Nakaupo ako sa passenger seat habang pinagmamasdan ko si Mika kung paano niya i-park ang sasakyan. Lavender ang amoy na bumalot sa akin pagkapasok ko, na naging dahilan at nawala lahat ang pag-iisip ko ng kung ano-ano.
Hindi ko namalayan na tumagal na ang pagtitig ko kay Mika. Kaya noong lumingon siya sa akin, bigla siyang ngumiti na parang anghel, kaya mabilisan kong iniwas ang tingin ko.
“So… Hi! I’m Mika ulit,” he said “Mukhang gulat na gulat ka kasi kanina.” while still laughing.
“Huh?! Sinong hindi magugulat kung bigla na lang may nag-park na sasakyan sa harap mo?” sabi ko at saka umiwas ulit ng tingin. Natawa naman siya.
“Akala mo siguro nangunguha nang bata ‘noh?”
“Excuse me, I’m not a child anymore.” Sagot ko at and I just roll my eyes.
Narinig ko naman ang pag tawa niya. Natural reaction lang naman ang ginawa ko kanina, sobrang gulat lang talaga siguro ng mukha ko kanina. This guy is playing playful huh?
“What’s your major pala?” he asked “You said kasi na nakasuot ka ng Engineering uniform nung meet up sana natin” while still looking at me.
“ECE major” I answered “Hula ko sayo Civil?” dugtong ko pa while pointing my finger at him, kaya natawa ulit siya.
“Yup! Galing manghula ha?” he said “Sorry pala kanina sobrang dami lang talaga ginagawa sa surveying.” He sighed after saying it.
“I know, yung friend ko rin kasi Civil major, busy din siya kanina.” Pagiintindi ko “So I assumed na from Civil major ka.” Busy naman actually lahat ng major sa activities lang talaga nagkakaiba.
“Oh, that’s why.” He said while nodding “You’re also a sophomore, right?”
“Yup! I actually have a class, minor subject wherein puro mga Civil classmates ko,” I said to him.
“Nahiwalay lang kami ni Cathy, my friend.” I don’t know why I said that. Wala lang share ko lang sa kanya.
“I don’t think classmates kita ‘don, kilala ko lahat ng classmates ko parang fixed class na nga kami.” Share niya lang din.
We talked more about academics, how tough are their major is, also sa amin din. Second year pa lang pero pasuko na, what more kung mag senior na right?
Kung saan puro major na lahat ng subject. But we are both excited for the OJT which will happen when we were already 3rd year, isang taon na lang.
I also know na he’s planning to run as the president of PICE which is the organization for Civil Engineering. I’m amazed that despite how difficult their lessons is nagbabalak pa siyang humabol as their President, how hard working.
While on the other hand, ako na laging reklamo. I can’t even humabol as a BOD of our class, imagining how many works you need to do. No way.
Maybe Cathy can do it. She is so madaldal and she’s also friendly kaya easy lang sa kanya. I even suggest to her na humabol but like me, we’re lazy, academics is enough you know.
“You’re really a fan of Taylor Swift or nah?” pag-iiba ko ng topic. He bought two tickets magtataka ako kung he’s not.
“I’m a fan, di naman ako bibili ng ticket for nothing.” He answered me, sabi ko nga.
“Ay wait yung ticket pala,” sabi niya habang lumapit sa akin.
Binuksan niya ang glove compartment which is nasa harapan ko at saka kinuha ang ticket. Iniabot niya ito sa sa akin at siya naman nagning-ning ang mga mata ko. Muntik ko nang makalimutan kung ano ba talaga ang purpose ko bakit ako nandito ngayon.
I look at him with a teary eye, hindi ko alam kung ano ang itsura ko. Pero sobrang saya ko ngayon na hawak ko na ang ticket ko
“Hindi libre ‘yan ha?” pabirong sabi niya.
Pansin ko lang na lagi siyang nakangiti kaya napakagwapo niyang tignan. If Cathy is with me she will probably have crush on him.
“I know, just give me your account number para ma-transfer ko ‘yung money,” I said while still looking at my ticket.
“I’ll just send it to you na lang mamaya.” He’s said while looking at me. Na-concious naman ako bigla kung ano ang itsura ko bakit grabe siya kung makatitig sa akin.
“If you don’t mind, can I ask kung bakit may extra ticket ka?” wondering why he has an extra.
“Or is this yours?” I’m just curious you know, para na rin mawala ang awkwardness na bumabalot sa amin.
“It’s actually for my friend,” I look at him and siya naman ang umiwas ng tingin. “But lately ko na nalaman na she already bought one, I’m planning kasi to surprise her.” I saw sadness in his eyes after he said that. Aww… that friend must be special huh?
“Ahhh… sayang naman, nalibre sana siya.” Pabiro kong sabi and he laughed naman. Phew buti na lang nawala ang lungkot sa mata niya.
“Do you want to go to the concert together?” confusion is what is in my face again after he said that.
“I’ll attend din kasi and parehong VIP standing A ang kinuha ko.” pagpapaliwanag niyang sabi.
“It’s okay if you don’t want to, baka may kasama ka na.” umiwas ulit siya ng tingin sa akin.
“I actually have, yung friend ko na kasama ko sa boarding house, but if I’m not mistaken VIP B ata yung ticket niya” I don’t know bakit ko sinabi sa kanya iyon. May part din sa akin na gusto kong pumayag.
“So, are you game?” he asked me, I just nod at him and smile. Hindi ko na talaga maintindihan bakit pumayag ako? Wala naman akong choice, I feel bad if I will decline him.
“My ride na lang, para sabay-sabay na tayong pumunta doon.”
“Libre ba?” I asked him, we’re planning talaga na magpahatid na lang kay Dad sa venue pero kung may ganito pala why not? May service na kami, di pa mapapagod si Dad
“Of course,” he giggled after he said that.
Ang gwapo talaga kapag tumatawa siya.
“Just give me the song that came up to your mind while you’re talking to me,” he said, “I’ll give you three seconds” and he started to count down.
“Three…two—”
“Enchanted!” bago pa siya matapos mag bilang sinagot ko na siya. Parang game show lang huh?
He smiled at my answer, and with that pinatugtog niya ito. Walang ibang ingay kundi ang kanta. Nakita kong ipinikita niya ang kanyang mga mata.
He looks so relaxed because he leans on his head sa chair ng car, parang hindi ako ibang tao ha?
Ganoon din ang ginawa ko at sabay naming dinamdam ang kanta. It has been a long day for me.
I don’t know what kind of man Mika is, but one thing for sure I like him, not romantically but I want to be friend with him. Ang gaan ng loob ko sa kanya, not like the other people na aura pa lang nila aayawan mo na.
But him, his aura is like an angel not because he looks like one, and not to be exaggerated pero ganoon ang nararamdaman ko. I like his humor, and I’m also sensing na he's comfortable rin sa akin, hopefully…
Minulat ko ang mata ko at tumingin sa gawi ni Mika at siyang pag tama ng mga mata naming dalawa. Yup! It was really enchanted to meet you. Sabi ko sa isip ko at saka ngumiti sa kanya.
I decided na umuwi na because I saw the time from my phone and it’s past 12 midnight na, hindi ko akalain na magtatagal ako.
Ang sabi ko sandali lang ako, because 7 am ang class ko tomorrow. Goodluck na lang talaga sa akin, kung sabog ako bukas.
“Hmm, don’t forget to send me your account number mamaya,” paalala kong sabi sa kanya “Una na ako, baka nagising na mga kaibigan ko.” habang bubuksan na sana ang pinto.
“Hatid na kita.” Mabilis na sagot niya.
“Nako huwag na malapit lang naman—“bago ko pa matapos ang sasabihin ko pinaandar na niya ang sasakyan.
“No, I insist.” He said habang nagda-drive, wala naman akong ibang choice kaya itinuro ko na lang ang way kung saan ng house namin. Kahit na isang kanto lang naman ang layo nito sa gate kung saan kami nagkita.
“Dito na lang” sabi ko nang nasa harapan na kami ng house. Ngayon ko lang din napansin kung gaano katahimik ang daan. Hindi ko akalain na nakaya ko itong lakarin mag-isa kanina.
Tumingin ako sa kanya and I smile at him.
“Thank you, Mika! nice meeting you.” sabi ko while handing a shaking hand.
Natawa naman siya at sa akin at tinanggap ang kamay ko. Ang lambot ng kamay niya sa totoo lang, hindi naghuhugas ng plate ‘to saka parang ang sarap maka-holding hands. I am just joking.
“It was enchanted to meet you, Dan!” natawa na lang ako sa sagot niya. After that bumaba na ako sa sasakyan.
“Drive safely!” hirit ko pa and I just wave my hand for a goodbye, ganoon din ang ginawa nya at tuluyan na siyang umalis.
Pumasok na ako sa loob dahil malamig ang simoy ng hangin, pagkatapos kong buksan ang pinto, na dahan-dahan ko itong ginawa dahil baka magising sina Dale. Pero bago ko pa man mai-on ang ilaw at makahakbang biglang nagsalita na si Cathy.
“Saan ka galing Daniel Hope Valencia?” tanong niya habang nakataas ang isang eyebrow niya.
Familiar sa akin ang ganitong scene, parang sa korean drama kung saan late na umuwi ang husband at naghihintay naman ang wife sa living room.
“Ah… kinuha ko yung ticket.” Uneasy na sabi ko sa kanya habang pilit na nakangiti.
Alam na alam mo kung kailan seryoso si Cathy, babanggitin niya ng buo ang pangalan mo.
“Seriously Dan? It’s already midnight hello?” sabi niya “Hindi ba makapaghintay ‘yan at hindi na maipagpabukas?” habang may halong inis. She’s irritated at me now alam ko.
“Sorry na Cathy,” naiiyak na sabi ko “Diyan lang naman sa gate kami nagkita and may guard naman” nilapitan ko siya at saka ko siya niyakap.
“Daig mo pa si Mommy kung magalit nakauwi naman akong safe” pabiro kong sabi sana tumalab at saka nag-cross finger ako.
“Kung hindi lang ako naalimpungatan, di ko malalaman na umalis ka?” may inis na sabi.
“Isumbong kaya kita kay Tito gusto mo?” biglang sabi niya kaya mabilisan ko siyang sinamaan ng tingin.
“Sana man lang kasi ginising mo ko at nasamahan kita diba? O kaya nagpaalam ka lang,” she said.
“Nakauwi ka ngang safe, paano kung may nangyaring masama sayo? Maibabalik mo pa? No right?” and here we are Mommy Cathy 2.0 with her sermons.
Though I understand her naman talaga na nag-aalala lang siya. Kasalanan ko rin naman.
“Kaya nga sorry na diba?” sabi ko habang paiyak na “Di ko na ulit uulitin.”
“Hindi na talaga!” sabi naman nya and she hug me after that, yes! Nakalusot.
“Akala ko kasi sandali lang ako kaya ‘di na ko nag abalang gisingin ka pa.” pagdadahilan ko pa
“Gwapo siguro kaya natagalan ka noh?” tanong niya sa akin habang nakataas ang kilay niya “Gwapo ba Dan ha?” natawa na lang ako sa kanya
“Mukhang burgis may car eh” grabe ‘yung mood switch niya.
“He looks like an angel Cathy,” I answered her “I’m not even joking I swear.”
“Angel? Pero pinaghintay tayo ng ilang oras kahapon?”
“Mukha ngang anghel pero demonyo talaga, char not char” pabiro naman niyang sabi kaya natawa ako.
“Nakuha ko na ticket ko Cathy ang saya” at saka ko pinakita ang hawak ko. Kinuha naman niya iyon at tinignan
“Aww… Standing A ka Standing B ako, ano ba ‘yan nagkahiwalay pa.” sabi nya ng may panghihinayang na tono.
“Okay lang ‘yan, importante may ticket!” pangiti-ngiti kong sabi.
“Makakatulog ka na niyan ng mahimibing.” Well fact only, I have my ticket! I can finally say na, See you soon Taylor!
Hindi na kami nag-usap ng matagal ni Cathy dahil maaga ang pasok namin bukas, naghimalamos lang ako ng mukha and at pagkatapos noon humiga na ko sa kama.
“Wala ng aalis ha?” paalala niya
“Opo mommy Cathy, goodnight!” natatawang sagot ko naman.
I check my messages and nakita ko na nag-chat pala si Cathy sa akin kanina. Also I check Mika messages.
‘I already got home!’
‘goodnight dan!’
‘sweet dreams!’
These are some of his messages including his account number. Kaya I just reply to him a goodnight bukas ko na lang ita-transfer yung bayad. After that pinikit ko ang mga mata ko at sinundo na ako ng antok