Nasa boarding house na kami ngayon. Nag-aayos ako ng gamit at ang dalawa kong kasama ay parehong knocldown na dahil parehong pagod sa maghapon. We taught na dahil last day ay wala ng gagawin but we’re wrong dahil mas pagod pa kami ngayon kesa noong first day ng foundation.
The whole afternoon we are all so busy dahil sobrang daming customers, hanggang ala-sais ata kami ng gabi. Also, our Adviser invited us for the dinner because of the success of our booth dahil hindi namin inexpect ang kinita namin doon kaya we celebrated muna bago umuwi. Ganoon din daw ang nangyari kila Dale kaya noong pauwi ay sabay-sabay din kami.
We didn’t saw them noong pauwi; Viel, Dawn, Mika nagkataon lang na nakasabay namin si Dale sa jeep. Ako na lang ang gising sa aming tatlo. I don’t even remember kung naghilamos ba 'tong si Cathy or she just lay down on her bed, nakainom din kasi siya ng kaonti kaya siguro hinila na ng antok.
I did my routine, nakahiga na rin ako sa aking higaan it’s past 11 pm na rin at ready na’kong ipikit ang aking mata ng marinig kong tumunog ang aking phone hudyat na may nag-message sa akin. I murmured a curse ng hindi ko na napigilan ang aking sariling kamay to check who chatted me.
Mika:
‘Still up?’
‘Can we meet?’
‘Kahit sandali lang?’
Sunod-sunod na message ang nareceive ko from him.
Huminga muna ako ng malalim bago mag-reply. I don’t have any choice but to reply dahil na-seen ko na ang messages niya.
Me:
‘Why?’
Ano bang kailangan niya? hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang. at kailangan ngayon pa? hindi ba siya pagod? Kami nga na hindi SSC grabe na ang pagod paano pa kaya siya?
Mika:
‘I want to see you’
I furrow my brows while reading his chat. So anong gusto niyang i-reply ko?
Me:
‘Okay?’
Hindi alam ang isasagot kaya kung ano na lang ang naisip ang siyang nireply ko.
Mika:
‘I’ll pick you up’
‘5 minutes’
Naghanap ng jogging pants saka hoodie and put my hair into a bun saka hinanap ang wallet ko. Tamad ako mag-ayos hindi naman siguro kami lalayo.
Umakyat ako sa hagdan ng double deck at niyugyog si Cathy para magpalaam. Baka malingat na naman ito at makitang wala ako tuluyan na niya akong isumbong kila Dad.
“Cathy…” tapik ko sa may hita niya ang hirap naman umakyat dito “I’m going out with Mika sandali lang kami” sabi ko and I jumped dahil nangangalay na ako sa pag-akyat.
“Okay… ingat” rinig kong sabi niya kaya natawa naman ako.
Ilang minuto lang ay narinig ko na ang sasakyan sa labas and before leaving I check my face on the mirror. Ang pale ng mukha ko dapat pala I put some liptint. Nagkibit balikat na lang ako dahil tamad din akong mag-ayos.
I opened his car and the familiar scent welcomed me as I stepped in. Nakangisi niya akong tinitignan habang inaayos ang seatbelt.
“Where do you want to go?” agad na tanong niya sa akin
Bigla naman akong napaharap sa kanya “Akala ko ba sandali lang tayo?” wala naman siguro siyang balak lumayo.
“Oo nga” inosenteng sagot naman niya.
“Sa may Crisanta Park na lang” tutal doon naman kami nagpunta noong minsan.
Tahimik lang kami sa byahe. Wala ni isa sa amin ang may balak magsalita, at mag insist na mag play ng kanta sa radio. Mas okay na siguro ito, gusto ko rin ng tahimik.
I’m still wondering kung ano ba ang dahilan ano ba ang trip niya? bakit gusto niya magkita kami? magkikita naman kami sa weekends it’s that so urgent para puntahan pa niya ako.
I will smack him good talaga kapag malaman laman ko lang na he can’t sleep kaya inistorbo pa niya antok ko.
Tinanong niya pa ako kung I’m not craving daw ng street foods nang makadating sa park and I said I’m not naman.
Hindi ko trip kumain ngayon. Gusto ko na lang umupo sa damuhan at damdamin ang hangin.
Nakahanap naman kami ng pwesto. Inilibot ko ang tingin at medyo madami dami na rin ang mga tao kahit ganitong oras na. mas madaming tao ngayon compared dating nagpunta kami.
They are started decorating the park with some parol and Christmas lights dahil ber months na kaya mas nagkaroon ng buhay ang park kaya madaming tao ngayon. Nakalimutan ba nila na Halloween muna?
Umupo na ako sa damuhan I stretched my arms dahil sobrang sarap ng simoy ng hangin. Parang biglang nawala ang pagod ko.
Pansin kong hindi pa rin umuupo ang kasama ko kaya tumingala ako para tignan niya to see that he’s looking at the sky sobrang daming stars na napa-wow na lang ako dahil sa amaze.
“Ang ganda” nasabi ko na lang at rinig ko ang kasama ko na tumawa siya. Nakaupo na pala siya.
I heard him sigh. Is there something bothering him? Is he tired?
“I like you” nawala ang pag-iisip ko nang malalim when I heard him say those words. I don’t know why I’m not surprised.
Hinarap ko siya at saka huminga muna ng malalim “Gusto rin kita” sabi ko na hindi ko inakalang ikinagulat niya “and I hate it” nawala ang pagkagulat sa mga mata niya at napalitan ito ng lungkot nang makitang may pumatak na luha sa mga mata ko.
Umupo ako ng deretso at tumingila para pigilan ang pagpatak ng luha.
“I hate this fvcking feeling kasi sinisumulan na kitang sukuan eh.” Sabi ko and I laughed in fake. “tapos ngayon you confessed on me which I doubtly you’re not sure about your true feelings” lumingon ako sa kanya to see how he reacts pero wala siyang kibo, I guess tama na naman ako.
“You don't like me yet” he looks straight into my eyes.
“Para kang ibon na nakakulong sa isang cage tapos i keep opening the door, but you don’t want it to be opened” nanginginig kong sabi. “you don’t want to be freed, ayaw mong lumabas ayaw mo rin akong papasukin, you just want me to wait outside” I sniffed and let out a heavy sighed
“I’m saying that you don’t really like me, you just don’t want to be alone…”
Before I knew it, he had already hugged me and hushed me.
“No… I-I like you Dan” he starts stuttering into his words because I kept on crying.
“Then let me in!” gigil kong sabi “hindi ko kayang maghintay lang Mika… I can’t” saka humagulgol. Ngayon ko inilabas lahat ng thoughts at hinanakit ko. I really can’t wait for him. Why would I waste my time on him when I know someone is there willing to take me in into their life?
“I will okay” hinarap niya ako sa kanya and feel his thumb wiping my tears.
I really hope he will, bago ko pa siya tuluyang sukuan. Because for now, I’m currently moving on from my feelings for him. I just want to go back to myself when I didn’t meet him. that’s why I also rejected Jae. Hindi ko kayang tanggapin ang nararamdaman niya when I know I have someone I like. I’m being rude to him if I accept it and make him a rebound. Maybe I will, when I’d already moved on from Mika.
Mas lalong sumakit ang ulo. Because just like what happened from Jae, kung kailan kinausap ko si Mika mas naging komplikado pa ang lahat.
Almost half hour na ata pero wala pa ring umiimik sa amin matapos ang nangyari. I’m assuming that past 1 am na. Natuyo na rin ang luha ko at nakatulala na lang ako ngayon. Mika is still by my side staring at me.
Nangawit ang likuran ko kaya humiga ako sa damuhan, mas maganda pala ang pwesto kapag ganito. I can clearly see how vast the sky is.
Lumingon ako sa katabi ko at kitang nakatingin pa rin siya sa akin kaya I look straight into his eyes. He startled naman that’s why I smirk.
“Your classmate will really join us this weekend?”
Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.
“Yeah bakit?” kita ko naming bumusangot siya.
“I can’t make time with you because of him!” bakit parang kasalanan ko? Make time my ass if I know Trinity will be there, siya talaga ang totoong jowa neto kung makaasikaso.
“Kung magbabardagol kayo sabihan nyo ‘ko para malayasan ko kayo” ang tanging nasabi ko sa kanya at iniwas ang tingin.
I didn’t invite him si Viel kaya. Tapos parang sa akin pa niya sinisisi ang lahat.
Kita ko sa peripheral view ko ang iritang mukha niya kaya natawa ako.
“I still have an edge on him” he smirks kaya nagulat ako sa bigla pag-iba ng mood niya. “you still like me though” at tuluyan na siyang ngumiti.
“But he’s more kind to you” pagtatanggol ko naman sa kanya.
“Can you stop defending him?” I look at him and saw his annoyed face.
“Why would I? he’s not here so I’ll defend him instead” asar na asar siya sa akin kaya mas lalo akong natawa sa itsura niya. parang bata?
We talked about the foundation. And wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mag-rant about it.
“Naging successful naman mga events good job SSC” saka ko siya binigyan ng thumbs up.
Ngumiti naman siya. Alam kong kahit ano pang-rant ang gawin niya I know he still enjoyed the foundation. Bilib lang tlaga ako sa kanya because he really can do, he’s fonds of these kind of things. Katulad nga ng sabi ni Dawn he loves responsibilities. But it’s just so ironic na kilala siya bilang ghoster.
“Thank you,” he said.
“Did you celebrate?” I asked him. probably yes imposible namang hindi. Mga SSC officers mga ‘yon
“They celebrated, maaga akong umuwi kaya medyo nakaidlip ako ng kaunti kanina” kaya naman pala ang lakas ng loob mag-aya dahil may tulog na siya kung walang pahinga ito kahit konti hindi siya mag-aaya ngayon.
“Kaya pala na kayanan mong mag-aya,” nilingon ko siya and he’s just smirking at me. “but you still look exhausted though” dagdag ko pang sabi. Parang kakailanganin niya ng isang linggong pahinga sa lagay niya ngayon.
“I was, but hindi na ngayon” umiwas naman ako ng tingin, alam kong nang-aasar na lang siya sa lagay na ‘yan.
“Halata nga” sabi ko and I just rolled my eyes. Nakaya na niya mang-asar I guess wala akong dapat pang ipag-alala.
Nagtagal pa kami ng ilang minuto bago mapagpasiyahan umuwi. Dahil pareho kaming pagod at para makapagpahinga na rin kami.
Hinatid niya ako pabalik ng bahay, balak niya pa nga atang bumili ng balut kanina pero sabi ko huwag na at baka hindi na siya makatulog. Nakauwi naman ako tulog pa rin sila Cathy hindi man lang nalingat sa pagtulog.
Naghilamos akong muli at humiga na I received a text from Mika na nakauwi na siya. I just send him a good night at natulog na rin.
Kinabukasan maaga akong sinundo ni Dad mabuti na lang ay maaga din akong nagising at nakapag-ayos ng gamit, dahil aalis din ata siya ng tanghali. Si Cathy and Dale ay uuwi na rin pero umayaw sila sa akin noong tinanong ko silang sumabay na. Mag-dadate daw silang dalawa, nagtampo na lang ako ng pabiro sa kanilang dalawa.
Mabilis lang ang naging byahe namin pauwi dahil maaga pa nga at nagsisimula palang mag traffic.
Dinatnan ko si Dos na nanunuod ng anime sa living room, ngayon ko na lang ulit ito nakitang lumabas ng kwarto niya ah?
“Himala nasa labas ka?” huminto ako sa tabi niya para asarin.
Hindi man lang niya ako kinibo. “Sira kasi aircon niya kaya napilitan lumabas” kita ko naman si Mom walking towards us galing kusina habang may dalang tray ng prutas.
“Huwag niyo na ipagawa para lagi siyang nasa labas” dagdag ko pang asar.
Kaya kita ko si Dos na masama ang tingin sa akin. Binelatan ko lamang ito saka kumuha ng slice ng pakwan sa lamesa at dumeretso na papuntang kwarto.
Babalikan pa kita Dos Havier hindi pa kita tapos asarin.