Naramdaman niyang hinawakan ang kamay ni Polla ng Doktor na kaharap niya kaya napamulat siya ng mga mata at emosyonal na napatingin dito. "Kung hindi mo pa kaya ay huwag mong pilitin ang sarili mo. Pero gawin mo iyan dahil mas makakabuti na may closure kayo nang maayos mag-asawa bago kayo tuluyang maghiwalay," nakakaintinding sabi sa kaniya ni Doc. Helivan. Napabuntonghininga si Polla. "Kailangan ko po munang ihanda ang sarili ko. Baka kasi sumumpong na naman ang panic attack ko at manikip na naman ang dibdib ko kapag hinarap ko siya saka baka hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin at imbes maging maganda ang pag-uusap namin ay mauwi lang sa puro samaan ng loob," aniya. Ngumiti si Doc. Helivan sa kaniya. "Good. Sa ngayon ay habang nandito ka ay ipagpatuloy natin ang theraphy mo

