Nanuod kami sa living room pagkatapos kumain, hindi rin siya matigil kakahawak sa noo ko kung mainit pa ba ako. Medyo umayos na ang pakiramdam ko at hindi namalayan na nakaidlip na pala ako sa balikat nito. Hindi ko alam kung ilang minuto akong natulog, nakakahiya naman mukhang nangalay pa siya. “I’m sorry” “It’s okay, sleep more if you want” and then he put back my head on his shoulder again. “Wala pa ba sila Cathy” isip ko kasi ay alas tres na ng hapon. Hindi ko na rin natanong kung anong oras ba ang laban nila Viel. “Baka nasa half quarter pa lang ang game ngayon” habang hindi tinatanggal ang tingin sa pinapanuod. Mga bandang mag alas-singko na ng hapon nang dumating sila Cathy, kasama nila ang boys. Hindi na pa sila nagulat nang makita nila na nandito si Mika. “Hulog na ba?”

