Kairus Hernandez “Congratulations, anak. You’re really doing well.” Rinig ko ang pagbating iyon ni dad kay Ashley. Sapat na para mamula ang mga mata ng kapatid. Katulad ni Mr. Antonio, hindi ko rin maitago ang nararamdamang kasiyahan para kay Ashley. Parang kailan lang kitang-kita ko pa ang pag-iinarte nito patungkol sa mga bagay na gusto at mga luho. Pero ngayon ay paunti-onti na rin itomg bumubuo ng sariling pagkakakilanlan sa industriya, hiwalay pa sa H&H. “Congratulations,” sambit ko rito nang makababa sa stage matapos ang mensahe. Inabot ko rin sa kapatid ang isang bouquet pagkatapos ay sinenyasang maupo sa tabi ko. “You’re beautiful. . . today,” pang-aasar ko pa. Inirapan lang ako ng babae at hindi na pinatulan, siguro ay pagod na rin sa kabi-kabilang pagbating natatanggap. “A

