"KUMUSTA ka naman, babae ka? Ang tagal mong hindi nagparamda, ah? Pinag-alala mo ako! Alam mo ba iyon? Akala ko, may ginawa na sa'yong masama ang gago mong asawa," may himig inis ang boses ni Emerald nang sagutin ni Polla ang tawag nito. Ilang beses na pa lang tumatawag sa kaniya ang pinsan at hindi niya iyon naririnig dahil naka-silent ang cell phone niya at kahit ang mga text nito, na marami na rin ay hindi niya na-reply-an. Nawalan na kasi siya ng oras tignan ang nakatago niyang cellphone dahil nakatutok lang sila sa isa't-isa ni Sam. Sa muling pagbabalik nila ni Sam ng Maynila at mayroon na silang masasabing tahanan mag-asawa ay parang kung umasta silang dalawa ay bagong kasal at nag-honeymoon. Walang ibang iniisip kundi ang isa’t-isa at paulit-ulit na nagtatalik sa buong bahay. Ma

