Nagsalubong ang mga kilay ni Hades nang paglabas niya ng board room kasama si Proserpina ay nakasalubong nila sa pasilyo si Leo. Pumasok din agad ito sa nakabukas nang elevator, pero bago iyon ay sumulyap pa muna ito sa dalagang kahawak-kamay niya. What business did he have to be on that floor of the building? Ang alam niya ay hindi ito sekretarya at hindi ito ipinatawag ng Manager nito. Nagtagis ang bagang niya at kinabig niya palapit si Proserpina. Nagulat din ito nang makita nito si Leo. “That bastard is testing my patience,” he grunted, pissed off, clenching his jaw. Gumuhit ang talim sa mga mata niya kahit na nakasara na ang pinto ng elevator. Pinisil ni Proserpina ang kamay niya upang pahupain ang tensiyon na gumapang sa kanyang mga kalamnan. Kinuha niya ang cellphone at tinawaga

