Inayos ko muna sa pagkakaupo si Jae na medyo nakaidlip na rin para kuhanin si Cathy at ilipat sa kwarto.
“Unahin mo muna si Cathy” napatingin ako kay Mika nang magsalita ito. Buhat na niya si Trinity, tumango na lang ako bilang sagot.
“Cathy…Wake up” tinatapik ko ang mukha nito upang malingat. When she open her eyes she immediately stands up naman sa pagkakaupo at naglakad kaya agad ko itong sinuportahan dahil pawengga-wengga ang lakad nito.
“Slowly…” bulong ko pang sabi. Nakapasok naman kami at kitang nasa harapan ng kwarto si Mika. Kaya tinaasan ko siya ng tingin.
“Is this her room?” pagtatanong pa niya.
“Yeah magkasama kami” sagot ko saka niya binuksan iyon.
Nagpatuloy naman kami sa paglalakad ni Cathy ang bigat ng babaeng ito.
Inayos ko ang pagkakahiga niya at saka ko siya kinumutan.
“Sleep tight” huling sabi ko kay Cathy and she just moan naman kaya umalis nako. Next will be Dale.
Ang sabi ko last time magpapakalasing na rin ako para hindi ako ang nagbubuhat sa kanila. In the end ako pa rin pala, at least I have Mika dahil baka kung ako lang mag-isa iwan ko ang boys sa labas dahil ko naman sila kayang buhatin.
Inalalayan ko naman si Dale at dinala sa loob kung nasaan ang kwarto nila ni Cathy. Hindi ko naman mabuhat sa taas ng double deck si Dale kaya itinabi ko na lang siya kay Cathy.
“Huwag kayo magsipaan ha?” biro ko pang sabi habang kinukumutan sila na akala mo ay naririnig nila.
Pinatay ko ang ilaw at chineck ko ang aircon kung tama lang ba ang lamig nito saka na ko umalis.
Pagkalabas ko ng balcony kitang si Jae na lang ang natira kaya nilapitan ko siya.
“Jae wake up…” I said while brushing his hair. Ang lambot mas malambot pa yata buhok neto kesa sa akin.
“Hmmm…” tanging sagot lang nito kaya natawa ako.
“Tayo na lipat kana sa loob” sabi ko kaya iminulat nito ang kanyang mga mata na mapupungay.
Itinaas naman nito ang dalawang kamay niya nagtaka akong tumingin sa kanya.
“Come here” his voice was so husky while saying it. Kaya inilapit ko ang upuan ko na akalang may sasabihin siya sa akin. Ngunit nagulat ako nang isang yakap ang tumanggap sa akin.
I startled at hindi nakagalaw. I push him dahil sobrang higpit ng yakap nito. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang nakayakap sa akin dahil hindi ko magawang tanggalin ang pagkakayakap nito sa akin.
Nakita ko na lang na lumapit si Mika sa amin at ikinalas ang pagkakayakap ni Jae sa akin. Kita kong seryoso ang tingin niya sa amin kaya tumayo ako para suportahan sa pagkakatayo si Jae.
“Ako na, just clean the table” matigas na pagkakasabi nito kaya sumunod naman ako at pumasok sa loob upang maghanap ng plastic bags para sa mga basura na nagkalat sa sahig.
Ipinasok ang mga gamit sa loob nagwalis na rin ako at inayos ang mga upuan para maayos na sa balcony.
Pumasok ako sa loob at chineck ang every room kung nandoon na ba lahat. Magkasama pala si Dawn and Viel sa kwarto so si Jae and Mika ang sa isa. Wow naman sana lang ay hindi sila mag-away.
Kumatok ako sa kwarto nila Mika, at mabilis naman niya itong binuksan. Kita kong tapos na itong nag-shower at mabango na amoy niya.
“Is everything okay?” tanong ko dahil kahit ako ay gusto ko na magpalit ng damit at magbihis.
Matagal muna niya akong tinignan sa mukha na para bang ineexamine niya ito kung paano magbago ang expression ko. Tumikhim ako at sabay na iniwas ang tingin.
“Yeah” sagot naman nito “are you going to sleep na?” nagkibit balikat na lang ako at sinarado na ang pinto nila.
I went to our room at kitang nakahiga na rin si Trinity sa kama sleeping pretty. Kumuha ako ng damit para makaligo at makapagpahinga na kung sakali.
I did my routine at fresh na dahil tapos nang nakaligo. Basa pa ang buhok ko at hindi ako nakapagdala ng blow dryer kaya nakapagpasiya ako na lumbas muna para magpatuyo ng buhok tutal ay hindi rin naman ako makatulog.
Gulat ako nang makitang nakaupo sa may balcony si Mika holding a can beer. Tumingin naman ito sa akin
“Can’t sleep?” tanong ko sa kanya saka kinuha ang isang upuan sa may gitna para itabi sa kanya.
“Nah ayoko lang matulog” saka ito uminom sa beer na hawak niya sinundan ko lang siya ng tingin.
“Kapag tuluyan kang nalasing hindi kita ililipat sa loob” biro kong sabi sa kanya at ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay sa buhok ko para matuyo na ito.
“Pero kapag si Jae you will noh?” muli akong lumingon sa kanya at tinaas ko ng isang kilay.
“I’m jealous” sabi nito na mas lalong nagpataas ng kilay ko.
“I don’t think so” mas lalo ko pang pang-aasar sa kanya saka tumingin na lang ng deretso to see the stars.
Kita kong humarap ito sa akin at seryoso ang tingin because I saw it from my peripheral view.
“I can’t even sit beside you” is he throwing a tantrum on me?
Napangiwi na lang ako. “Bat di mo kasi iwan si Trinity” hindi ko alam bakit bigla ko iyon nasabi kaya ibinalewala ko na lang dahil matagal ko na rin naman gustong sabihin iyon sa kanya.
“I can’t” mahinang sabi nito kaya napangisi ako.
“Pangalawang jowa ka talaga nun noh?” sabi ko pang sabi saka huminga ng malalim.
Seryoso pa rin itong nakatingin sa akin na may halong pagka-amazed.
“Are you jealos of her?” natatawang sagot nito na parang ngayon lang nag-sync in at nalaman.
Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot. Ang manhid. Dapat talaga si Jae na lang eh.