CHAPTER TWENTY-EIGHT

894 Words
“Legit ba pre?” kahit si Viel ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Mika “Ang tagal” reklamo pa nito, at doon lang kami halos nagtawanan. “Grabe na ‘yang pagka-curious mo Miks” biro pa ng isa niyang kaibigan ngumisi lang ito saka tumingin sa akin. I’m not nervous though, iinom siya para lang malaman ang tanong bakit si Jae ang pinili ko? “Sana all curious” Cathy said saka inirapan si Dawn na kanyang katabi. “Kailangan ba talaga uminom niyan para malaman ang tanong?” napatingin kaming lahat kay Jae he’s smirking don’t tell me he’s thinking to have some drink too? “Oo, pre tagay ka rin ba?” sabi pa ni Viel sa kanya saka itinaas ang isang drinking glass at ibinigay ito kay Mika. Nakatingin kaming lahat sa kanya as he take the glass that Viel’s holding. Three glasses of that liquor he needs to drink para malaman ang tanong. Dire-deretso naman niya itong ininom na parang tubig at parang hindi man lang tinablan nito. “Wahhhh!~” bilib na sabi ni Viel saka ni Dawn sa kanya as they gave him a thumbs up. “Trinity forward the question to Mika” tumingin naman kami kay Trinity na hanggang ngayon ay kahit siya hindi makapaniwala sa ginawa ni Mika para lang malaman kung ano ang tanong. “You could just ask me the question later” seryosong sabi pa nito habang padabog na kinuha ang phone sa lamesa kaya kaming lahat at nagsi tinginan isang kibit balikat lamang ang ipinakita ko. Ginawa naman ito ni Trinity at tinignan ko ang expression ni Mika habang binabasa ang tanong to see if he will be disappoint or what. Isang smirk lang ang kita ko sa mukha niya at siyang ikinagulat ko nang lumingon ito sa akin na siyang pag-iwas ko naman. What now? you’re disappointed, you drunk the liquor for nothing? Sabi ko sa isip ko. Itinuloy namin ang laro at muling iniikot ni Viel ang bote at tumuldo naman ito kay Dale. “Ano ba ‘yan akala ko matatapos ang laro nang hindi ako natatanong” and he sighed kaya natawa kami. “Hindi pwede ‘yon pre bunot na!” sabi naman ni Viel saka itinapat ang kahon ng mga pangalan. Mas lalo namang napabuntong hininga ito nang makita kung sino ang magtatanong sa kanya saka niya ito iniharap sa amin. Ngumisi ako ng maaliwalas nang makita ko ang pangalan ko. “Katakot naman ‘yang ngisi mo Daniel” sabi ni Cathy saka tinapik ang braso ko. “Why?” painosente kong tanong “Parang mas gusto ko na lang sumagot nang integral equation kesa sagutin ang tanong mo Dan” sabi pa ni Dale kaya tuluyan na akong natawa. Di naman mahirap itatanong ko eh, matagal lang akong curious kaya gustong-gusto ko malaman kung ano ang sagot niya. Kinuha ko ang phone saka nagtype at isinend ang tanong kay Dale nang nakangisi. ‘Kung may liligawan ka sa amin sino?’ Nanlumo naman ang mukha ni Dale pagkatapos basahin ito. “Parang alam ko na kung ano ang tinanong mo Danie” lumingon ako kay Cathy saka ko siya binigyan ng nakakalokong ngisi. “Sabi na eh” Ilang minuto lang din at itinuro na niya ang kanyang sagot. Mas lalo akong humagikgik nang makitang sa akin siya nakaturo. “Oh my God Dale,” hindi na napigilan ang pagkatuwa “Gawin mo lang magtatagal tayo” out of context kong sabi, si Cathy ay pinipigilan naman ang pagtawa niya. Ang mga kasama naman namin ay nanatiling nagtataka kung ano ba ang pinagsasabi ko. “No thanks,” sabi naman ni Dale na mas lalo ko pang ikinatawa, hindi ko alam kung masaya lang ako o sadyang medyo nakainom narin ako. I glances at Jae and Mika at pati sila ay nakakakunot ang noo. “Baka gusto niyo kami bigyan ng context?” May pagkakapilit na sabi ni Viel. “Gusto mo ng context? Tumungga ka niyan” sabi naman ni Dale sa kanya kaya natawa kami. “Ano? wala bang curious sa tanong sa kin ni Daniel? Baka curious kayo sa pagkatao ko?” pagbibiro naman ni Dale kaya nagsitawanan kami. Viel spin the bottle once again, siguro naman ay hindi ako ganoon kamalas para matuldo ulit? Tumapat naman ito kay Jae na siyang nasa tabi ko kaya parang biglang nagising ang diwa nito at umayos sa pagkakaupo. “Sino ba gusto mo magtanong sayo Jae?” pangunguswestiyon naman sa kanya ni Viel habang inaalog ang laman ng box. “Hmmm… I’m okay with anyone naman” with his confident smirk saka siya tumingin sa akin. Kung ako ang magtatanong sa kanya wala akong alam. I’ll only probably ask kung sino sa tingin niya ang papasa sa aming tatlo sa circuits. I smiled while thinking of it. Kita kong nabunot naman niya si Dawn, interesting. “Ano pre ready ka na ba?” biro pa sa kanya ni Dawn habang nag-tatype sa phone nito. Jae is just smirking. Ilang minuto lang din ay kita kong itinuro niya si Mika. Kaya lahat kami ay nagtaka? Ano kaya ang tanong bakit si Mika ang nabunot niya. “Ohhhh” sabi pa ni Viel, si Mika naman ay nakakunot ang noo nito. Parang gusto ko tuloy uminom para malaman ang tanong ni Dawn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD