T h r o w b a c k V "Sie, cr muna ako." Tumayo ako kaya medyo naramdaman ko na ng hilo. I am tipsy. Dahil siguro sa iilang shot ng tequila na nainom namin ni Sierra mula kanina. Wala naman kasing ibang magawa kaya mabuti pang puunan na lang nang punuan ng alak ang bibig. Hindi maalis sa isip ko ang eksenan kanina. Ngayon ko lang nakita kung gaano kaseryoso ang babae. She has something to say and I know it is important. Kung ano man iyon ay wala ako ni isang ideya, ngunit siguradong tungkol iyon kay Joaquin. Pagatal nang patagal ay nangangati ang utak ko para malaman. "You want me to go with you?" Mabilis ang naging pag-iling ko kaya mabilis niya rin iyong naintindihan. Ramdam ko ang hilo ngunit pinilit kong makapaglakad patungo sa banyo nang marinig ang malakas na sigaw mula sa l

