MAAGANG nagising si Polla dahil maagang umalis ang pinsan niyang si Emerald. Tinulungan niya si Emerald sa mga dadalhin nitong gamit at hinatid ang pinsan hanggang sa parking lot ng kotse sa hotel. Nang makaalis na si Emerald ay dumiretso na siya patungo sa malapit na restaurant at doon na nag-almusal.
Habang nag-aalmusal ay naramdaman ay narinig niya ang medyo malakas na boses na nag-uusap sa kabilang mesa. Dalawang boses ng babae ang naririnig niya na hindi na sana niya iintindihin kahit medyo malakas ang boses nila at nakakasira sa katahimikan ng restaurant.
"Nakasama mo kagabi iyong yummy guy na kasama mo sa bar?"
Narinig ni Polla na usapang sa kalapit na lamesa nakatalikod siya sa mga ito at hindi na rin niya nilingon pa. Wala naman siyang planong pakinggan ang pag-uusap ng dalawang babae kaso dahil malakas ang boses ay wala na siyang magawa kundi marinig ang usapan ng mga ito.
"Oo. Kaya lang after ng bar ay umalis na rin siya at hindi ko na nakita pa," tugon ng kausap nito.
"Sayang. So, walang nangyari sa inyo?" usisa pa rin ng unang nagtanong.
"Oo wala saka may asawa na pala iyon. Siya iyong waitress sa EMZ bar na nagdala pa talaga ng order namin,” tugon ng isa.
Doon ay napatingin si Polla sa nag-uusap na dalawang babae likod niya at nakita niya na nanlaki mata ng isa sa babae. Ang tinutukoy kasing bar ng isang babae ay ang bar na pag-aari ni Emerald at naghinala na kaagad si Polla sa lalaking tinutukoy nito na may asawang waitress sa bar na pinuntahan ng mga ito.
Mukhang nakilala rin siya ng babae dahil sa panglalaki ng mga mata nito nang mapansin ang paglingon niya.
"Oh my God! Siya 'yong asawa!” bulalas ng isang babae at tinuro pa siya nito.
Ang babaeng iyon ang kasama kagabi ng magaling niyang asawa.
“Sa kamalas-malasan nga naman! Nagkita pa talaga kami ng kalandian ng asawa ko sa restaurant na ito!” inis na sabi ng isip niya.
"That girl? She's not that pretty,” komento ng kasama nito at mingos pa sa kaniya.
“Wow!” bulong na sabi niya at inalis na ang tingin sa mga ito.
Hindi na niya iintindihin ang mga ito dahil wala naman siyang pakealam sa magaling niyang asawa.
"Yeah right,” ayon ng isa na mas nilakasan pa ang boses at mukhang nanadya na iparinig sa kaniya ang sinasabi. “Kaya siguro nangbababae ang asawa niya dahil hindi siya kagandahan!" dagdag pa nito na nagpakulo ng dugo niya.
Hindi na sana papansinin pa ni Polla ang dalawang babaeng iyon kaya lang ngayon ay hindi lang pagkulo ng dugo ang nararamdaman niya kundi ay nagpanting ang tenga niya sa huling sinabi nito kaya tumayo na siya at nilapitan ang dalawang babae.
Nakita ang gulat at kaba sa mukha ng dalawang babae nang buong tapang niyang harapin ang mga ito at hindi na nakapag-usap pa ang mga ito na kanina ay ang tapang na iparinig sa kaniya ang mga sinasabi ng mga ito.
"May problema ba kayo sa akin?" mahinahon na tanong niya.
Hindi nakapagsalita ang dalawa at mukhang nasindak na ang mga ito. Marahil dahil sa matiim. Tinignan niya ang isang babae at ang babaeng iyon ay ang kasama ni Sam kagabi sa bar ng pinsan niya.
"Ikaw?" Tinuro ang babaeng kasama ng asawa niya kagabi. "May narinig ka ba sa akin na masama tungkol sa’yo kagabi nang makita ko kayo ng asawa ko?" tanong niya rito.
"W-wala,” nauutal na tugon nito sa kaniya.
"Wala pala, eh, pero bakit ngayon ay masasama ang naririnig ko mula diyan sa bibig mo?" Hindi na naman ito nakapagsalita. "Hindi kita pinakialaman kagabi kaya 'wag mo rin akong pakikialaman!" may diin at banta niyang sabi sa babae.
Dahil wala naman nang naging tugon ang dalawang babae ay tinalikuran na niya ang mga ito at dahil nawalan na siya ng ganang tapusin ang pagkain ay napagdesisyunan na lang niyang lumabas ng restaurant.
"Ang aga-aga nababadtrip ako!" inis na sabi niya sa sarili.
Nag-inhale exhale siya at pinakiramdaman ang sarap ng malamig na hangin sa paligid saka pinakalma ang sarili.
"Chill ka lang, Polla, 'wag mong hayaan sirain ng iba ang araw mo." Inihilamos niya ang kamay sa mukha at ngumiti na. "Hay! Ang saya ng buhay!" bulalas niya.
Bago pa bumalik sa kwarto niya si Polla ay pumunta muna siya sa isang fast-food chain at bumili ng pagkaing pananghalian niya. May trabaho pa siyang tatapusin kaya doon na muna siya sa kwarto maglalagi at magiging abala na siya masiyado kaya mabuting bumili na siya ng pananghalian niya para hindi na siya tatawag sa telepono para umorder ng pagkain o hindi kaya ay lalabas pa para kumain sa restaurant o fast-food chain. Masyado ng nakakaabala iyon lalo pa at magiging abala siya sa sinusulat buong maghapon.
Nakaplano na ang buong maghapon kay Polla kaya habang naglalakad siya sa hallway patungo sa kwarto niya at nang malapit na siya sa kwartong inuokopa ay sakto namang bumukas ang pinto sa harapan ng kwarto niya.
"Good morning, candy,” bati ng taong nagbukas ng pinto sa harap ng kwarto niya na may magandang salubong ng ngiti sa kaniya.
Napatitig siya sa nilalang na bumati na naka-cargo short at T-shirt na black. Napakagwapo nito sa simpleng suot kahit pa gulo-gulo ang buhok nito. Nakangiti sa kaniya at kitang-kita ang pantay at puti nitong ngipin, nakakaakit din ang mapupulang labi na parang ang sarap halikan sa umaga at dumagdag pa sa gandang lalake nito ang matangos nitong ilong at matang kulay blue na malamlam din ang titig sa kaniya.
"My sweet candy, are you drooling?" untag nito sa kanya.
Doon natauhan si Polla sa pagkakatitig sa lalaking kaharap saka inirapan pa ito. Humarap na siya sa kwarto at kaagad na ginamit ang key card para buksan ang pinto. Nang magbukas ang pinto ay mabilis siyang pumasok sa kwarto pero hindi pa niya naisasara ang pinto ay mabilis din nakapasok ang lalaking iyon at mabilis kinuha ang take-out niyang pagkain pati ang coffee na iniinom niya ay hindi nito pinalampas.
"Hoy, Sam! Ano ba akin 'yan, eh!" sigaw niya rito.
Ang lalaking umuokopa sa kwartong nasa harap pa talaga ng kwartong inookopa niya ay ang magaling niyang asawa na hanggang ngayon pala ay nandito pa sa beach resort na ito at mukhang sa umagang ito ay guguluhin siya.
Nginisian lang siya ni Sam at ininom ang kape. "Black coffee? Sana 'yong brown binili mo!" reklamo nito sa kaniya.
"Wow! Hiyang-hiya naman ako sa’yo, 'no!” inis na tugon niya. “Sorry po, Sir, hindi ko kasi alam na kukuhanin mo ang kape ko at iinumin."
Sumalampak na si Sam ng upo sa kama niya at binuksan ang take-out na pagkain niya para sana sa tanghalian.
"Akin 'yan, eh. Pananghalian ko iyan!" reklamo na naman niya pero asa pa siyang pakikinggan ni Sam ang reklamo niya.
"Sabay na tayo mag-lunch mamaya sa labas," tugon nito.
"Ayoko nga! Marami akong tatapusin na trabaho ngayong araw kaya nga nag-take out ako, eh,” inis na tugon niya.
"Sige, pa-deliver na lang tayo ng food sa kwarto mo for lunch," anito.
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa asawa."Wait, don't tell me you'll stay here?"
"So, I won't tell,” kaagad na tugon sa kaniya ni Sam, na lalong ikinairita niya.
"Ano ba? Seryoso ako!" iritado niyang sabi rito.
"Do I look kidding? I'm not even smiling," pilosopong tugon sa kaniya ni Sam.
"Sam, please! 'Wag mo akong guguluhin ngayon kasi may trabaho akong dapat asikasuhin at kailangan ko nang gawin iyon!” may iritasyong pakiusap niya sa asawa.
"No, I'm not. I'm just sitting here,” balewalang tugon nito.
Lalo lang nag-iinit ang ulo niya kay Sam at ang magaling niyang asawa ay hindi man lang makaramdam na gusto niya itong umalis sa kwarto niya. Talagang ipipilit na doon lang ito sa harap niya.
"Will you, please, leave me alone!" inis na niyang harasang taboy sa asawa.
"I'm not done eating,” anito at sumubo pa ng kanin at ulam mula sa take-out niyang pagkain.
"Dalhin mo na 'yan sa room mo. Doon ka na kumain,” aniya.
"I wan't here."
Nanggigil siyang napakuyom ng kamao at pakiramdam niya ay uusok na ang ilong niya sa sobrang pagka-bwiset sa magaling niyang asawa.
Kahit kailan talaga ay peste sa buhay niya ang lalaking ito. Kung umasta parang walang nagawang malaking pagkakamali. Bakit ba kasi sa lahat na lang ng lugar ay nagkakatagpo sila?
Bago magdilim ang paningin niya at tuluyang sumabog siya sa galit ay bumuntonghininga na muna siya at patuloy na pinakahinahon ang sarili para na rin maiwasang makipag-away sa asawa at masira lalo ang umaga niya. Alam din naman niyang wala rin mangyayari kung makikipag-away pa siya kay Sam kaya mas mabuting magpakahinahon sa ganitong pagkakataon.
"Ano bang ginagawa mo rito?" mahinahon na niyang tanong kay Sam.
"Bussiness client," tipid nitong tugon.
"Talaga? Sa dinami-dami ng lugar ay dito pa talaga kayo nagkita?" sarkastikong tanong niya.
"Oo. Bakit feeling mo sinusundan kita?” balik na tanong sa kaniya ni Sam at pinagtaasan pa siya ng kilay.
"Hayop! Bakit gwapo pa rin niya kahit pinagtataasan siya nito ng kilay? At hindi ito nagmukhang bakla,” inis na sabi ng isip niya.
"Hindi! Bakit ko naman iisipin 'yon. Nagtatanong lang ako, hindi ba p’wede 'yon? Eh, palagi ka kasing nakakaperwisyo sa pananahimik ko!” inis na niyang tugon sa asawa para maalis ang paghanga sa kagwapuhan ng asawa kahit pa pinagtaasan siya nito ng kilay.
Pero mukhang maling galaw ang ginawa at ang sinabi niya dahil doon ay mukhang nairita na ang asawa at nagsalubong na ang makapal nitong kilay.
"Really? Baka gusto mong ipaalala ko sa’yo na, I'm still your husband. Isa pa, kaninong pera ba ang ginagasta mo sa paggagala mo—“
"Fine! Fine!" putol na niya sa sasabihin ni Sam.
Alam na ni Polla kung saan patungo ang usapan na ito at ayaw na niyang humantong pa doon iyon. Mabuti na lang ay tumahimik si Sam at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.
Kinuha niya ang bag at inilagay doon ang laptop saka inayos ang ilang gamit na gagamitin sa trabaho at iniisa-isang inilagay sa bag.
"Sige. Kung gusto mong malagi rito ay hahayaan na lang kita na dumito muna. Lalabas na lang ako at mamaya na ako babalik,” paalam niya kay Sam saka inilagay sa balikat ang bag na may lamang laptop at iba pang gamit sa trabaho.
Nangunot kaagad ang noo ni Sam sa sinabi niya."Where are you going?" takang tanong nito.
"Basta,” tugon niya. “Aalis na ako at may tatapusin pa akong trabaho.”
"No! You're staying here with me!” matigas na sabi ni Sam at tumayo na ito sa kamang kinauupuan.
"Sam, please, I'm busy—“
"I said you're staying here with me!" iritadong sigaw na nito.
"Bwisit!"
Inilapag na ni Polla ang bag saka binuksan ang bag at kinuha ang laptop sa loob saka inayos sa mesa niya doon. Kahit gusto niyang umalis para hindi magulo ni Sam ay wala siyang magawa kundi sundin ito dahil alam din naman niyang hindi siya makakalabas sa kwartong ito kapag ayaw ng magaling niyang asawa.
"Good girl!" nakangiting sabi nito.
"Hayop ka!" inis na ganti niya sa asawa na ikinangisi lang nito.
Ipinagpatuloy na ni Sam ang pagkain habang siya ay muling inayos ang mga gamit para sa trabaho at umupo sa kama kaharap ng center table na pinagpatungan niya ng laptop at pinilit na lang ang sarili na magtrabaho kahit nandiyan pa ang asawa.
Matapos kumain ni Sam ay tumungo ito sa banyo pero hindi rin naman nagtagal ay lumabas. Nagulat pa si Polla nang lapitan siya ni Sam at bigla na lang siyang yakapin at halikan nang maalab sa labi.
"S-Sam wait!" pigil niya sa asawa nang magawa niyang itulak at maghiwalay ang mga labi nila.
Pero nasakop na naman ni Sam muli ang labi niya at naihiga siya nito sa kama. Kahit pa galit si Polla sa asawa sa panloloko nito sa kaniya ay sa tuwing magkikita sila sa lugar na pinupuntahan at nagkakasalubong ang landas nila ay hindi talaga maiiwasang hindi siya angkinin ni Sam. Pagpapanggap lang ang kasal nila pero ginagawa pa rin nila ang gawaing mag-asawa at isa na do'n ang pagtatalik na parehas naman nilang gusto.
Pero sa ngayon dahil may trabaho siyang dapat asikasuhin at may inis pa rin sa asawa sa harapang pangbababae nito kagabi ay wala siya sa mood makipagtalik dito at ayaw niya itong pagbigyan ngayon.
Naramdaman ni Polla na bumaba na ang labi ni Sam sa leeg niya pero panay pa rin ang tulak niya sa asawa para pigilan ito sa nais gawin.
"Sam, ano ba? Sinabi ko ka sa’yo na marami akong trabaho, eh!” inis na sigaw niya saka malakas niya itong tinulak na napagtagumpayan naman niya at nahiwalay ito sa pagkakayakap sa katawan niya.
"Bullshit, Polla! 'Wag mo naman akong bitinin nang ganito!" reklamo ni Sam sa kaniya.
"Bakit sa akin mo ilalabas 'yang init ng katawan mo at hindi doon sa babae mo kagabi? Bubukaka 'agad sa’yo 'yon kaya sa kaniya ka na lang makipagtalik!” iritado niyang tugon sa asawa.
"Ayoko sa kaniya. Isa pa, asawa kita responsibilidad mo iyon!" diin nito.
"Wow! Big word, responsibilidad?” nakataas ang kilay na bulalas niya. “Ako mayroong dapat ganoon tapos ikaw wala? Nangbababae ka na nga ‘tapos gusto mo pang makipag-s*x sa akin? Eh, ano pa lang responsibilidad mo, ha, Sam?" sarkastikong tanong niya sa asawa.
"Polla—“
"Shut up, Sam! Ayokong makipag-s*x sa’yo, period! Busy ako kaya p’wede ba 'wag mo akong guluhin!" inis niyang sigaw.
"F*ck!" sigaw na rin ni Sam saka inis na tumayo at lumakad patungong pinto.
"Ikiskis mo 'yan sa pader kung talagang init na init ka na!" pahabol niya sa asawa.
Masama siyang tinapunan ni Sam ng tingin saka padabog na isinara ang pinto.
Napangiti naman si Polla sa ginawa niya sa asawa nang tuluyan na itong mawala sa paningin niya.
"Sarap talagang maging masama minsan lalo na sa may atraso sa’yo,” nakangising sabi niya sa sarili.
Napahagikgik pa si Polla at tuwang-tuwa na kahit sa maliit na bagay ay nakaganti siya sa asawa sa pangbababae nitong ginawa sa kaniya at sa pagkapahiya niya rin sa babae nito kagabi at kaninang umaga.
“Akala mo, Sam, lagi mo akong mapapapayag sa lahat ng gusto mo, ha!” aniya na may matagumpay na ngiti sa labi. “Tignan natin kung hindi manakit iyan puson mo!” Humagikgik na naman siya.
Dahil tinantanan na si Polla ni Sam at iniwan na siya nito ay nag-umpisa na siyang magtrabaho at nagpaka-abala sa araw na iyon. Nang magtanghalian na dahil kinain ni San ang binili niyang tanghalian ay nagpa-deliver na lang siya sa kwarto at nang dumating ang pagkaing in-order ay kaagad siyang kumain matapos niyon ay nagtrabaho muli.
Mabuti na lang talaga ay umalis na ang asawa niya dahil 'agad din niyang natapos ang trabaho kaya pagkahapon ay naggagayak na siya para tumungo sa bar ng pinsan at siya na muna mag-manage niyon dahil wala si Emerald at umuwi na muna sa probinsiya nila at habang wala ito ay siya ang inaasahan nito na mag-manage sa bar sa Batangas na may sahod din naman kaya may extra income siya maliban sa trabaho at allowance na ibinibigay ni Sam sa kaniya.
Kahit magpinsan naman sila kapag tumutulong siya sa bar ng pinsan ay sinasahuran siya nito na hindi na rin niya tinatanggihan dahil dagdag ipon na rin iyon at para hindi niya magastos masiyado ang allowance na inilalagay ni Sam sa bank account na ipinangalan nito sa kaniya.
"Salamat naman at hayahay na naman ako ng ilang araw. Maiintindi ko na ang gaganaping reunion namin dito," nakangiting sabi niya habang inaayos ang sarili sa salamin ng banyo.
Nang makontento si Polla sa ayos niya ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto at sakto namang bumukas din ang pinto ng kwartong kaharap niya at ang magaling niyang asawa ang sumalubong sa kaniya. Naka-polo-shirt ito na black at pantalon. Ayos na ayos si Sam sa hapon na ito at nang makita siya ay kaagad na sinimangutan siya nito na ikinangisi niya.
"Mukhang may lakad ang magaling kung asawa, ah? Enjoy," nang-iinis na sabi niya na hindi naman nito tinugunan at nauna nang lumakad paalis.
Pero dahil gusto pa ni Polla na inisin si Sam ay mabilis niya itong sinundan at hinila ang pulo kaya napurong ito paatras.
"F*ck!" bulalas ni Sam sa gulat nang ginawa niya at muntikan pa itong mawalan ng balance mabuti ay hindi ito natumba.
Mabilis na tumakbo patungo sa elevator si Polla para hindi siya nito maabutan at magantihan lalo pa at mukhang galit na talaga ito sa ginawa niya.
"Polla!" galit na tawag ni Sam sa kaniya.
Mabilis niyang pinindot ang elevator at nang bumukas iyon ay kaagad siyang pumasok. Nakita pa niyang inayos ni Sam ang damit dahil nagulo pala niya at medyo nagusot kaya pinindot na niya ang elevator pasara na sinadya niyang gawin para hindi niya makasama si Sam sa elevator at nanlaki ang mata ng asawa sa ginawa niya at nagmamadali na itong naglakad palapit sa elevator pero hindi niya pinindot ang button na magpipigil sa pagsara ng pinto at binigyan ng ngisi ang asawang nagmamadaling lumapit.
"Bye,” nang-aasar ang tonong paalam niya kay Sam at dinilaan pa niya ito saka nag-wave sa kamay.
“Bullsh*t!" narinig pa niyang ilang beses na tungayaw ni Sam bago tuluyang nagsara ang elevator.
Tawa naman siya nang tawa sa kalokohang ginawa sa asawa.
"Nakakatawa ang itsura niya!" sabi ni Polla sa sarili habang tumatawa mag-isa sa elevator hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator at sa ganoong itsura siya nakita ng mga taong nag-aabang sa first floor.
Halos maiiyak-iyak pa siya sa kakatawa kaya kita sa mga ito ang pagkagulat na dahilan para mapahinto siya sa pagtawa at napayukong lumabas ng elevator para hindi magmukhang nababaliw sa mga ito subalit nang tuluyan siyang makalabas at naglalakad na sa hallway ay bumalik ulit ang malapad na ngiti niya sa labi.
Walang makakaalis sa sayang nadarama ni Polla kahit pa nagmukha siyang baliw sa kakatawang mag-isa kanina sa mga tao dahil nagawa niyang inisin ang asawa at sa maliit na bagay ay nakaganti siya.