mo nalamang diwata si Aoife? Sino ka?!"nakita ni Liana kung paanong naging kulay berde ang mata ng kausap. "nais ko lamang siyang makita may mali ba sa aking sinabi?"umirap sa kanya ang maliit na nilalang. "si Aoife ang nagbabantay sa lugar na ito, maraming natatakot sa kanya 'pagkat siya ay isang diwata na may paninindigan sa mga ginagawa at responsable sa mga katulad namin, inaalagaan niya ang kalikasan para sa mga kagaya namin laban sa mga tao, kaya sino ka at anong kailangan mo sa diwata?"napaatras si Liana nang maglabas ito ng mga nakakalasong bulaklak. "Lily.."isang malamyos na tinig ang nagpatigil sa tangka nitong pagsugod kay Liana. "A-Aoife.."natatakot na itinago nito ang mga nakakalasong bulaklak. Isang napakagandang babae ang bumugad kay Liana na lumabas mula sa malaking puno. Ang damit nito ay kulay berde katulad ng mga mata nito, ang buhok ay itim na itim na kulot hanggang beywang at ang balingkinitan na katawan ay nababalot ng berdeng tela. May bulaklak din ito na nakalagay sa ulo nito at tila korona. Nang tapunan siya nito ng tingin ay hindi nakagalaw si Liana. "anong ginagawa ng isang diyosa sa isang eskwelahan?"tanong nito. "d-diyosa?!"tila gulat na bumaling sa kanya ang maliit na nilalang na tinawag na Lily ni Aoife. Ngumiti si Liana sa tinuran ng diwatang si Aoife. "tunay ngang makapangyarihan ka diwata sapagkat nalaman mo agad na isa akong diyosa."si Liana. "ano ang pakay mo sa akin?"muling tanong ng diwata. Huminga ng malalim si Liana bago nagsalita. "nais kong sumama ka sa akin.."tumaas ang kilay nito sa narinig. "at bakit ako sasama sa iyo?" "kailangan mong sumama sa akin sa aking mundo, hindi ko alam ang dahilan ngunit iyon ang kailangan kong gawin."si Liana. "isang sunod sunurang diyosa.."komento nito na nagbigay ng hindi magandang impresyon kay Liana. "hindi ako sumusunod sa kahit na sino ang nais ko lamang ay maging maayos at balanse ang mga ginagalawang mundo natin."tumawa ng pagak ang diwata. "ang mundo mo na sinira ng kapwa mo diyosa? Ang mundo mo lamang ang walang balanse."wika nito. "balanse ba ang mundong ito? Kaya ba walang kapayapaan sa lugar na ito at ang mga tao ay sinisira ang kalikasan at kayo naman ay gumaganti iyon ba ang sinasabi mong balanse?"si Liana. Tumalim ang tingin ng diwata sa mga salita ni Liana. "kung iyan ang nakarating sa inyo ay mas dapat mo akong hayaan dito, kung aalis ako ay wala nang magbabantay sa lugar na ito."matigas na wika ng diwata. "maari mong kunin ang kaluluwa ng iba Aoife upang may magbantay."si Lily. "ang isang kaluluwa ay isang oras lamang ang kayang itagal upang maitago ang lugar na ito sa mga mapagsamantalang nilalang."si Aoife. "bakit kumukuha ka ng kaluluwa?"nagtatakang tanong ni Liana. Ngumisi sa kanya si Aoife. "iyon ang pinakamahalaga sa mundong ito mahal na diyosa, ang kaluluwa ng isang tao."sambit nito. "kung gayon ay kunin mo ang aking buhay--" Umiling si Aoife kay Liana na para bang kalokohan ang sinasabi nito. "hindi buhay ang mahalaga sa mundo mo mahal na diyosa kaya hindi iyon ang kukunin ko."kumunot ang noo ni Liana sa sinabi nito. "kung ganoon ay ano?" "ang iyong alaala.." Hindi kaagad nakapagsalita si Liana sa sinambit ng diwatang si Aoife. Ngumisi ito sa kanya at marahang naglakad palapit sa kanya. "ano ang kaya mong isakripisyo mahal na diyosa?"bulong nito. "ang iyong buhay ay maaring maibalik ng pagiging diyosa mo ngunit ang iyong alaala ay hindi, 'pagkat mahirap hanapin ang bagay na hindi mo alam na nawawala na pala.."nang lumayo ito kay Liana ay pinagmasdan siya nito ng seryoso at tila sinusuri siya. Pumikit si Liana at nakagat ang ibabang labi bago muling nag angat ng ulo at sinalubong ang tingin ni Aoife. "kunin mo ang dapat mong kuhain sa akin nang sa ganoon ay makaalis na tayo."ang matigas na salita nito na tila walang makababali ay nagpataas ng kilay ng diwata. Isang matapang na diyosa o isang hangal? "hindi ko kukunin ang lahat ng iyong alaala, ang kukunin ko lamang ay ang pinakamasaya at pinakamasakit.."wika ni Aoife na tinanguan naman ni Liana. Pumikit si Aoife at hinawakan ang ulo ni Liana. Ang mga halaman mula sa paa ni Liana ay gumapang sa kanyang katawan paakyat sa kanyang dibdib. "patawarin mo ako sa aking gagawin mahal kong prinsipe.."bulong ni Liana na siyang narinig ng diwata. Malungkot na pinagmasdan nito ang nakapikit na si Liana sapagkat habang binubura nito ang mga alaala ng huli ay napupunta ito sa kanyang alaala. Umiiyak na yumuko si Aoife habang kinukuha ang mga alaalang iyon kay Liana. "sa muli mong pagmulat ay isa ka nang ganap na diyosa, bilang lahi at bilang responsibilidad."ani ng diwata. Bumagsak si Liana na agad namang sinalo ng mga ugat na para bang inaasahan na nito ang mangyayari. "Lily kunin mo.."naglahad ng palad si Aoife at inilahad nito kay Lily ang umiilaw na bagay. "ang ganda! Iba iba ang kulay ng ilaw na ito Aoife!"manghang bulalas nito. "ito ang damdamin at alaala ng diyosa Lily, bantayan mo at huwag mong hayaang mawalan ito ng liwanag habang ako ay wala."bilin nito. "mawalan ng liwanag? Bakit nawawala ba ang liwanag nito?"marahang tumango si Aoife dito. "may sumpa ang diyosa Lily at hindi maganda kung mawawala ang liwanag na iyan dahil iyan ang simbolo ng kanyang pagtanggap sa sumpang iginawad sa kanya."napanganga si Lily sa mga narinig. "s-sumpa? Sinong nilalang ang magsusumpa sa isang diyosa?!" "ang kapwa niya diyosa kaya ingatan mo ito, at ito pa."muli ay naglabas ng isang bulaklak si Aoife. "ang kinuha ko mula sa kanya upang maitago ang ating lugar."kumikislap ang bulaklak na kulay kahel. Ang kaluluwa ng kanyang mata, kahel. Nang magising si Liana ay naabutan niyang nakaupo si Aoife sa lilim ng puno at katabi siya. "a-anong nangyari?"tanong ni Liana dito. Bumaling ito sa kanya at tumayo na. "kailangan na nating umalis bago pa magtakip silim."hindi na nagawa pang magtanong ni Liana sa sinabi ni Aoife. Bumangon siya at sumunod na dito. Nang iabot ni Aoife ang kamay kay Liana ay nagtatakang napatingin ang huli dito. "hawakan mo ako nang maisama mo ako sa kung saan ka pupunta."tumango na si Liana at sinunod iyon. Pumikit si Liana habang hawak ang kamay ni Aoife. Sa Imana. Nang magmulat nang mata si Liana ay nasa lupain na siyang muli ng Imana. "halika na.."hila niya kay Aoife na tumitingin pa sa kapaligiran. "Kailangan nating pumunta sa kaharian ng Imana."wika ni Liana. Nang tumambad na sila sa kaharian ng Imana ay natigilan si Aoife. Napayuko siya sa lupa at maging sa mga bulaklak na nakapaligid sa palasyo. "Liana.."pagtawag niya. "bakit?"si Liana na humarap dito ng may pagtataka lalo pa at nakita niya ang takot sa mukha nito. "naamoy ko ang dugo sa lugar na 'yan, ayokong tumuloy sapagkat may nanganganib, ang mga halaman ko ay sabik sa dugo ng nilalang na ito sapagkat isa itong hayop na kaugnay sa aming nangangalaga ng kalikasan."hindi nakapagsalita si Liana sa narinig. "Liana patawad ngunit dito lamang ako."patuloy nito. "ngunit--" "ayokong kunin ang katawan ng babaeng iyon Liana sapagkat kung gagawin ko iyon ay hindi maganda ang gagawin sa akin ng bampira."tila natauhan si Liana sa narinig. Hanish! Accalia! "kung ganoon ay maiwan na muna kita."si Liana at lumipad na patungo sa isang bintana na alam niyang silid ni Hanish. Nang magtama ang mata nila ni Hanish ay gulat at saya ang nabasa niya sa mukha nito. Tinignan niya ang nakahigang katawan at nagimbal sa duguan nitong itsura. "T-Tulungan mo siya Liana!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD