Chapter 46

2460 Words

MALAKAS na napasigaw si Polla at napabalikwas ng bangon sa kamang kinahihigaan niya. Isa na namang masamang panaginip ang dumalaw sa kaniya at katulad nang mga naunang panaginip niya ay si Sam na naman iyon na galit na galit sa kaniya at gusto siyang saktan pero mas higit ngayon dahil may patalim na itong isasaksak sa katawan niya na parang gusto na talaga nitong tapusin ang buhay niya. Pawis na pawis si Polla at may mga luha ang mga mata niya. Mabilis ang pagkabog ng dibdib at sobra ang takot na nadarama niya. Napahagulgol na siya ng iyak. Paulit-ulit na lang ganoon si Polla simula nang naghiwalay sila ni Sam at kapag nagigising siya sa masamang panaginip na ang laging laman niyon ay si Sam ay kumakabog ng mabilis ang dibdib niya. Napatingin si Polla sa tumutunog ng cell phone niya ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD