Chapter 49

2524 Words

MAGKAHAWAK-kamay na lumabas sina Sam at Polla sa VIP room na iyon. Nakangiti na sila pareho at may saya na ang mga mata nila. Lumapit sa kanila ang Doktor nila na may ngiti rin sa labi. "Ayos na ba kayo?" tanong sa kanila ng Doktora. "Ayos na. Hinding-hindi na kami maghihiwalay at wala ng makakapag-hiwalay sa amin," tugon ni Sam na ikinangiti naman ni Polla. Hindi talaga inaasahan ni Polla na magkakaayos at magkakabalikan pa sila ng asawa. Akala niya tapos na sa kanila ang lahat at wala ng pag-asa pero heto ngayon sila at nagkabalikan dahil hindi siya sinukuan ni Sam at nakaya nitong ipagpalit ang lahat para lang sa kaniya. Tama si Sam, na mas higit ang pagmamahal nito sa kaniya kaysa sa pagmamahal niya rito. Dahil kahit kailan, ay hindi siya nagawang sukuan nito na hindi katulad niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD