CHAPTER TWENTY-SIX

1116 Words
Natapos na ang miryenda at kaming lahat ay nandito na sa may balcony ng hotel. The boys are started drinking some beers may sarili silang mundo pero kami nila Cathy ay mamayang konti pa dahil hindi pa bumababa ang kinain namin kanina. “Did you really like ECE?” they are talking about courses ata. “Kinda” rinig kong sagot naman ni Jae, nakatalikod kami ngayon sa kanila nasa left side kasi kami at nag-create din kasi kami ng maliit na circle with the girls. “Oh nice, kami kasi nagbato-bato pick lang sa Civil” natawa ako kaunti sa sagot ni Viel at rinig ko rin ang mga kasama ko na tumawa. “Like legit, kung si Dawn nanalo we’re taking Electrical” paliwanag na sagot naman niya “Mika’s the only one here who likes Civil” Dawn said. “Is Jae courting you?” napataas ako nang noo at sabay na napabalikwas kay Trinity when she asked it. Kita kong pati si Cathy ay nakatingin sa akin naghihintay ng isasagot ko. “Uh… no?” hindi ko sure na hindi ko rin alam bakit ganoon ang tono ko. “Hmmm. I doubt” she’s teasing me “you look good together honestly” dagdag pa na sabi niya. Cathy is just staring at the floor. “Bat ba kayo nagsosolo diyan,” Dale caught our attention, buti na lang nakaligtas “come here hindi naman boys talk itong pinag-uusapan namin” and he laugh. Wala naman kaming nagawa at dinala ang upuan saka naman sila umayos, Trinity sat beside Mika nakagitna siya kila Jae, and me beside Jae on the other side is Cathy na pumasok sa loob may kukuhanin ata. “What are you guys talking?” tanong naman ni Trinity as she crosses her legs saka niyakap ang sarili. Mika immediately offer his jacket naman at mabilis naman niya itong tinanggap. I’m not cold, hoodie ang suot ko habang naka short ng jeans. Medyo maikli nga lang ito. “Ah studies” maikling sagot naman sa kanya ni Dawn. Trinity just nods. Kita kong pabalik na si Cathy holding some can beers. She offers me at kinuha ko naman ito ang isa naman ay ibinigay niya kay Trinity. “Thanks” Ilang minuto din kaming walang imik tanging tunog lang nang pagbukas ng can beers ang ingay at tunog ng utensil na siyang nasa pulutan na nasa gitna. “Are you courting Daniel, Jae?” rinig kong naubo si Viel sa iniinom nito lahat kami ay napatingin kay Trinity ng itanong niya iyon, I mean what a nice way note that I’m being sarcasm here to break the silence? Lahat kami ay naghihintay ng isasagot ni Jae, why does she have to ask it? Hindi pa ba siya kuntento sa sagot ko kanina? “Hmmm I’m not sure, but I’m trying to win her” nakatingin lang ako kay Jae habang sinasabi niya iyon at nagkasalubong naman ang tingin naming dalawa. Kaya si Trinity continue teases us by saying ‘yie’ many times. Nahalata naman niya na siya lang ang nang-aasar sa amin at feeling ko ay ramdam niya rin ang aura ng katabi niya na si Mika na biglang naging gloomy. “Let’s play Paranoia game na lang!” medyo awkward na pagkakasabi ni Viel. Mabuti naman at naglakas loob siyang magsalita. “Huh? Paano yun?” Cathy asked. Kahit ako ay hindi alam kung paano laruin iyon. “Imbento ka na naman niyan pre eh?” birong sabi naman ni Dawn sa kanya. “Edi huwag ka sumali” irita naman ni Viel. Natawa ako he’s so cute. Hindi pa siya tipsy dahil kung may inom na ito kanina pa siya tahimik. But now I think he’s far from being drunk. “Explain it now Viel!” Trinity said. “Okay so this is how it plays, magpapaikot tayo ng bote sa gitna—” “Truth or Dare lang ‘yan eh!” pang-aasar pa ng husto sa kanya ni Dawn. Umambang susuntukin na siya Viel kaya mas lalong natawa kami. “Hindi pa kasi tapos, isa na lang Dawn Montemayor uuwi ka sa inyong black ang isang mata” pagbabanta pa niya sa kaibigan. “Papaikot natin ang bote sa gitna kung sino man ang natuldo, someone must give them a question. But the twist is, yung magbibigay ng question ay i-chachat niya lang yung tanong sa taong natuldo then they must pick a person here in our circle kung sino ang sagot niya.” “So, the question must contain choices between two people na nandito” paglilinaw naman ni Dale. Bakit feeling ko mas mahirap mag-isip ng tanong kesa sa sumagot? “Yup! kunwari sinong mas gusto kong sapakin si Dawn Montemayor or si Montemayor Dawn?” we laughed again, Dawn just gave him a middle finger. God, why are they so funny. “The question must remain only between the asker and the answerer. But if you really want to know what the question is kailangan mong tumungga ng limang baso neto” saka niya nilabas sa ilalim ng upuan niya ang isang alak na kailan man ay hindi ko pa natitikman. I saw the boys expression even Mika face parang masusuka nang makita ito. Is that really taste bad? “Ang lala niyan pre lima talaga sagad na? di pwedeng isa lang?” mahilig talaga tumawad si Jae pati sa inuman ginawa niya. “Okay sige tatlo na lang” napangiwi pa rin sila sa sagot ni Viel. “Buti na lang medyo wala akong pakialam sa inyo ngayon” biro naman ni Dale because he probably doesn’t want to drink it. “Okay so let’s start?” tanong ni Viel saka kumuha ng isang bottled water” “Wait” napatingin naman kami kay Cathy na nasa tabi ko “Sino yung magtatanong?” oo nga pala nawala rin sa isip ko iyon kanina na gusto ko rin itanong. “Ahhh, the one who will be ask is going to pick here kung sino ang magiging questioner niya” at muli siyang naglabas ng isang maliit na box na kita kong may laman na pira-pirasong papel which I doubt nakasulat ang mga pangalan namin. “Hindi naman halatang pinaghandaan mo ito Viel” Trinity said naman. Balak niya talagang maglaro kami at buti na lang ay nakatyempo siya kanina ng ayain kami kaya wala kaming ibang choice kung hindi ang sumali. “Ano game na ba?” tanong niya sa amin habang nililibot ang mata “no violent reaction?” “Wala na! start mo na” hindi makapaghintay na sabi naman sa kanya ni Dawn. Para talaga silang aso’t pusa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD