NAGLUTO ng hapunan si Polla habang si Sam naman ay nakaupo sa upuan sa kusina sa harap ng lamesa at nag-aantay na matapos niya ang niluluto. Wala pa silang kasambahay at tanging care taker lang ang nangangalaga ng bahay at dalawang guwardiya sa gate dahil wala pa namang naninirahan doon kaya hindi pa kumuha si Sam ng kasambahay. Pero nagpaplano na rin ito lalo pa at doon na sila titira kaya pinag-usapan nila kanina matapos ng ilang beses nilang pagtatalik na kumuha ng kasambahay at saka naisipan ni Polla na magluto ng ulam na paborito ng asawa para sa hapunan nila. Masayang-masaya na si Polla pero hindi niya akalain na may mas ikakasaya pa pala siya dahil sa bahay na ito na pinatayo ng asawa para sa kanila na matagal na pa lang natapos at hindi nila nagawang tirhan kaagad dahil sa pag-a

