"M-MIGO!" natataranta na niyang sigaw at napaatras si Polla. "No! This is just a dream! This is just a bad dream like always!" sigaw ng isip niya. Nanginginig na ang buong katawan ni Polla at pinagpapawisan na siya kahit naka-aircon naman sa kwartong iyon. "He's not here. Why are you calling his name?" tugon sa kaniya ng kaharap. "Y-You're not true. This is just my nightmare," nanginginig na sabi niya. Nakita niya na nagtaka ito at palapit sana sa kaniya pero napasigaw siya at napaupo sa sahig saka tinakpan ang mukha. "P-please wake up! Wake up!" aniya na tumutulo na ang luha. "Polla," tawag nito sa kaniya na rinig na rinig niya kaya mas lalo siyang natakot at hindi na alam ang gagawin. "You're not true. You're not true!" paulit-ulit niyang sabi. Nagulat si Polla nang may humawak

