T h r o w b a c k V I I I Pagkatapos ng nangyari sa amin nila Joaquin at Ellise ay minabuti kong ialay ang sarili sa pag aaral. Lalo na noong nag-second semester na dahil mas marami ang units na kailangan dito kumpara sa first sem. “Elle, you‘ll not believe this!” hiyaw ni Sierra sa akin, isang hapon. Kakatapos lang ng lunch at papunta na ako sa susunod kong subject nung makita ko siya. Hindi kasi kami sabay kumain dahil may kailangan akong asikasuhin sa Library kung saan naaasign sa pagiging student assistant ko. “Kumalma ka, Sie. Ano 'yun?” Huminga-hinga muna siya habang sinasabayan ako maglakad bago nagsalita. “Tanda mo pa yung ka-text mo dati? ‘Yung nito lang, Elle!” Napako ang tingin ko sakanya, tinatanya ang posibleng maging reaksyon. Kailangan ko pang halukayin ang isip par

