CHAPTER TWENTY-FIVE

1087 Words
Medyo pataas ang lugar kung nasaan ang mga pool kaya umakyat kami ng hagdan. Bubungad sayo ang mga pool benches at ang kulay bughaw na tubig ng pool. Ang ganda. Inilibot ko ang tingin at nagtaka bakit parang kami lang ang tao? It’s a nice weather para magswimming. “Bakit parang walang tao?” pabulong kong tanong kay Jae “Halos night swimming niyan sila” he answered naman. Kita ko rin ang mini bar na sinasabi kanina ni Trinity. Sobrang ganda ng pwesto nito dahil nakatabi lang siya sa swimming pool. If you wanted to swim and you’re already tipsy then just jump lang sa pool. Nagpicture kami sa mga wooden couch and benches. Inakyat din naman ang isang bahay na sa may tuktok para pumunta sa may terrace nito sa likod, dahil sabi sa amin ‘nung staff na nakasalubong namin ay mas maganda daw ang view doon. At hindi nga siya nagkamali dahil ang ganda nito sa taas ang presko the wind and gloomy day is just so perfect. Gulat ako nang hablutin ni Jae ang kamay ko at hinigit ako sa may couch para maupo. Tumingin ako sa harap at kita kong pinipicturan kami ni Viel kaya nagpose kami. With the nature and blue sky on the background panigurado maganda ang kuha. Kita ko naman na saktong paakyat sila Mika at Trinity sa pwesto namin and there I saw Mika’s face was so gloomy. Tamad lang maglakad? Nag-aya naman sila Dale na magpicture kaming lahat kaya ginawa namin. Kita ko pa nga si Mika nakipagpalit ng pwesto kay Trinity just to be by my side. Pareho kong katabi ngayon ang dalawa. “Say Viel cutie” rinig ko pang sabi ni Viel kaya natawa kami instead na sabihin namin iyon as the staff captures us laughing. Akala ko ay tapos na at bababa nakami but Mika held my hand at saka kinuha ang phone sa bulsa para magpicture. Buti na lang at wala sa tabi ko si Jae nauna na atang bumaba kasama sila Viel dahil aasikasuhin na nila ang pagkain. “We still don’t have a picture” seryosong sabi niya kaya napangisi na lang ako. “Ang tagal” biro ko pang sabi, he set his camera on selfie mode. Ready na ako mag peace but the moment he clicks his phone I felt his lips on my cheeks. Kaya agad akong lumingon sa kanya at agad naman itong tumakbo paalis habang nakangisi pa. “Wag ka lalapit sa akin sasapakin kita” seryoso kong sabi while showing him my fist. Parang tanga para-paraan ang pota. Bumaba na ako dahil mag-isa ko na lang na natira sa taas. Mga walang hiya iniwan ako mag-isa. Nakadating ako sa may balcony ng hotel at kita kong nakahanda na ang lahat ng pagkain. Medyo natagalan ako sa pagbalik because I check the store na malapit sa hotel to buy some ice cream. “San ka galing?’ tanong naman sa akin ni Dale nang makita niya akong naglalakad papunta sa kanila. “Diyan lang sa may store,” sagot ko habang kinakain ang ice cream na hawak ko “ang mahal ng tinda buti na lang namili si Jae” napatingin naman siya sa akin kaya nag-thumbs up ako sa kanya and he smiled naman. Naghanap na ako ng puwesto para umupo dahil gutom na rin ako at hindi sapat ang ice cream para mabusog ako. It’s past 1 pm na ng tanghali kaya medyo late na ang lunch namin. Mas inuna pa kasi ang libot. “Kain na! labas na kayo diyan!” sigaw naman ni Dale dahil iilan palang kami dito sa labas. Halos nasa loob ata sila nag-aayos ng gamit. Ilang minuto lang din ang nakalipas at nagsilabasan na sila. We already started eating. Grabe ang daming pagkain sana ay maubos namin. May seafood, lasagna na dala ko, fried chicken, kanin na si Cathy ang nagprisinta, Sepu egg na hindi ko alam kung sinong nagdala. Nasa hapag kainan din ang cupcakes na binake ko. Madami pa actually may salad and all desserts na naka dine in. kung alam ko lang na masaydong masipag ang mga kasama kong magluto. Sana nag-volunteer na lang din ako sa groceries. Sobrang sarap ng seafood na dala ni Mika kaya halos ito ang paubos na. I’m still struggling sa crab na hindi ko mabuksan kaya narinig ko ang katabi kong humagikgik at saka kinuha ito sa plate ko para buksan. “Why are you using utensils kasi to open it” natatawa niyang sabi kaya halos sa mga kasama namin ay napatingin. “Nako sana all talaga,” pang-aasar sa amin ni Viel, natawa ako kay Mika na nasa harapan ko na tumingin ng masama kay Viel to stop him from teasing us. “Ayoko na ng crab sa inyo na lang wala rin naman magbubukas neto para sa akin” not minding how Mika looked at him earlier nagpatuloy pa rin ito sa pang-aasar. Are they really friends? “Mika please peel this for me” rinig ko naman na sabi ni Trinity pero hindi na ako nag-abala pang tapunan sila ng tingin dahil medyo busy ako ngayon sa crab na binuksan ni Jae para sa akin. Damn it tastes so good. Nagpatuloy lang kami sa pagkain at medyo madami-dami pa ring mga pagkain ang hindi nagalaw. “Dan gawa mo ‘to?” tanong ni Cathy sa akin habang hawak nito ang cupcake na dala ko kanina. “Yup!” sabi ko naman. Kakatapos lang niya kumain ng kanin she will eat cupcakes na? “Ang sarap! Duda ako si Tita nag-bake nito hindi ikaw” pang-aasar niya pang sabi sa akin. Kaya I looked at her with my annoyed face. “I-chat mo pa si Dos sige” paghahamon ko namang sabi. Kita kong sabay na kumuha ang dalawa ng cupcake sa tray, Mika and Jae at tinikman nila ito. Medyo kinabahan naman ako baka hindi siya masarap. Nagsikuhanan na rin ang iba at muntik pa itong lantakin lahat nina Viel at Dale. “Hoy! Ikalma nyo mamaya yung iba” pagbabawal naman sa kanila ni Dawn kaya natawa kami. “Mamaya?” nagtatakang tanong ni Mika sa kanya “Oo pulutan” and we just gave him a what the fck look. “Kadiri ka pre” sabi naman ni Viel “mag-isa mong ipulutan” “Tanga malamang mamayang miryende” ganti naman ni Dawn at nagpatuloy lang sila sa pagbabangayan, habang kami ay busy na sa pag-aayos ng aming mga pinagkainan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD