Nakauwi kami noong hapong iyon. Daldal nang daldal sila Dale at Cathy about sa mga ganap sa intrams pero ako ay tahimik at minsan lang ngumingiti sa kanila. Nagluto si Dale at ako ay naligo na dahil sobrang lagkit ng pakiramdam ko. Hindi ko chineck ang phone, hindi rin ako nagsabi kay Mika na nakauwi na kami. Makibalita na lang siya Dawn, tutal Cathy will update her boyfriend naman. Pagkatapos noon ay humiga na ako at ipinikit ang mga mata, hindi aakalain na makakidlip ako ng ilang oras. Dumilat ako at tinignan kung anong oras na it’s 11 pm at rinig ko ang ingay ng TV sa living room. Nanunuod pa ata ang dalawa. Bumangon ako para tignan sila, agad naman napalingon ang mga ito sa akin. “Oh? Nagising ka ba namin?” Umiling lang ako kay Cathy saka dere-deretsong pumunta sa kanyang likuran

