SUMAKAY sina Sam at Polla ng tricycle para makarating sa inuupahan ni Polla at doon na sila tuluyang makapagpahinga. At sa isang maliit na bahay huminto ang tricycle, walang gate at sa harap ng pinto ng bahay huminto mismo ang tricycle na sinasakyan nila. Nang makalabas si Sam ng tricycle ay kaagad na napatingin siya sa mga tabi-tabing mga bahay at may mga nag-iingayan pang nag-iinuman sa hindi kalayuang tindahan sa bahay ni Polla. Jealousy glass ang dalawang bintana na medyo maitim na ang kulay at ang kahoy na pinto ay kupas na ang pinturang kulay light blue. Lumapit si Polla sa pinto matapos makapagbayad sa driver ng tricycle at sinusi ito para bumukas saka may kinapa sa loob ng bahay at bumukas ang kulay dilaw na ilaw. "Pasok na tayo," aya sa kaniya ng asawa. Hinawakan siya ni Polla

