T h r o w b a c k I X Nanatili ang mga nakakainis na araw. Kung hindi ko siya makikitang may kasamang babae ay nabu-bwisit naman ako sa awra niya. He became the most hated person for me. Ibinukas ko ang cellphone ko nang makarating sa classroom noong umagang iyon at minabuting ito na muna ang pagtuonan ko ng pansin. Akala ko nga‘y magiging payapa na ako sa araw na ‘to pero isa lamang iyong pagkakamali. Kairus Prado sent you a request. Gulat kong nabitawan ang cellphone pero noong kukunin ko na itong muli ay agaran naman ang paghablot ni Sierra rito. “Sie, naman, eh!” Kinalikot niya ang cellphone ko pagkatapos ay natamaan ang friend request na andoon. “Seriously?” Bumunghalit siya ng tawa. I can't believe her! Sobra-sobra ang inis kong nararamdaman noong mas pinili ko na lang umu

