Kanina pa akong mga past 2 pm nakauwi, and nagtext na rin ako kay Cathy na I already got home, medyo natagalan kasi may binili pa’ko sa bayan kaninang pauwi.
While I’m still waiting pinili ko na lang na umidlip muna wala naman kasi ako magawa, nag-alarm na lang ako 30 minutes before the ticket selling.
That’s bad luck really loves me? Nagdasal naman ako sa lahat ng mga Santo bakit hindi pa rin ako pinagbigyan? Hindi ako nakakuha ng ticket dulot ng nagkaroon ng interruption siguro dahil sa internet.
Mangiyak-ngiyak pa rin ako dahil sa dinanas, nag-kausap na kami ni Cathy at ang gaga ay tinawanan lang ako.
After the call, hindi pa rin ma-absorb ng utak ko kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung ilang minuto na’ko nakatulala at pilit na pinapatahan ang sarili sa pagtulo ng mga luha.
Habang nakatulala ako, nakita kong bumalik na ang internet connection dahil nag-refresh na yung tab sa laptop ko, umaasa pa rin akong baka meron pang available, itinuloy ko pa rin, but they only response to me and said na the seat that I want is already sold out, ganoon din sa ibang seat.
Kaya tuluyan nang tumulo ang luha ko. Then nakita ko sa phone ko na may notification galing kay Cathy, minention niya ako sa isang tweet, kaya binuksan ko kaagad.
‘hi! if you know someone who’s looking for a vip ticket for Taylor Swift concert, I have an extra one, just pm me’
Yan yung nakalagay, before ko pa maimessage yung nag-tweet, biglang tumawag ulit si Cathy.
“I-message mo na ‘teh baka maunahan ka!” bungad niya sa akin bago pa ako makapagsalita.
“Gagawin ko na nga tumawag ka lang, by the way kilala mo ba’to ha? baka scammer ‘to.” tanong ko sa kanya, baka scam naman ‘to umasa lang ako sa wala.
“Hindi naman siguro, i-try mo na, kapag feeling mo scam hanap na lang ulit ako.” hindi niya siguradong sabi. Wala man kasiguraduhan sinubukan ko pa rin, hindi naman kagad ako magbabayad.
Sandali lang kami nagusap ni Cathy, balitaan ko na lang daw siya kung ano ang mangyayari. Kaya pagkatapos ng call wala na’kong oras na sinayang at minessage ko na si kuyang nagtweet na may extra ticket.
Me:
‘hello po, ask ko lang po kung available pa ‘yung ticket for Taylor Swift concert, bibilhin ko sana’,
magalang na sabi ko sa message na isenend ko.
Stranger:
‘20k, you decide what payment method you want’
wala pang isang minuto kaagad naman siyang nag-reply, hindi ako nainform na robot pala ‘tong kausap ko.
Me:
‘MSU rin ako nag-aaral kuya, if you want meet up na lang’
Chineck ko kasi yung profile niya bago ako nagmessage and tutal same university naman kami, okay na sigurong meet up na lang iwas scam na rin.
Me:
‘and if pwede po can you please take a picture po nung ticket para makita ko, baka mamaya scammer ka’
message ko ulit sa kanya para makasiguro.
Stranger:
‘oh, you stalked me, okay that’s fine just send where and when, para madala ko yung ticket, sure I’ll send a pic’
kapal ng mukha, nakita ko lang naman sa profile niya,
Stranger:
‘and no, I’m not a scammer’
pagdedepensa niyang reply sa akin.
He send a picture of the ticket and it seems legit kaya narelief na yung kaloob-looban ko.
Me:
‘okay, tuesday, at city walk, chowking 10 am, thank you’
Reply ko sa kanya, at isang thumbs up ang isinagot sa akin.
Pagkatapos ng conversation namin ni Kuyang may ticket, hindi ko naman kasi alam yung pangalan niya, kaya di ko alam anong itatawag sakanya, wala man lang kasing nakalagay doon sa display name niya, emoji lang, atleast me I have my nickname ‘dan’ na nakalagay.
After that I immediately message Cathy, baka hanggang ngayon naghahanap pa rin siya ng seller, legit naman pala si kuyang nakita niya nung una. 2 weeks before the concert I’m so excited dahil finally may ticket na ako…sana! Sobrang lapad ng ngiti ko nang biglang pumasok si mommy sa kwarto.
“Mukhang nakakuha ka ng ticket ah?” sabi niya sa akin habang nakangiti, hindi pa ganoon katandaan si mommy nasa mids 40 pa lang siya.
She’s not always here in our house madalas nasa coffee shop sya. She’s managing her own coffee shop kasi, every summer vacation I work for her kaya itong pambili ko ng ticket para sa concert is galing sa pinagtrabahuan ko.
“Hindi nga my, nawalan ng connection kanina.” sabi ko habang naaalala nanaman ang kaninang pinagdaanan ko. She sit beside me and caress my hair gently.
“Pero bakit ang saya mo?”
“Syempre my hindi naman ako papayag na hindi makapunta I have ways,” sabi ko kay mommy while smiling “I mean Cathy pala because she help me.” and she just laugh
“Na’ko kayong dalawa talaga I’m happy for you,” she said, still touching my hair “don’t be too excited sa concert okay? focus ka muna sa studies you still have more 2 weeks.”
My younger brother really looks like my mom, from eyes, nose, and lips. My younger brother has almond shape eyes and long eyelashes just like mom, plus a pointed nose and thin lips, kaya he’s so gwapo, the girl version of mom. While me I have round eyes like my dad.
Daddy is a business man, everyday siyang umuuwi. He’s often going on a business trip from other countries kaya madalas si mommy saka si Dos ang naiiwan sa bahay also ate mimi pala, kasambahay na kinuha ni mom para kapag nasa coffee shop siya may magluluto para kay Dos.
Hindi ganoon kalayo age gap namin ni Dos, He’s a senior high student. Bago pa ako makasagot kay mommy, kinatok na kami ni ate mimi para mag-dinner.
Monday afternoon I decided to go back to boarding house, maaga kasi pasok namin tomorrow, and kailangan namin maggrocery nila Cathy para sa stock sa house, si daddy maghahatid sa akin, and on the way na kami sa boarding.
Pagkadating ko, nadatnan ko sina Cathy saka si Dale sa harap ng tv nanunuod ng korean drama. Nagulat na lang sila noong bigla kong binuksan ang pinto, masyado kasi silang tutok sa pinapanuod nila.
“Hi Tito! kain po!” Masiglang sabi ni Cathy kay daddy saka siya nagmano, ganoon din ginawa ni Dale.
Dumeretso na ako sa kwarto namin ni Cathy para ibaba mga gamit ko, may dala kasi akong mga extra clothes ko saka shoes para magamit sa school. Isa na rin sa dahilan bakit ako nagpahatid, hassle kasi kapag mag-cocomute ang daming dala.
Bumalik na ako sa mini living room namin, and nakita ko na busy nakikipagkwentuhan si daddy sa mga kaibigan ko, pero nang nakita niya ako na lumabas galing kwarto nagpaalam na siya.
“Una na ako Dan,” He said “Cath, Dale pakibantayan yan ha? Sumbong niyo sa’kin kapag may ginawang kalokohan” biro ni daddy sa mga kaibigan ko kaya natawa ang mga ito, na pa-eye roll na lang ako sa kanila.
Dediretso kasi si dad sa trabaho niya, kaya naka suit siya ngayon at kitang-kita talaga ang pagkagandang lalaki niya.
“Don't worry Tito ako bahala, ingat po kayo!” Sabi naman ni Dale saka kumaway. Hinatid ko si dad sa may gate para magpaalam
“Ingat daddy.” sabi ko sabay halik sa pisngi niya at sinuklian niya naman ako ng halik sa ulo. After that pumasok na rin ako sa loob para makipanuod at makipagkwentuhan sa mga kaibigan ko.
“Nakakuha ka ba ng ticket mo Dale?” napagpasyahan niya na sumama rin sa concert. Hindi siya ganoon ka fan pero he knows, and he like Taylor swift naman.
“Yup!” he answered “Nagpasama na akong nagpabili dun sa isa ‘kong tropa ko, kayo ba?” habang kumakain pa rin ng popcorn.
“Ako Oo, si Dan hindi” asar ni Cathy sa akin habang tumatawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“I have kaya,” sagot ko “Wala pa nga lang sa’kin nandun pa sa seller.” kinuwento naming dalawa ni Cathy ang nangyari sa akin noong ticket selling kay Dale kaya puro tawa at pangaasar ang inabot ko sa kanilang dalawa.
Makalipas ang ilang oras nagpasya kami na mamili para hindi na kami masyadong gabihin saka na rin kami kumain sa jollibee para sa dinner namin, dahil pare-pareho kaming tamad magluto.
Usually si Dale ang tagaluto, pero kapag no choice talaga at wala siya, ako ang nagluluto may mga alam naman akong ibang ulam maliban sa puro prito. Si Cathy lang talaga ang walang alam sa pagluluto, kaya madalas siya ang taga hugas ng pinggan kapag kaming dalawa ni Dale ang nagluluto.