Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Cathy, dahil start ng 7 am ang class namin, major subject pa. Maaga ‘ring nagising si Dale kahit mamayang alas nuebe pa ang pasok niya. Ipagluluto niya kami ng breakfast kaya, kahit napuyat silang dalawa ni Cathy kakanuod ng korean drama kagabi he woke up early.
“Dale huwag na natin ulitin manuod hanggang ala una ng madaling araw,” nakatulala na sabi ni Cathy “Feeling ko maghapon akong sabog.” habang kumakain.
“Napakatapang eh, akala mo alas nuebe rin ang pasok.” natatawang sagot naman ni Dale sa kanya. Natawa na lang din ako sa kanilang dalawa dahil gaano man takpan ni Cathy sa make up ang pagkamaga ng mata niya halata pa rin na puyat siya.
Pagkatapos namin kumain ni Cathy agad din kaming umalis dahil panigurado traffic, bawal pa naman malate. Naalala ko rin na mamaya rin pala ang meet up namin ni kuyang may ticket kaya minessage ko siya baka makalimutan niya. May dala akong cash actually, if he doesn’t want naman I can transfer nalang ‘yung money sa bank account niya.
Me:
'Good morning! Remind ko lang ulit yung meet up mamaya, thank you'
kanina ko pa siya minessage pero walang reply, baka may pasok na. Sana lang huwag niyang makalimutan, dahil sabik na talaga akong mahawakan ang ticket ko.
Nakadating kami sa university on time dahil traffic. Discussion ang ginawa ng professor namin for 3 fvcking hours circuits ang subject namin, kaya ang utak ko parang sasabog na naman sa sobrang daming lessons.
Tinapos kasi namin ang isang chapter, for sure next week may quiz kami, kaya pagkalabas namin ng room mga kaklase ko nakatulala, si Cathy naman hindi ko alam kung may naintindihan ‘to dahil sabog pa siya kanina.
“Ang sakit ng ulo ko Dan,” habang hinihilot ang kanyang sentido “Pero alam kong mas masakit ang walang ulo.” sabi nya sa’kin, nasa cr kami ng EB ngayon nag-aayos dahil pupunta kaming city walk para doon sa meet up.
Update wala pa ‘rin response si kuyang may ticket sa message ko, kaya medyo nagwoworry na ako.
“No response pa rin Cathy.” sabi ko habang chinecheck ang phone ko.
“Baka may pasok pa,” she said “Hintayin na lang natin sa city walk tutal mahaba-haba lunch break natin.” Dumiresto na kami sa city walk chowking, mag-early lunch na kami ni Cathy, mamayang 1 pm start ng second subject namin.
Walking distance lang din ang city walk, pagkalabas mo sa second gate ng university makikita mo na ang city walk. Medyo malapit nga lang kami sa front gate ngayon ng university kaya mahaba-haba ang lalakarin namin, harap kasi ang Engineering Building.
Nasa city walk chowking na kami, Cathy is on the counter siya na lang ang nagorder para sa aming dalawa. I texted Dale para puntahan kami dito para sa lunch, though 10:30 pa ang tapos ng first subject niya.
Me:
‘hi! I’m already here sa chowking with my friend, I’m wearing engineering uniform btw.’
I chatted again si kuya to inform him na may naghihintay sa kanya.
Still worried pa rin, pero pinipigilan ko ang sarili ko na mag isip.
“Ano wala parin ba? it’s already 10:30!” sabi ni Cathy, habang hawak ang tray ng order namin. Nagkibit balikat na lang ako sa kanya, hindi ko na muna inisip ang ticket at nagfocus na lang sa pagkain baka mawalan lang ako ng gana.
Dale replied to me saying na hindi daw siya makakasabay ng lunch sa amin dahil may ginagawa daw silang activity sa surveying. After naming kumain biglang nag-notif sa akin si kuyang may ticket kaya dali-dali ko itong tinignan.
Stranger:
‘hello! I’m sorry for the late response, but hindi ako makakapunta ngayon, I’m so sorry ulit may ginagawa lang activity’
basa ko sa chat niya. Before pa ako makapag reply sa kanya may kasunod na chat ulit na nagpop-up.
Stranger:
‘I’ll just chat you if may free time ako, hihintayin nalang kita if ever na ikaw naman ang may ginagawa, sorry again, btw I’m an engineering student also, hindi ako scammer I swear’
defensive na sagot niya sa akin. Though hindi ko naman siya pinaghihinalaan na scammer talaga kaonting lang, kung hindi niya ako ininform ngayon.
Me:
‘it’s okay, just chat me if what time, but I hope this day sana makuha ko ticket’
sagot ko sa chat niya, ayaw ko ng patagalin pa. Hindi naman sa excited ako, but I want to feel relief iba kasi yung hawak mo yung ticket mo.
Stranger:
‘yeah sure! sorry again, happy lunch! my name is mika pala’
reply niya sa akin, mika? His name is cute huh?
“Ano sabi?” tanong ni Cathy sa akin habang kumakain ng buchi
“Hindi daw makakapunta may activity silang ginagawa.” sagot ko sa kanya. Well medyo napanatag naman ang loob ko kesa kanina na walang response talaga.
“Awww, paasa si kuya.” Cathy said.
“He’s also an engineering student, Civil maybe” I guess? From what Dale said baka busy nga mga CE students. I understand naman madami siguro silang activity, buti mga prof naming ECE walang masyadong pinapagawa ngayon.
Half and a hour din kami nag-stay sa chowking, bumalik na kami ni Cathy sa university. We decided na mag-stay nalang sa student center, review na rin para sa next subject, dahil wala naman kaming ginagawa.
Usually, umuuwi kami ni Cathy every lunch break sa boarding house kapag 3 hours ang vacant, but dahil nga may meet up sana pero hindi natuloy, hindi kami umuwi kaya eto nakatambay kami.
Madaming mga students more on mga nagrereview, gumagawa ng plates, naglalaro ng mobile games, yung iba natutulog. Madalang ka lang makakita ng ibang courses na nakatambay sa student center ng EB, intimidating daw kasi mga engineering students. Nagscan ako ngayon ng notes for electronics subject, si Cathy naman umidlip sa tabi ko.
Nakita ko si Dale sa di kalayuan kung nasaan kami nakapwesto ni Cathy kaya nagwave ako ng hand, nakita naman niya ako kaya kumaway din siya. He touches his tummy and do a make face saying na hindi pa siya nag lunch at nagugutom na siya, kasama niya mga classmates niya and he’s holding a tripod for their surveying subject.
I just laugh at him and wave my hand for a goodbye, busy talaga sila, its already 12 noon and hindi pa sila naglalunch. Si Mika kaya kumain na? just thinking I’m not concern.
Lumipas ang maghapon and again wala akong nareceive na chat from Mika, I don’t know what to think anymore.
Me:
‘hi! Mika, tapos na class ko?’
‘any update?’
‘hmmm, okay I’m going home na, to my boarding house’
‘hi? Please reply?’
Ilan lang ‘yan sa mga chat ko sa kanya, it’s already 5:30 pm and nasa front game kami ngayon ng university. Si Cathy niyayaya na akong umuwi because kanina pa kaming 5:00 pm naghihintay sa chat ni Mika
“Ghoster ampotek na’ko talaga kapag di nagreply ‘yan hanggang mamaya,” naiinis niyang sabi “I’ll find another seller.” mas inis pa sya kesa akin. While me still calm, waiting for his reply.
“Mas inis ka pa sa akin ha?” pabiro kong sabi sa kanya, wala naman kasing mangyayari kung pareho kaming maiinis di naman magrereply si Mika.
“Kasi naman kanina pang umaga ‘yang si kuya, he doesn’t know ba how to check his phone?” sabi nya while forming a hand fist “Na’ko kapag nahanap ko ‘yan sa EB babatukan ko ‘yan, ungentlemanly kainis.” konti na lang magkadugtong na ang kilay sa sobrang inis niya kaya natatawa na lang ako.
“Tara na uwi na tayo,” sabi ko at nauna nang naglakad “Pag hindi pa nag reply ‘to hanggang mamayang gabi, just find me another ticket seller na lang.” nag antay na kami ng jeep pauwi sa boarding house namin. What a day.
Si Dale nakauwi na rin sa bahay kanina pang 4 pm, We just waited again…for nothing.
Nakadating kami sa house ng pagod, magmula alas syete ng umaga hanggang alas singko ng hapon puro discussion tapos pinaghintay pa kami ng ilang oras.
“Hula ko hindi niyo nakuha yung ticket.” pambungad sa amin ni Dale habang may hawak na sandok.
“Ginhost kami ‘teh kaloka!” sagot ni Cathy bumalik na naman ang naiinis niyang mukha.
“Ano ba ‘yan si kuya,” he said while laughing “Sabihan niyo lang kung kailangan na ulit maghanap ng seller, subukan kong magtanong.” habang nasa kusina nagluluto ng adobo, dahil hanggang dito sa labas amoy na amoy.
“Basta kapag walang update tonight, hanapan niyo na’ko” alam kong inaalala lang nila akong dalawa. Because they know that ako ang nag-push at pinakanaghintay para sa concert na ito, tapos ako pa ang walang nakuhang ticket.
I’m still wondering nga at hindi ako nagpapanic, maybe because I have faith na makakapunta ako? I don’t know. Kumain na kami after nagluto ni Dale, and as usual si Cathy ang maghuhugas ng pinggan.
Nilibang ko ang sarili ko nag-aral and start checking my social media account, sila Cathy nagpatuloy sa panunuod ng korean drama. Nakikinuod din ako paminsan-minsan but I’m still tryin’ to focus on my studies.
Hour passed humiga na ako and nakapatay na rin lahat ng ilaw, double deck itong kama namin ni Cathy, siya ang sa taas ako ang nasa baba. Nasa iisang kwarto lang kami, si Dale nasa kabilang kwarto. Watching some mukbang videos from youtube nang biglang may mag pop up na message from Mika.
Mika:
‘still up? where’s your boarding house? I’ll come to you, ibibigay ko ‘yung ticket’
What the hell? I check that time and it’s already 11 fvcking PM, anong iniisip ng lalakeng ‘to? Is he serious?
Me:
‘are you okay? Do you know what time it is mister? Wth mika?
Reply ko agad sa kanya. Still thinking pa rin why now?
Mika:
’11 pm, I have a car i’ll just drop the ticket, and send my bank account to you why?’
napaface palm na lang ako sa sagot niya sa akin.
Me:
‘hahaha okay? Dito sa Red Lake Residence kami nagboarding, do you know how to come here?’
hindi ko alam sa sarili ko bakit ko sinabi sa kanya, why I’m trusting this man, pati sarili ko hindi ko na maintindihan.
Mika:
‘yeah, medyo malapit lang sa amin, tho not walking distance’
Me:
‘I’ll just wait for you at the gate, please ‘wag mo’kong ighost’
reply ko kagaad sa kanya.
Tumayo ako sa higaan, I’ll just wear my school jogging pants and a hoodie. Hindi na ako nagpaalam kila Cathy and Dale because they are already sleeping. Also di naman nila malalaman na umalis ako dahil kaagad din ako uuwi.
Holding my phone and my pepper spray naglakad ako papuntang gate ng subdivision, isang kanto lang layo nito sa house namin, safe naman maglakad kahit ikaw lang mag-isa.
Of course bago kami nagpasyang mag boarding dito dad already check the security. Nakakatakot nga lang dahil tahimik. Pagdating ko sa may gate nakita ko si kuyang guard na nagkakape he just smile at me ganoon din ang ginawa ko.
Me:
‘nandito na ako sa may gate, 10 minutes, if wala ka pa dito uuwi na ako’
chat ko kay Mika, quotang-quota na ako sa paghihintay sa kanya ngayong araw, last na’to, wala akong nareceive na reply sa kanya siguro he’s driving na?
Medyo malamig ang hangin, good thing naka hoodie ako, ber months na kasi. While waiting I just stare at the sky at nalula ako sa daming stars ang ganda, for sure my face is full of amusement right now. Before pa ako makapili kung ano ang favorite star ko biglang may nagparadang sasakyan sa harap ko, napaatras ako at siya ‘ring pagbaba ng window ng sasakyan.
“Hi! thank you for waiting!” sabi ng lalaki sa driver seat habang nakangiti u-uh he’s cute. Hindi ako gumalaw, dahil gulat pa rin ako sa biglang pagsalita niya. I’m still confuse you know.
“Oh, I’m Mika, Dan.” natatawang sabi niya. He surely saw the confusion on my face, at doon palang nag sink in sa akin kung ano ang nangyayari.
“O-oh, hi! Ikaw na pala ‘yan!” sabi ko na lang still constructing my words, dahil hindi ko alam kung anong sasabihin, he’s so gwapo na cute, I don’t know I’m not ready for this I swear.
“Uhhh do you want to get in?” he asked “Para makapag-usap ng maayos I’ll just park na lang there” sabi niya habang nakaturo sa parking lot ng subdivision. Hindi ko alam sa sarili ko bakit sumunod ako sa gusto niya.
Naglakad ako papuntang kabilang side, hindi nagdalawang isip na baka masamang tao siya. Umiling-iling na lang ako to calm down myself, may pepper spray ako, nasa tabi lang si kuya guard I’m safe paghihinahon ko sa sarili ko, at saka sumakay sa sasakyan ni Mika.