It’s not what I think. I am hearing these words ng sandamakmak na beses na. Tuwing nakikita ko siyang may ibang babae ay ito na agad ang intrada niya. Walang bago. Paulit-ulit na lang. "'Yung babae, kaibigan ko lang yun, matagal na. We've met here, kaya nalaman ko na dito rin pala siya nag-aaral." Walang naririnig ay mas binilisan ko ang lakad. Humahabol siya, at nagsisisigaw. Umaasang baka marinig ko. Pero huli na siya, kahit gaano pa kalakas ang sigaw niya ay hindi ko na ito nanaisin pang marinig. Hindi ko alam pero tuwing may mga nangyayaring ganto ay imbis na masaktan ay mas binabalewala ko na lang. Siguro ay nasasanay na rin ako. Baka nga. "Eilythia, ano ba? Let me explain! Nagsasabi naman ako ng totoo." Hindi ko na siya ulit pinansin o kahit nilingon man lang. Bago ko tuluyang m

