CHAPTER FIVE

2987 Words
Kinaumagahan, expect ko na sabog ako sana makausap pa ako ng matino mamaya. Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko sina Cathy and Dale na kumakain na, kaya umupo na rin ako sa tabi nila. “Ano? hahanap na ba ako ng bagong seller?" Tanong ni Dale kaya naapatingin kaming dalawa ni Cathy sa kanya. Ilang seconds din ako nag-loading bago ma-gets kung ano ang tinutukoy niya. “Ahh… No need na, nakuha ko na ticket.” Nakangiti kong sabi sagot. “Huh?! Kailan? Kagabi? How?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Ayan si bakla umalis kaninang madaling araw para kitain yung si kuyang may ticket habang tulog tayong dalawa” Sagot ni Cathy kay Dale habang ako napairap na lang. “Kaloka, 'di makapaghintay ipagpabukas ‘teh?” sabi ni Dale, kaya natawa na lang ako habang kinakain yung bacon. “Baka mawala pa eh.”  Lame na sagot ko saka ko na lang tinawanan. “Sus!” biglang sabi naman ni Cathy at nag-blep na lang ako sa kanya. “So, I wasn’t dreaming ‘nung naririnig ko si Cathy na sinesermonan ka?” natawa si Dale pagkatapos niyang sabihin’yon. “True ‘yon ‘teh! Buti nga di masyadong mahaba sermon ni mayora kanina eh” pang-aasar ko kay Cathy saka naman niya ako tinadyakan sa paa buti na lang nakaiwas ako. “Sa susunod kasi magpaalam ka bakla.” “I know, nag-sorry naman na ako di na mauulit.” Malumanay na sagot ko sa kanila. As usual binilisan na lang naming mag ayos dahil baka ma-late kami sa first subject namin. Also, na transfer ko na rin pala yung bayad kanina kay Mika, waiting na lang ako sa reply niya sa akin kung natanggap na niya.   We are here now sa class namin. Major subject kaya medyo masakit sa ulo. Sabog pa naman ako dahil anong oras na ako natulog kagabi. Circuits here, Circuits there gusto ko na lang pakuryente at huwag na i-compute ang mga ito.  3 hours have passed, finally! Pero may kasunod pa kaming isang subject, which is the PE, kaya dumiretso na kami sa gymnasium kung saan usually nag kaklase kapag PE class. Pagdating namin, of course madaming students, halo-halo na may mga Engineering, Accountacy, Education halos lahat nandito. Naghanap kami ng pwedeng pwestuhan para sa klase namin. Sumunod lang kami ni Cathy sa mga kaklase namin.  Nasa may tabing stage kami nakaupo ngayon, habang wala pa ang professor pinagmasdan ko lang ang mga students, may mga nagbabasket ball, nagba-ballet, nag-a-arnis. But for us Folk dance ang PE namin. Habang patingin-tingin ako sa mga taong lumalabas at pasok sa gym nahagip ng mata ko si Mika. Kaya sinundan ko ito ng tingin nakita kong may hawak siyang dalawang water bottled at papunta siya sa mga Accountancy Students na nakaupo bandang harap namin. “Sama ng tingin natin ‘teh ah? Parang manunuklaw.” Nagulat ako nang biglang magsalita si Cathy sa tabi ko habang nagpapaypay. “Huh? Hindi ah.” Sabi ko saka iniwas ang tingin kina Mika. “Sino ba kasi?” pangungulit pa niya, at panay ang tingin sa harap. “Si Mika, ayun oh nasa harap.” Nakanguso kong sabi. Saka naman siya tumingin. “Ayyy? May jowa akala ko ba Engineering Student yan bat nasa Accountancy?” She asked. “Ewan ko rin” I shrugged. At pinagpatuloy na lang ang pagmamasid ko sa kanila. He gave the bottled water to the girl, okay she is pretty, mistisa, hula ko we’re at the same height saka niya ito pinaypayan. Baka siya yung tinutukoy niyang friend? Tanong ko sa sarili ko. “Jowa niya ba ‘yan Dan?” tanong niya ulit sa akin “She’s pretty ah, pwedeng pang pageant.” Dagdag pa niya. Kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Pero syempre mas maganda ka ‘teh.” She said kaya natawa ako. “Baka friend niya, ‘yung tinutukoy niya siguro.” “Ay wow? May alam agad sa life, speed lang ‘teh?” bilib niyang sagot sa akin. “b***h I just assumed, okay?” paglilinaw ko “Tinanong ko kasi yung about sa extra ticket and he said na para daw sana sa friend niya ‘yun but the friend already has one.” explain ko pa sa kanya. “Siguro nga sa friend niyang ‘yan, sana all may friend na katulad ni Mika.” May kalakasan na pagkakasabi niya sa huli kaya natapik ko na lang siya. Dumating na ang professor namin at ginuide niya kami papunta sa stage, don’t tell me sasayaw na kami kagaad? Wala na akong nagawa at umakyat na sa stage.  Syempre stage Center of Attention. Hindi na ako nag-abala pang tignan ang gawi ni Mika kung nakatingin ba siya. I don’t care gusto ko na lang matapos ‘tong PE class at bumaba dito sa stage. By partner ang sayaw kaya si Sir na ang nag assign kung sino ang ipa-partner sakin. Nakita ko na si Jae ang partner ko, matangkad, syempre gwapo mukhang korean, obviously half korean siya, minsan na rin naging crush ni Cathy ‘to kaya panigurado inggit sa akin dahil ka-partner ko crush niya. “Paturo sa circuits Daniel.” Pabirong sabi niya sa akin kaya tinawanan ko siya. “Pwede ba Jae,” humarap ako sa kanya.  “Respect sa PE class ayokong naririnig ang circuits!” I said to him kaya nagtawanan na lang kaming dalawa habang itinuturo ni Sir ang steps para sa Carinosa. Natapos ang PE class namin, finally it’s lunch break! Bago bumbaba ng stage tumingin ako sa pwesto kung nasaan sina Mika kanina, pero bigo ako nang makitang wala na sila kung nasaan sila nakapwesto kanina. “City walk na lang tayo Dan,” biglang ani ni Cathy. “Nagugutom na ‘ko bwiset na PE na ‘yan!” reklamo pa niya habang pababa na kami sa hagdan ng stage. “Mainggit ka ka-partner ko si Jae.” Pang-aasar ko at saka nag-blep “Di ko na crush ‘yon noh!” pagdedepensa naman niya, kaya tuluyan na akong natawa. Naglalakad na kami papuntang City walk madaming mga students ang nasa hallway nagkukwentuhan, iba natutulog. Lunch break kasi kaya madaming nakalabas na mga students.  Gusto man naming umuwi ni Cathy sa house. Isa at kalahating oras lang lunch break naming di na kakayanin, baka tamarin na lang kami pumasok ng afternoon.  Nag-order na si Cathy sa counter, nasa Mcdonalds kami ngayon, dahil nailibot na namin lahat ng pwedeng kainan and eto na lang ang may available na seat. Kaya di na kami nag-inarte pa. Habang hinihintay si Cathy chineck ko ang phone ko kung may nag message pa. ‘good morning!’ last kong message kay Mika kaninang umaga, pero ni seen or like man lang walang reply. Napakibit balikat na lang ako nang makitang naka online naman siya, pero hindi niya ako mareply-an, we added each other on our Social Media accounts kasi kagabi.  I don’t know why I’m acting like this. Jowa ka gurl? Sabi ko sa sarili ko. Bago pa ako tuluyang mainis tinago ko na lang ulit ang phone ko. “Asan pala si bakla?” tanong ko agad kay Cathy noong dumating siya dala ang order namin. We ordered the same chicken mcdo with fries and a mcflurry. “Baka umuwi ng house, mahaba-haba ata vacant niya eh.” She answered naman. I told to myself na I do not need someone else my friends are enough to make me happy. Pero bakit isang araw ko pa lang nakausap, nakita si Mika parang ang tagal ko na siyang kakilala.  Why I am acting like this, in fact wala naman kaming ibang connection beside sa ticket na binili ko sa kanya.  Pinanghahawakan ko ba yung sa concert, maybe yes. Kailan ba ako huling nakaramdam ng ganitong feeling? Senior high? Umiling iling na lang ulit ako para ibahin ang nasa utak ko. “Anong nangyayari sayo?” tinignan ko si Cathy dahil mukhang kanina pa siya nakatingin sa akin. “Parang kang tanga Dan sa totoo lang,” dagdag pa na asar niya sa akin  “Habang kumakain ka ‘yang dalawa mong kilay malapit ng magdugtong.” tinawanan ko na lang nang sabihin niya ‘yon. “Sorry na may iniisip lang ako.” Sagot ko naman “Hindi niya jowa ‘yon Dan huwag mong alalahanin.” Nasamid ako ng isagot niya sa akin iyon. “Sino naman?” Nakataas ‘kong kilay na tanong “Si Mika ‘teh, bakit may iba pa ba ha?” may pagka-saracastic na sabi niya. Kaya bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya. “Huh? Sinong may sabing iniisip ko siya.” Paiwas kong sagot at saka sumimsim sa softdrinks na iniinom ko. “Iwas pa, ma-ghost sana sinungaling.” Tumingin ako sa kanya na may pagkamangha nang sabihin niya iyon. “Makikisabay daw sa Concert si Mika.” tutal siya na rin naman pinag uusapan namin, mas maganda ng masabi ko na rin kay Cathy. “Inamin mo rin.” sabi niya ng may pang aasar kaya napairap na lang ako. “Anong meron at naisipan niyang sumabay?” she asked. “Is he hitting on you?” sunod na tanong niya kaya tuluyan na akong naubo sa softdrinks na iniinom. “Cathy! No, wala lang daw siya kasabay pumunta.” Defensive na pagkakasabi ko sa kanya kahit ang totoo hindi ko rin alam ang dahilan bakit niyang gusto sumabay sa amin. He only said na pareho kami ng ticket. “Ahhh…” She said na may pang-aasar pa rin while nodding kaya hindi ko inaalis ang death glare ko sa kanya. “He’s ride ba?” “Yeah.” Walang ganang sagot ko “He already knows na kasama ko kayong dalawa ni Dale.” Dagdag ko. “Mika burgis.” I just laughed at her. “Atleast di mapapagod si Tito sa paghatid at sundo sa atin.” I’m just nodding while she’s saying that. Kasi ganyan din naisip ko nang mag offer si Mika. Ilang minuto rin kaming nagpalipas bago naisipang bumalik sa campus. Pumunta muna kami sa comfort room ng EB ni Cathy para makapag ayos para sa first period namin this afternoon.  Habang nagtotoothbrush kami ni Cathy may dalawang babaeng pumasok napatingin ako dahil ang isa sa kanila ay umiiyak. Kaya umurong ako pa left to give space to them. “Bakit kasi hindi mo siya kausapin ng harap-harapan?” Nagkatinginan kami ni Cathy at saka sabay na nagkibit balikat.  Sana aware sila na may ibang tao pa dito. Wala man kaming balak makinig pero dahil sa lakas ng boses nila maririnig naming. “Ayaw ko baka i-ignore niya lang ulit ako.” Sabi ni ate habang umiiyak parin. Base from their green lanyard I’m guessing na they’re from Industrial department. Kunwari ay wala kaming narinig nagpatuloy lang kami ni Cathy sa ginagawa. “Ghoster talaga mga Civil Engineering sabi ko na sayo.” Pagalit na sabi ni ate na nagcocomfort. “Lalo na ‘yang si Mikaela.” Nanlaki ang mata ko nang mabanggit ang pangalang Mika. Napatingin din ako kay Cathy na nakataas na ang kilay. “Siya talaga nagtayo sa kultong ghoster ng Civil.” May galit na dagdag niya. “Bakit mo dinadamay si Mika” hagulgol pa niya “si Dawn nangghost sa’kin eh!” umiiyak man ay nakuha niya pa ‘ring ipagtanggol si Mika. “Magkakaibigan mga ‘yon” depensang sagot naman ng kaniyang kaibigan “friends with the same feather flocks together.” Bago ko pa makalimutan na may pasok pa pala kami kinalabit na ako ni Cathy para mag ayang umalis. Gustuhin ko man na makinig pa sa pinag-uusapan nila ay baka tuluyan na ma-late kami sa next class namin. “Isipin mo ‘yon papasok na lang tayo may chismis pa tayong maririnig.” Cathy said halata ang pagkamangha sa mukha niya. Naglalakad na kami papuntang room. Wala pa rin akong kibo dahil pati ako ay gulat sa narinig.I didn’t know na may mga ganoong tawag pala by department natatawang isip ko. Ghoster mga Civil huh? Are we focus that much on our studies? Maybe? Dahil for the 2 years na pag-aaral ko sa College never have I engaged sa ibang department aside from Dale. Wala rin naman siyang kinukwento sa amin about other stuffs maliban sa study.  Ganoon din naman si Cathy she only has care on our department. Mga Seniors sa ECE lang din ang ibang nakakainteract namin. Saktong nakadating kami sa room magdidiscuss na ang professor. Mahaba-habang discussion nanaman ito. Nakinig na lang ako rin ako kesa sa mag-isip ng kung ano-ano.  Inilibot ko ang mata ko sa buong classroom at napansin na Oo nga, sa dalawang taon sila lang ang mga nakakasama ko, sila lang ang mga nagiging kaklase ko.  Kung may mahiwalay man sa amin or kung may maligaw na ibang department iilang subject lang. The rest nakaka-keep up kaya magkakaklase pa ‘rin kami.  And also, inaalagaan kami ng mga ECE professor kaya hindi kami nagkakahiwalay ng section as much as possible walang maliligaw sa amin sa ibang department. Nakakatawang isipin na ngayon ko lang narealize na parang may sarili kaming mundo ng mga ka-department ko, or baka ako lang? Na mas pinilit kong i-focus sa pag-aaral ang attention ko kaysa sa ibang bagay. Nasa harap na kami ng University naghihintay ng masasakyan na jeep pauwing boarding house ni Cathy nang biglang sumulpot si Dale sa likod namin. “Ilang weeks ko rin kayong hindi nakakasabay umuwi ha?” nakakagulat na sabi niya sa likuran namin. Hinampas naman siya ni Cathy sa balikat bilang ganti. “Ang sakit ‘teh ha?” acting ni Dale. “Aatakihin ako sa puso dahil sayo Dale sa totoo lang.” iritang sagot ni Cathy sa kanya Dale is so Handsome, kung hindi mo siya kakilala I swear you will have crush on him like Cathy. Hindi katulad ng ibang gays si Dale, kumikilos pa rin siyang parang lalaki, hindi rin siya malamya.  He’s literally just like a guy na pang heartthrob. When you will talk to him without knowing what he is pagkakamalan mo siyang straight.  Pinapakita niya lang ang kabaklaan niya when we are around ni Cathy, also siguro sa ibang group of friends niya. With his hair down style na parang korean ang dating specs on, small face, and pointed nose. Hindi ko alam kung ilang babae na ang napaiyak nito dahil nareject sila. “Alam ko gwapo ako Daniel pero ‘di tayo talo.” Tinaasan ko siya ng kilay nang sabihin niya ‘yon. Di ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya. “Duh di kita type di naman ako si Cathy.” Umirap ako habang sinasabi iyon at saka tumawa. “Oo, di mo talaga type si Dale kasi iba gusto mo.” Ganti naman niya sa akin. Bago pa kami tuluyang magbardagulan sa harap ng university sumakay na kami ng Jeep nang may magparada sa harap namin. “May kilala ka bang Mikaela sa Civil? Dale” napaharap ako sa pwesto ni Cathy nang bigla niyang itanong iyon at sabay ko siyang tinaasan ng kilay. Dahil may kasabay kaming mga Engineering students sa jeep na sinasakyan namin. Hindi ko alam kung inaasar ako netong si Cathy dahil parang hindi niya nakuha ang gusto kong sabihin na ‘b***h what are you trying to do?’ The moment na binanggit ni Cathy ang pangalan ni Mika parang may nag-ring na bell at halos sa mga nakasakay na Engineering students ay napatingin sa puwesto niya. “Mikaela? It does ring a bell pero di ko sure saan ko narinig.” Sagot pa rin ni Dale without knowing kung ano ang nangyayari. Nang makarating na kami sa gate ng subdivision bumaba na kami sa jeep at siya naman pagtusok ko sa tagiliran ni Cathy para kilitiin kaya napasigaw siya. “Gaga ka, what do you think you’re doing back there?” sabi ko kaagad sa kanya. “What?” she’s still bursting in a laugh while she’s saying that. Napatingin naman sa amin si Dale ng may pagtataka sa mukha. “I know you did that on purpose Catherine.” Alam ko na gusto niya akong asarin para makaganti sa akin. “Teka nga ano ba ang nangyayari ha?” Naguguluhang tanong ni Dale sa amin “Do you mind explaining it to me my friends?” Para makarelate sa pag-aaway namin ni Cathy in-explain namin sa kanya ang lahat. Binanggit na rin namin si Mika kung sino siya at ang chismis na nasagap namin kanina sa comfort room ng EB. “So, you guys saying na si Kuyang may ticket ay si Mikaela na sinasabi ng iba na leader ng kulto ng mga ghoster sa Civil department?” mahabang sagot ni Dale kaya natawa na lang ako. Kulto talaga seriously? “Yup!” pagsasang-ayon naman ni Cathy sa kanya. Saktong nakadating na kami sa house nang matapos i-explain ni Cathy ang lahat kay Dale. “Narinig ko na ang pangalang Mikaela pero di ko alam kung saan.” Nag-iisip na sabi pa rin niya “Also, I know naman na ghoster mga civil but not me.” pagdedepensa niya sa sarili. Nasa banyo ako para magpalit ng damit pero rinig ko pa rin sila Cathy na nag-uusap about kay Mika. “It’s just I didn’t expect na hindi nyo alam ang about sa ghoster thingy na ‘yan.” “Diba? Dannie what we have done in the two freaking years of our college life” sigaw ni Cathy sa akin ‘causing me to burst a laugh. “I don’t know,” sagot ko pagkalabas ko ng banyo “It’s like all of these are new things to me.” “Grabe ang scary talaga ng mga ECE students totoo man.” Dale said and then he shrugged habang papunta sa kwarto niya.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD