CHAPTER TWENTY-THREE

2134 Words
“Mamamatay ‘yang kulay yellow ang buhok next season” sabi ko kay Dos habang nakaduro ang kamay ko sa TV saka ako umupo sa tabi niya. “Shut up ate isang season lang ang anime na ‘yan” natawa na lang ako akala ko ay hindi papatulan niya ako. “Ibang anime pala napanuod ko” pagpapalusot kong sabi, kita ko naman na ngumisi lang siya. Kumuha na lang ako ng prutas na hinapag kanina ni Mom at saka na lang ako nakinuod kahit hindi ko alam kung maiintindihan ko pa ito. “Kumusta na pala girlfriend mo na si Aryan?” dahil hindi ko rin maintindihan itong pinapanuod namin dahil hindi ko naumpisahan itutuloy ko na lang ang pang-aasar sa kanya. “Hindi ko siya jowa ate, magkaibigan lang kami” iritang sagot naman niya sa akin kita kong biglang namula ang kanyang tenga. Succeed isang banat na lang asar na’to “Sus! Duda ako” saka ako ngumisi sa kanya kahit masyado siyang tutok sa kanyang pinapanuod at hindi man lang ako magawang tapunan ng tingin. Aryan is his childhood friend, katabing bahay namin sila noon pero napilitan silang lumipat kaya naiwanan siya nito. But I know na they are still classmates. I know Dos likes her, sa akin pa niya itatago matagal ko ng alam. “Mom! Can you please get ate here ang ingay niya!” saka niya ako hinarap at kita ko ang annoyed face niya kaya hindi ko na napigilan pang tumawa ng malakas. “Daniel Hope! Tigilan mo na ‘yang kapatid mo” saway sa akin ni Mom saka ako pinalo sa braso. “Okay I’ll stop na manunuod na lang ako” I’m still bursting to laugh while saying it kaya noong tinignan ako ni Dos sobrang sama ng tingin niya. Hindi ko na siya inasar at nag-focus na lang din sa aming pinapanuod ilang sandali lang din ay sinamahan kami nila Mom and Dad para manuod. Hindi ko lang alam kung naiintindihan ba nila ang palabas. Si Dos naman ay wala pa ring balak na palitan ang pinapanuod kaya pinabayaan na lang namin tutal nakikinuod lang naman talaga kami. They asked us kung kumusta naman ang pag-aaral ko of course sinabi ko na foundation week last week pero sa studies ko naman ay ayos lang. Simula na ng final term namin sa this coming next week. Dos is still on the top matalino naman siya ABM nga kinuha dahil balak niya ata mag-accountancy. Kahit puro anime ang pinapanuod niyan seryoso siya sa kanyang pag-aaral sadyang torpe nga lang siya at sobrang tahimik. Dos is an introvert syempre katulad ko pero mas madaldal naman ako at ako lagi ang nag-uumpisa ng asaran. Hindi naman siya nagpapatalo. Madalang lang kami magkaroon ng seryosong usapan nito dahil maliban sa hindi naman siya interesado sa sinasabi ko tamad din siya magsalita, He’ll just listen to you. Pero kapag nagsalita siya may point siya lagi kaya mahirap siya awayin. “Dos wala na ba nagbibigay ng chocolates sayo?” tanong ko habang nakatutok pa rin sa TV ang tingin. As expected hindi siya sumagot dahil alam niya kung saan patungo ito. “Daniel…” may pagbabanta sa boses ni Mom, para sabihing huwag ko ng ituloy ang binabalak ko. Hindi ko alam bakit trip na trip ko asarin ngayon si Dos. Siya kasi unang nakita ko pagkauwi kaya siya tuloy ang gusto kong pagdiskitahan. I smiled cutely naman kay Mom para sumuko at hindi ko na aasarin si Dos. Ilang minuto pa ang itinagal at nagdecide na umalis si Dad may kailangan daw asikasuhin sa trabaho niya kaya maaga niya rin akong sinundo kanina. At sa huli kami na lang ulit ang naiwan ni Dos sa panunuod. Hindi ko na siya inasar pang muli dahil medyo naging interesado ako sa aming pinapanuod. Maghapon kaming nanuod ni Dos dahil tinapos namin ito. Naiintindihan ko naman siya sa totoo nga I’m still craving for it na siyang ikinagulat ng kasama ko. Bumalik ako sa kwarto and to see na ang daming messages. I didn’t check my phone pala kanina dahil pinabayaan ko lang itong naka-charge sa kwarto. I saw Cathy and Dale’s messages na nakauwi na daw sila sakani-kanilang bahay. Then Mika and Jae’s messages asking if what I’m doing. Dahil tamad ako at walang gana magreply pinabayaan ko na lang ito. Magkikita naman kami bukas. Kinabukasan maaga akong nagising para makapag-prepare para sa swimming. Nagpaluto ako kay ate mimi ng lasagna and I decided to bake some cupcakes na rin. Dalawang araw kami doon. Mika will going to fetch me up daw mamaya. Muntik pa nga sila mag-away dalawa ni Jae sa group chat kung sinong susundo sa akin. Dahil mapapalayo pa si Jae kung susunduin pa niya ako. Nagpaubaya na siya na si Mika na ang sumundo sa akin at para matigil na ang pagtatalo. Balak ko ngang sabihin na magpapahatid na lang ako but hindi nakauwi si Dad galing trabaho kaya walang magda-drive para maghatid. “Ate mimi okay na ba ang tamis nito?” nasa kusina kami ngayong dalawa at tinitimplahan ko ang cupcake na balak kong dalhin mamaya. Tinikman naman niya ito agad and she just gave me a thumbs up kaya natawa na lang ako. Mom is already on the Coffee shop she wanted me na kumuha na lang ng cup cakes doon, but I refuse, dahil balak ko rin mag experiment kaya pinabayaan na lang niya ako. Kita kong lumabas si Dos sa kwarto niya, bagong gising pa lang. “Dos tikman mo’to” naglakad naman siya papunta sa akin at tinikman ang bagong bake na tinapay. “It’s good” ngumiti na lang ako sa sagot niya inubos muna niya ito at kumuha pa ng isa bago tumalikod at dumeretso sa living room. I guess masarap nga ang bake ko dahil napakuha ko pa siya ng isa. Ngumisi na lang ako at pinagpatuloy sa ginagawa. Past 10 na noong natapos kami ni Ate mimi magluto at mag-ayos. Kumain muna ako at saka naligo na para makapag-ayos because Mika texted me na papunta na rin daw siya sa amin. “Dan dumating na bisita mo” rinig kong sabi ni Ate mimi habang kumakatok sa kwarto ko “Papasukin mo Ate patapos na rin ako!” sigaw ko namang sabi. Medyo na tagalan pa ako ng kaunti dahil hindi ako makapagdesisyon sa buhok ko, sa huli I bun it na lang, I’m putting a light make up para mabuhayan ako. Lumabas muna ako para matignan kung si Mika na ba talaga ang dumating. “Yeah… it’s like they are giving you all the possibilities but because it’s so much you can’t comprehend it, so you just stuck.” Napakunot ang noo ko nang marinig si Mika na nagsasalita. “Sinong kausap nito?” bulong ko sa sarili. Nang makadating sa living room kita kong pareho sila ni Dos naka-focus sa panunuod. “It ends up that volcano curse domain overwhelmed” Hindi nila napansin ang pagdating ko dahil they still both focus on their watching. Nagkataka pa nga ako dahil nagsalita si Dos “Nakahanap ng kasundo sa anime” biglang sabi ko kaya sabay na lumingon silang dalawa sa akin Mika just smiled at me as he stands up sa pagkakaupo. They are both talking about domain something. Panibagong anime na naman ang pinapanuod nito. “Sige manuod ka lang muna diyan kunin ko muna mga gamit” he just nods patalikod na ako ng maalala ang dapat na itatanong sa kanya “did you eat na pala?” lumingon ulit siya sa akin habang nakaupo “Yup!” “Okay” saka na ako umakyat sa taas para kunin ang mga gamit. Hindi na rin nagtagal at umalis na rin kami. Cathy texted me na malapit na daw sila doon kaya kailangan na naming magmadali. “Come here again Kuya kapag wala kang ginagawa we’ll watch more animes” palabas na kami ng main door ng marinig ko si Dos na magsalita sa likod. Lumingon ako sa kanya para ipakita ang mukha kong gulat na gulat I heard Mika’s laugh “Yeah sure! Next time” ngumiti naman si Dos kaya hindi nawala ang gulat sa mukha ko. “You seem pretty shock” sabi pa ni Mika habang kinukuha ang hawak kong mga paper bags na may laman na pagkain. “Dos really said that to you?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “You heard him right?” he said naman habang nakangisi pa rin saka naglakad papuntang sasakyan. Nagpalaam ako kay Ate mimi, dahil silang dalawa lang naman ni Dos ang tao sa bahay. Dadaanan muna namin si Mom sa Coffee shop dahil ipinagbilin niya ito kanina bago siya umalis. “Anong pinakain mo sa kapatid ko? Bakit parang matagal na kayong magkakilala?” bumalikwas ako ng tingin sa kanya. Isang tawa lang ang narinig ko. “Nothing” ani pa niya “he just like me kaya sagutin mo na ako” I gave him an annoyed face saka tumingin na lang sa binatana. Parang tanga. Ilang minutes lang naman ang layo sa Coffee shop kaya madali lang kami nakadating. Sinama ko si Mika sa loob and we saw Mom on the counter. Inilibot ko ang tingin at kitang madami-dami ang tao. Ilang months na rin akong hindi nakakapunta rito dahil medyo busy sa studies. Nang nakita naman niya kaming palapit sa kanya she calls one of her employees para pumalit sa kanya sa counter. He take off her apron at sinalubong ko naman siya ng isang halik sa pisngi. “Alis na kayo?” kita kong nagmano naman si Mika kay Mom and she just smile at him. “Yup!” sagot ko “Uhmm… Mom si Mika , Mika my Mom” pagpapakilala ko naman. “Manliligaw po ako ni Dan” nagulat akong lumingon sa sinabi ni Mika kaya nahampas ko siya sa braso. I heard Mom's laugh. “Oh… I see” she’s just smirking at us. “Pumunta ka ng bahay next time saka tayo mag-usap ng Dad niya” dagdag na sabi ni Mom kaya kita kong nagbago ng expression si Mika, parang bigla siyang namutla. “Mom!” sabi ko dahil kita kong inaasar na lang niya ito. “Have a drinks muna bago kayo umalis” offer pa ni Mom sa amin. “We’ll just take it Mom, nandoon na daw sila Cathy” dahil mas lalo lang kami matatagalan kapag nag-stay pa kami. “Okay, bring Cathy next time na uuwi ka I miss her” sabi pa niya bago nagpaalam sa amin para i-prepare ang drinks namin. Madali lang din kaming naghintay dahil wala naman talaga kaming balak magtagal. Kanina pa ako inispam ni Cathy ng text kung saan na daw ba kami. “Alis na kami Mom!” I’m waving at her. “Thank you Tita! Alis na po kami” sabi naman ni Mika as he’s smiling at my Mom. “Sa susunod may bayad na ‘yan!” biro naman niya kay Mika. Sumakay na kami sa sasakyan at agad naman niya itong pinaandar para makaalis kami. I bluetooth my phone on the raiod to have some music. Mga isang oras at kalahati lang din naman ang byahe. Cathy: ‘Where are you?’ ‘Ang tagal nyo!’ I open my phone and kitang mga message ni Cathy at Jae ang bumungad sa akin natawa ako ng mabasa ang kay Cathy kaya ang katabi ko ay napalingon sa akin. “What?” tanong ko dahil ang sama ng tingin nito. “Nothing” sagot lang niya saka nag-focus na sa pagda-drive nagkibit balikat naman ako. ‘Malapit na…’ reply ko kay Jae. Hopefully kinakausap siya nila Viel doon. Sabi ko naman kasi sa kanya na magsama siya ng kaibigan niya pero tumanggi ito at sinabing siya na lang daw. Mika said na hindi daw makakasama si Mark pero ito ang naghatid kay Trinity. I still didn’t tell kila Cathy and Dale ang pinag-usapan namin noong isang gabi na manliligaw sa akin si Mika, ang alam lang nila ay ang tungkol kay Jae. Kaya sana ay walang mangyaring inconvenient sa outing na ito. Nakadating din kami sa wakas at bumungad sa amin ang magandang tanawin. I scan the whole place as we walk papuntang room namin. You can really say the little taste of Rome because of the colosseum and some roman statues. But I’m still wondering where are the pool? Nagkibit balikat na lang at muling inilibot ang tingin “Ang ganda…” I’m still in an awe dahil sa tagal na nagbukas ang resort na ‘to ngayon lang ako nakapunta. “Maganda nga” sabi ng kasama ko kaya napalingon ako sa kanya to see na sa akin siya nakatingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD