T h r o w b a c k V I I Ilang minuto lang pagkatapos kumain ay narating na rin namin kaagad ang address na siyang itinuro noong kaklase ni Ellise. Madali akong namangha sa bahay nila. Well, hindi mo rin maipagkakaila ang estado nito sa buhay dahil Senador ang ama nito. Mamahalin, ni hindi ko halos makilala ang mga materyales na nagamit dito, ni wala pa sa mga pinag-aralan namin. "Wow, ang galing ng Engineer ng bahay na 'to! Pustahan!" Bago pa man ako magsalita ay naunahan na ako ni Sierra, iisa lang ang nasa utak. Laking gulat ko noong walang mga bantay maliban sa isang lalaking mukhang hardinero na sumalubong sa sasakyan. "Ano po ang kailangan nila, Ma'am?" anang hardinero sa amin nang mayroong malawak na ngiti. "We are Ellise's friends, pinapunta niya kasi kami. Hangout, nand

