Hindi ko na alam kung papaano ako napunta sa puntong nakapasok na ako sa pinto ng ospital, hinihingal dahil sa labis na pagtakbo. Siguro ay hinatid ako ni Sierra o ako ang nagmaneho, o baka nga tinakbo ko na lang talaga ang daan. Patakbo kong hinanap ang kwartong sinabi ng in ani Joaquin sa tawag. This is impossible. Napakaimposible, at hindi ko maisip kung ano marahil ang nangyari para dalhin ang lalaki sa ospital. "Bakit po? Anong nangyari kay Joaquin?" "Iha, he. . . he tried. . ." "He tried what, Tita?" Nanginginig akong nag-aantay. Halos hindi pa siya makahinga kaya't hindi niya nasasabi ng tuluyan ang rason. "He tried doing it, iha." Ilang beses pa akong napalunok. Kung tama ang iniisip ko ngayon ay dapat na akong magmadali para puntahan siya. "He tried to kill himself." Mist

