K a b a n a t a X X X I I I (33) "Mama!" Napabalikwas ako sa higaan at napagtantong bumalik na naman ang mga nakakatakot na panaginip ko kay Mama kasabay nang pag-alala sa nangyari pagkatapos ng limang taon. Limang taon na ang nakalipas pero wala pa rin atang balak na lubayan ako ng mga panaginip na ito. Paulit-ulit kong nakikita ang ina na tumatakbo, tinatahak ang hindi matapos-tapos na daan para lang makatakas sa kung sinoan ang humahabol dito. Nakakatakot. Paulit-ulit na pero hindi pa rin ako nasanay at labis pa ring pinagpapawisan nang malamig at nanginginig sa tuwing maaalala iyon. Buong lakas kong hinala ang sarili patayo dahil kailangan na maging productive ako sa araw na ito. Linggo ngayon at off ko sa trabaho. Minabuti kong sa bahay na muna ako maghapon, literal na magp

