Magdadalawang oras na kaming naglalaro pero si Mika ay hindi pa rin natatapatan ng bote.
“Bakit parang hindi pantay ang lamesa kay Mika” napataas naman ako ng isang kilay nang biglang magsalita si Viel “umulit na tayong lahat pero siya hindi pa natutulduhan” ani nito.
“Oo nga noh?” dagdag pa ni Dawn sa kabilang banda.
Tumingin naman kaming lahat kay Mika and he’s just smirking.
“Masyado naman kayong curious sa buhay ko” saka pa ito mas lalong ngumisi. Trinity smack his arms naman.
Si Jae ay hindi kumikibo sa tabi ko. Medyo tipsy na ata siya dahil nakakailang cans of beer na rin kasi. Akala ko pa naman ay mapapainom namin siya ng alak na dala ni Viel.
“Are you sleepy?” bulong ko naman sa kanya, kaya humarap ito sa akin. Isang cute na ngiti lang isinagot niya sa akin saka siya umiling. Ah nakainom na nga.
Jae leans his head on my shoulder kita kong nahihirapan siya kaya inilapit ko ang upuan ko sa kanya para hindi siya mahirapan. Hindi pa naman siya nakaupo sadyang trip niya lang isandal sa balikat ko.
I saw some of us glances sa gawi namin saka sila ngumisi. Bahala na kayo maglagay malisya.
Ipinagpatuloy lang namin ang laro and the moment that we are waiting for came in. Tumapat na kay Mika ang bote. Dawn just whistle Viel is smirking also Jae na nakasandal pa rin ang ulo.
“Nice one” parang lahat kami ay nabuhayan nang mangyari iyon.
“Binulungan ko kasi ang bote sabi ko tumapat sayo” sabi pa ni Dale na kanyang katabi.
Lumingon naman ako sa gawi ni Mika and there I saw nakasandal na rin pala si Trinity sa balikat nito. Inabot ni Viel ang box kay Mika saka ito bumunot.
“Wow naman”
“Nice nice nice!”
Mula sa pagkakatulala ay muli akong lumingon kay Mika to know what are they yelling for.
And there I saw my name na siyang nakabunot.
“Pahirapan mo Danie” sabi naman ni Cathy na medyo lasing na rin.
Kinuha ko ang phone at nag-isip ng pwedeng itanong sa kanya.
Bakit parang ang hirap wala akong idea kung ano ba ang mga bagay na pwedeng magpahirap sa kanya.
Nag-type na ako ng pwedeng itanong dahil almost five minutes din akong nakatulala. Wala rin namang sense ang itatanong ko kaya I shrugged.
‘Out of all the boys in here who would you think will die first in a zombie apocalypse?’
Saka ko ito sinend at lumingon sa gawi niya to know what will his reaction. Kita kong ngumisi ito saka nag-type.
Nagulat ako ng biglang mag notif sa akin kaya binasa ko ito.
‘You’
Naguluhan naman ako sa reply niya.
‘I’m not on the choices Mikaela.’ Sagot ko naman sa kanya.
‘But my answer will always be you’
I’m not gonna lie nag blush ako nang mabasa ko ang reply niya kaya yumuko ako para hindi niya ito mapansin. Damn you Mika.
“Ang tagal naman Mika” reklamo ni Viel. Halos lahat na sa amin ay nakayuko na at wala na sa wisyo dahil nakainom na.
“Nasend mo na ba ang tanong Danie?” humarap sa akin si Cathy at kita ang kanyang mga matang mapupungay na.
I just nod at her.
Agad namang sumagot si Mika at itinuro ang katabi kong si Jae, kaya napangisi ako. Is he joking?
“Me?” umupo nang maayos si Jae to clearly ask kung siya ba talaga ang pinili ni Mika.
Mika just smirks at him.
“Viel give me some” kaya lumipat ang tingin ko kay Jae nang sabihin niya iyon.
Bigla naman umayos si Viel at kumuha nang alak muntik pa itong matapon dahil pati siya medyo lasing na. Hindi na nga kumikibo eh.
Nakamulat pa kaming lahat pero halos sa amin ay wala na sa wisyo. Tinungga naman ni Jae ang tatlong baso nito as I stare at him with an awe.
“Are you okay?” I rub his back dahil naubo ito. Kinuha ko ang tubig sa lamesa saka ito inalok sa kanya.
“Yeah, I’m okay send the question now” as he drinks the water that I have offered to him.
Ginawa ko naman ang sinabi niya at isinend ang tanong. Hindi na nga makagalaw iinom pa ng alak. Baliw talaga ito.
He’s just smirking habang binabasa ang chat na nisend ko sa kanya.
“You’re not sure” sabi pa nito saka lumingon sa gawi ni Mika.
The other one was just staring at him.
“Yes I am” ganti pa nito kaya tinaasan ko na nang kilay si Mika to say na huwag na itong patulan dahil nakainom na. Iniwas na lang niya ang tingin sa amin.
We stay for ilang minutes pa saka napagpasiyahan na pumasok na dahil lasing na ang mga kasama namin. Tanging kaming dalawa na lang ni Mika ang nasa wisyo kaya wala kaming ibang choice kung hindi ang magbuhat sa kanila.