“I should have just slit his throat when I had the chance.” Matigas ang tono ng boses ni Hades at makikita ang nagpupuyos na kalupitan sa kanyang mga mata. Nasa sala mayor siya ng Mansiyon de Crassus at nakaupo sa grandiyosong sofa, nakadekwatro ang mga paa niya at nakatitig siya sa kawalan. Napapalibutan siya ng mga tapat na miyembro ng Kratos. Pero ang nakatayo pinakamalapit sa kanya ay ang Underboss at Consigliere. Hades was cloaked in funeral black outfit from head to toe, and he wore his ouroboros mask. Sa muli niyang pag-upo sa trono bilang Mafia Boss ng Kratos ay halos mayanig ang impiyernong ginagalawan ng mga kagaya nilang nabubuhay sa karahasan. His being ‘resurrected’ had gotten the attention of everyone in the underworld. Maging ang ibang miyembro ng Kratos at ang mga konektad

