Maingat na pinangko ni Hades ang walang malay na dalaga at ibinaba sa bathtub na puno ng maligamgam na tubig. Marahan niyang isinandal ang likod ng ulo nito sa gilid ng tub at idinampi ang bimpo sa malambot nitong balat. He was also in the bathtub with her. Nakaupo siya paharap dito at dahan-dahang nililinis ang katawan nito. Dumako sa maimpis na tiyan ni Proserpina ang kanyang mga mata, at kusang dumama roon ang isang palad niya. Kung sasabihin niya ritong ihinto na nito ang pag-inom ng pildoras, susundin kaya siya nito? Ipinilig niya ang ulo. He gritted his teeth because he wanted to have a baby with her, but he couldn’t. Masyadong mapanganib ang mundo nila. Pinairal na niya ang kasakiman niya nang angkinin niya ang dalaga. She wasn’t supposed to be part of his world… of his dangerous

