Napaungol si Hades nang mag-isa na lang siya sa loob ng kanyang silid. Nasa Mansiyon de Crassus na uli siya. Walang nabago sa kanyang kuwarto. Ang sabi ni Morris ay araw-araw na nililinis ang silid niya, pero walang gamit na ginagalaw. Kung paano niya iniwan ang mga gamit niya ay ganoon pa rin ang mga iyon ngayong nagbalik na siya. He groaned and went to his bed. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang inaalis ang pagkakabutones ng kanyang damit na halos punitin na niya ang tela. Nang sa wakas ay mahubad na niya ang damit ay marahas niya iyong inihagis sa isang tabi. Pagkatapos ay ibinagsak niya padapa ang katawan sa ibabaw ng kama. Kumikirot ang mga sugat niya sa likod. Getting the hitmen to do their very first task for him wasn’t easy. Bago niya napapayag ang tatlo ay kailangan pa mun

