Five years ago College days "Nakita kita sa tricycle kanina." Kasabay ng pagtunog ng cellphone ko ay ang pagdungaw ng mensaheng mula kay Kairus. Nitong mga nakaraang araw ay wala na akong ibang nakikitang ibang mensahe kundi galing sakanya. "Ganon ba? Didn't see you, hehe" reply ko. "Sino na naman ba 'yan!?" bumunghalit na itong kasama ko ngayon, si Joaquin, boyfriend ko. Napakaseloso talaga. Lahat na lang bawal, ni ultimo paghinga ko ata bawal na rito. "Si Kai–" "'Yang Kairus na naman? Sinabihan na kita, ah. I-block mo na 'yan!" Sabay kaming napakunot noo. Alam kong naiinis ang lalaki pero mas naiinis ako sa ikinikilos nito lalong-lalo na’t hindi lang kaming dalawa ang nasa lugar. "At bakit ko naman gagawin yun, Jo? Nakikipagkaibigan lang yung tao saka–" nag-isip pa ako ng iba

