T h r o w b a c k X V I I Hindi ko na siya hinayaang magpaliwanag. Hindi ko na rin inisip na baka gusto niyang magpaliwanag. Itinago at itinapon ko ang mga bagay na maaaring maging koneksyon ko pa sakanya. Mga regalo, sulat o kahit na anong naitago ko. Ginusto kong itapon ang lahat pero hinding-hindi ko magagawa iyon. Hinding-hindi ko magagawang itapon ang mga alaala. Kinabukasan matapos ang gabing yun, umuwi agad ako sa probinsya at doon pinalipas ang bakasyon. Kay Sierra na lang ako may contact at madalas niya rin akong binibisita. Pinilit kong makuntento sa ganoon at hindi na muling isipin pa ang lalaki. Kahit kasi ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin nagsi-sink in sa isip mo ang nangyari. I became afraid to face to truth—niloko akong muli, at ni Kairus pa. "Are you re

