Nakadating na kami sa university, hindi natuloy ang kanina kong binabalak na hindi pumasok. Wala rin akong ibang choice kung hindi ang harapin itong ipinasok ko.
I talked to Jae already, but it seems like mas naging lalong komplikado at mas nahihirapan ako sa sitwasyon namin ngayon. I just want to be friends with him. Kung alam ko lang na magiging ganito ang resulta kapag kinausap ko siya mas okay pang hindi ko na nilinaw ang lahat. I shrugged while thinking of it.
We are here now sa room halos lahat ng classmates ko nandito ngayon. Buti na lang at hindi naging big deal ang nangyari kahapon. They are not talking about it anymore and that’s a good thing for me. I scan the whole room and failed to see the person na kanina ko pang hinahanap, si Jae.
Baka na-late or may pinagawa sa kanya. Ayoko naman itanong sa iba because I can’t add more fule on the fire. May part sa akin na gusto ko siyang iwasan, pero kapag iniwasan ko siya baka magkaroon na naman ng ibang problema.
I let out a heavy sighed, nagsisimula pa lang ang araw Daniel. “Nakailang buntong hininga ka na ah?” napatingin ako sa katabi ko ngayon na si Cathy busy sa pag-aayos ng gamit.
“Gusto ko nang umuwi” sabi ko in a low voice.
“Wala pang limang minuto Daniel simula ng makadating tayo dito” natatawang sagot naman niya sa akin. Huminga na lang ulit ako ng malalim at tumulala.
I really hope nothing will happen today.
A minutes later I saw Jae na papasok ng room namin idinukmo ko na lang ulo ko hindi dahil balak ko siyang iwasan, nag-iisip ako ng mga pwede kong sabihin if ever na kausapin niya ako.
“Ayusin lang namin ang sa labas Dan, sunod ka mamaya para mawala ‘yang katamaran mo sa katawan” rinig kong sabi ni Cathy saka umalis sa upuan na nasa tabi ko. Wala talaga akong gana sa lahat.
Pwede bang sabihin ko kay Cathy na masakit ang puson ko kaya gusto ko umuwi. Ayaw kasi niya ako paalisin she keep saying na tinatakasan ko lang daw ang problema ko. It’s not that she’s right but I mean right now, hindi ko talaga kaya maybe next week. I need to compose myself first.
Ramdam kong gumalaw ang upuan sa tabihan ko “Cathy masakit puson can I go home?” saka ako bumangon sa pagkakadukmo at humarap sa tabi ko na inakalang si Catherine ang nakaupo. Ang acting kong lukot na mukha ay napalitan ng gulat nang makita si Jae sa tabi ko.
“You’re not feeling well?” tanong pa niya sa akin habang nakangiti.
“Huh?” gulat kong tanong, I shook my head para mabalik sa realidad na kita kong pagtataka naman sa mukha ni Jae “I mean… okay lang ako” saka ako tumawa ng pilit at iniwas ang tingin.
Kakasabi ko lang kanina na sana walang mangyari kakaiba. Pero heto na nga at nagsisimula na.
“Are you sure” tanong pa niya sa akin.
“Yup.” I face him and slowly compose myself. Kumalma ka Daniel paalala ko sa sarili ko.
“Lunch mamaya?” hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya he looks so bright ngayon anong meron? “do you want?”
“Hmmm… sure” yayain ko na lang si Cathy.
“Okay” tumayo siya sa kanyang pagkakaupo pinapansin ko lang ang bawat galaw niya “tapusin ko lang yung ipinapagawa ni Mike, balikan kita” tumango na lang ako sa kanya at nginitian lang niya ako bago umalis.
I am so bad with these things. Ako na naman ang awkward kanina Damn.
Lumabas muna ako para puntahan si Cathy at inabala na rin ang sarili para hindi na makapag-isip ng kung ano-ano. Last day of foundation week and madami-dami na rin ang mga customers sa booth. Kaya tumulong na lang ako sa pag-aayos.
I saw Cathy na naka-aassign sa pagpipicture. Kita ko rin sila Viel na nakapila for the photobooth. Silang tatlo nila Dale wala si Mika busy din siguro. Napadaan lang din ata sila dahil pagkatapos nilang magpa-picture agad din silang umalis, at hindi na kami kinausap dahil kita rin nilang medyo madami kaming ginagawa maybe later na lang we will catch up.
When it’s already lunch time inayos muna namin ang mga gamit and sinabihan na rin ang ibang customers na bumalik na lang mamaya para makapag-lunch muna sila.
Pumasok ako sa loob at kinuha ang gamit namin. Hindi ko pa pala nasasabi kay Cathy na sasabay si Jae na mag-lunch sa amin kaya lumabas agad ako para sabihin siya.
“Cathy sasabay daw si Jae sa lunch” nakayuko kong sabi sa kanya
“Haa?” ang rinig kong sabi lang niya kaya nagtaka akong itinaas ang ulo at hinarap siya
“Why?”
“You’re so doomed Daniel!” na mas lalong nagpagulo sa akin
“Ano?”
“Nagyaya si Mika sa lunch and I said yes” nanlaki naman ang mata ng marinig kong sinabi niya.
“Why didn’t you tell me kanina?!” mahina pero may diing sabi ko. Oh my goodness anong sasabihin ko kay Jae neto?
“I didn’t know na nakausap mo si Jae” hindi nakita ni Cathy kanina dahil nasa labas siya the whole time.
I let out a heavy sighed saka tumalikod para sabihan sana si Jae na maybe bukas na lang. hindi pa man ako nakakahakbang para puntahan siya I already saw him walking towards us.
“Let’s go?” agad naman niyang sabi pagkadating sa harap ko.
“Uh… Jae the thing is—”
“Tara na!” bago ko pa masabi ang sasabihin rinig ko na si Viel sa likod ko kaya lumingon ako at kitang nasa gilid na sila ni Cathy. Sumulyap ako kay Mika na nasa may pinalikod na may seryosong tingin sa amin. Oh my freaking doom.
How did we end up like this? We are now walking palabas ng university to take our lunch, Mika and Jae are both on my side and the rest are in front of us. At bawat students na madaanan namin napapatingin sa amin.
Pwede bang maglaho na lang muna ako. Bakit ba etong dalawa ang kasama ko can I walk beside Cathy na lang? Napagpasiyahan na naming isama si Jae na mag-lunch because I literally agreed to him kanina and kapag hindi naman ako sumama kila Cathy, Mika will probably think about something na naman.
Wala kaming imik habang naglalakad. Sila Dale lang ang maingay. Wala rin naman nagsasalita sa dalawa kong kasama. I didn’t mind looking to both of them. Gusto ko na lang matapos itong lunch at makauwi.
“What do you want?”
“What’s your order?”
Sabay na tanong ng dalawa kong katabi sa akin. I frowned after hearing them both. Hindi pa man ako nakakaupo for God’s sake. Inilipat ko naman ang tingin kila Cathy na nasa harapan ko nakaupo na rin na halatang pigil na pigil ang pag-tawa.
“Umupo muna kaya kayong dalawa?” saka ko sila tinignan pareho. Hindi pa man sila nakakaupo they are ordering na agad. They both glare to each other naman, seriously? Are they children?
“Kami na nila Cathy ang mag-oorder” tinignan ko ang dalawang katabi at kita kong gusto pa nilang umapila but they can’t do anything.
Tumayo na ako at kita ko naman silang dalawa ni Dale na tumayo at sumunod na sa akin sa counter.
“Haba ng buhok mo ‘teh!” asar agad sa akin ni Dale habang nakapila.
“Never in my life na pinangarap kong mapunta sa ganitong sitwasyon” hindi ko alam kung nakakailang buntong hininga na ako ngayong araw.
I heard Cathy laughed kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Parang anytime magsusuntukan ‘yung dalawa” sumulyap naman ako sa pwesto namin at kita kong si Viel at Dawn lang ang nag-uusap ang dalawa ay wala pa ring imik.
“Gawin lang nila lalayasan ko kayo” I said. I don’t want to be in this situation again. Hindi ko pa nakakausap ng maayos si Mika and I don’t think magagawa ko he’s so stubborn kasi.
Natapos kaming mag-order at bumalik na sa lamesa. Patuloy pa rin naman sa pagkukwento sila Viel about online games. Kita kong pati si Jae ay nakikisali na rin. Ang katabi ko naman ay hanggang ngayon wala pa ring imik.
Kaya tinapunan ko siyang tingin “What?” tanong niya agad sa akin ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
Iniwas ko ang tingin at hindi siya sinagot. Parang pinagbagsakan ng langit ang lupa walang kagana-gana.
“Yeah sabi ko nga sa kanila pumunta kami doon this week” hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila kaya nakinig ako.
“Maganda siya, you should come” tumingin ako sa katabi ko na si Jae. What are they talking about?
He smiled at me ng lumingon siya sa akin “We’re talking about Goshen” they were planning about swimming pala. I also heard na maganda yung place na yun.
“Kapag may time next week punta tayo” tumango naman ako na wala sa sarili na siyang rinig kong pag-galaw ng upuan ko sa tabi na parang nagdadabog.
Lumingon ako kay Mika na lukot na lukot ang mukha ngayon. Problema neto? Siya lang ang bukod tanging walang imik sa amin. Tapos sobrang sama pa ng tingin sa akin. Ano na namang ginawa ko?
“Gusto ata ng jelly ace ni Mika” napunta ang tingin ko kay Viel na siyang nagsalita.
“Jelly ace?” nagtatakang sabi ko. Rinig ko sila Cathy and Dale na tumatawa. Anong nakakatawa?
“If you want jelly ace bili ka mamaya” hinarap kong muli si Mika na mas lalong ikinalukot ng mukha niya.
Nagsimula na kaming kumain ng sinerve na nila ito sa amin dahil kailangan pa namin bumalik mamaya sa university madami-dami pa kaming gagawin.
“Punta tayo this weekend?” Dale is probably talking about swimming.
“Free ba kayo?” tanong naman ni Cathy. Tumango lang ako katulad nila Viel and Dawn si Mika ay walang imik. Si Jae ay nakatingin sa akin.
“Do you want to come?” tanong ko sa kanya.
“Pwede ba?” tanong naman niya kaya inilipat ko ang tingin ko kay Cathy
“Y-yeah oo naman” halata ang pilit na tawa niya pagkatapos.
“Okay I’m in” sagot naman agad ni Jae.
“How about you?” lumingon ako sa kabilang side ko na bumasangot pa rin ang mukha.
“You can ask Trinity din baka they want” the more the merrier right?
Patuloy lang siya sa pagkain at hindi ako tinitignan. Inilibot ko naman ang tingin ko sa iba naming kasama at nagkibit balikat lang sila. Nakasumpong na naman itong isa kong katabi ang hirap kausapin.
Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain and we are also planning about the swimming.
“Overnight na lang tayo dun kahit two days one night lang”
“Hindi pa nga nakakamove on bulsa ko sa concert” natawa na lang kami ng sabihin iyon ni Dale.
“Symepre ambagan naman tayo” pageexplain pa ni Viel sa amin. Sana lang talaga ay matuloy itong binabalak nila.
“Sige kami na dun sa fifty percent sayo na yung fifty percent” sabi ni Dawn
“Kupal mo naman pre, huwag na nga tayo mag swimming” saka kami nagtawanan, Mika is still throwing a tantrums. Wala pa ring imik at nakatulala lang.
Naglalakad na kami ngayon pabalik sa university. And we will talk na lang daw sa chat about the swimming. We separated ways with them si Mika ay diretso lang ang lakad hindi na kami tinignan pa bago umalis.
“Ang dami na agad tao” pabulong kong sabi dahil habang palakad pa lang kami papunta sa booth ay kita mo na ang haba ng bila.
“Nakakapagod ‘to” sabi naman ni Cathy na siyang tinawanan naming dalawa ni Jae.
Pagkadating namin ay agad na kaming nag-trabaho. Si Jae ay dumeretso na sa stall kung saan siya naka-aasign ako naman at tinulungan si Cathy sa pag-piprint. Last na day na ngayon kaya siguro ang daming taong nagsipunta sa amin. next week ay balik na naman sa normal ang lahat.
“Dan pakitulungan sandali si Jae doon!” sigaw naman ng president namin na si Mike nakita kong nakangisi kaya umiling-iling na lang ako sa kanya.
“Ako na diyan” sabi ko kay Jae sabay kuha ng calamansi sa kamay niya. nagbebenta na siya, siya pa nagaasikaso sa palamig tapos pati sa paghiwa ng calamansi. Di kasi marunong umayaw sa iniutos eh.
“Thanks” rinig kong sabi pa niya. ang dami pa naming students na nakapila. If I know siya talaga ang in-assign dito sa siomai stall because of his looks.