T h r o w b a c k I V "Susunduin ka raw niya? Sigurado?" hindi makapaniwalang tanong ni Sierra sa akin matapos ang last subject namin. Tinanguan ko na lang ito, pagkatapos kasi nang pagkukwento sa buong pangyayari na may kasamang pangungumbinsi, alam kong hindi pa rin siya makapaniwala. "Ikaw ba talaga ang susunduin? O baka may kikitain na namang babae rito?" Ever since, alam kong hindi na sang-ayon si Sierra sa relationship namin ni Joaquin, kaya naman labis kong ipinagpapasalamat ang pagrespeto nito sa bawat kilos at desisyon ko. "Hindi ko alam pero sabi niya nu’ng nasa ospital siya ay magsisimula raw kami ulit," walang ganang sabi ko habang iniipon ang lahat ng gamit ko para ilagay sa locker. Ang sabi sa akin ni Joaquin ay nasa parking na siya at nag-aantay Pero aaminin kong I do

