TUMAGAL pa sila Sam at Polla sa bakasyon nila sa resort nang isa pang araw kaya tatlong-araw silang naglagi doon at talagang sinulit nila iyon. Hindi na nila nakita ulit si Janella matapos nilang iwanan mag-asawa mag-isa sa swimming pool kaya walang naging asungot sa masaya nilang pamamalagi sa resort na iyon. Matapos ang ikatlong-araw ay naisipan na nilang umuwi at pagkauwi nila sa rest-house ni Mr. Agaton, ay sumalubong sa kanila si Janella na nasa sala at talagang nakataas pa ang kilay na napatingin sa kanila. Nakadama na naman ng inis si Sam nang makita si Janella. Hindi pa niya nakakalimutan ang sinabi nito sa asawa niya na dahilan para masaktan ang asawa. Tama bang gumawa si Janella ng kwento sa asawa niya? Mabuti na lang sinabi iyon ni Polla sa kaniya at hindi ito naglihim. T

